SMMMR 13~ Goodnight, sweetdreams Jagiya

3.2K 109 6
                                    


Taehyung

"Ang tagal ni ChimChim ah." I mumbled under my breath as I watch the birds flyyyyy to the sky.

Joke!

Hihihihi.

Nakadungaw lang ako sa sliding glass window ng bahay namin dito sa kwarto ko. Ang tagal naman kasi ni Chim sa date nila ni Margarette! Tsk tsk.

Dahil sa sobraaaang boring, in-open ko yung account namin sa Twitter at tinignan kung anong trending.

#PakGanern

#ExoPinkinChina

#WeMiss방탄소년단

#KaeceeAndGrantTogetherForever

Clinick ko yung #WeMiss방탄소년단 at tinignan yung mga posts about doon.  Marami akong nakitang posts na para bang nagfla-flashbacks yung mga ARMYs, meron naman yung mga memes.

At meron ding...

@kookiemonster

Park Jimin is spotted today by a fan in a park in Cypher City, Philippines with a girl. Are they dating?

May picture na nakalagay doon at nagulat ako nang makitang si Chim nga yun at si Margarette. Tsk tsk, sabi naman kasi mag-disguise eh!

May mga sumunod pang mga tweets about sakanila pero gladly, hindi naman gaanong nag-react ng negative ang ARMYs. They even said that karapatan ni Chim yun, karapatan niya rin na magkaroon ng privacy at karapatan niyang ma-inlove.

Kapag nalaman kaya nilang may crush din ako, ganyan din kaya ang sasabihin nila?

Na-bored ako kaya nag sign-out nalang ako at tinignan ang oras. 5:30 na. Aish, ang tagaaaal ni Chim! Gagawin pa namin yung cover ng If You ng BigBang sunbaenim namin eh.

5 minutes...

10 minutes...

30 minutes....

1 hour....

2 hours...

3 hours...

Argh! Ang tagal naman talaga oh! 8:00 na! Gabi na!

Wala na, hindi na namin magagawa yun. Maybe tomorrow?

Napahikab ako at binuksan yung sliding glass door ng kwarto ko at pumunta sa terrace ng kwarto ko. Humilig ako sa railings at tinignan ang langit. Sabi ni Namjoon hyung, kahit na 20 minutes kang tumingin sa langit, pagtapos mong tumingin doon ay mararamdaman mo ang tunay na meaning ng happiness kaya naman gusto kong i-try yun ngayon. Hihihi.

"Haaaaaay, ang lamig." Bulong ko nang maramdaman ko na ang lamig sa mga balat ko.

Nabaling ang tingin ko sa bahay na katabi ng bahay namin ngayon. Nakabukas pa ang ilaw ng kwarto ni Mich, gising pa kaya yun?

Kumuha ako ng isang ballpen na nakita ko sa side table ko at ibinato yun sa glassdoor ng kwarto ni Mich. Malapit lang naman kaya tama lang yung pagkakabato ko.

Maya-maya pa ay hinawi niya yung kurtina ng kwarto niya at napangiti ako nang makita siyang gulat. As in gulat.

Yung parang ganito oh, O.O . Ganyan.

Kinuha ko yung kakapunit ko lang na page ng calendar ko at yung marker na nakita ko dito sa kwarto atsaka nagsulat.

'Hello :) :D '
Ipinakita ko yung papel atsaka kumaway at ngumiti ng pagkalaki-laki.

Nakita ko namang may kinuha siyang kung-ano sa bag niya atsaka umaktong nagsusulat din.

'Hi. Hahahaha :'D '
Natatawa niyang ipinakita yung sinulat niya atsaka kumaway din.

'Bakit dika pa tulog po? :) '
Naka-pout kong pinakita sakanya yung sinulat ko at hinintay yung sagot niya.

'Nanonood po kasi ako ng mga MV's niyo po :) ang galing niyo! :D'
sagot niya habang naka-thumbs up pa.

Woah. Ano naman kayang MV?

'Hihihi. Salamat! Matulog ka na rin, gabi na oh. ;)'
Ipinakita ko pa yung paper habang nag-a-acting akong tulog. Hihihihi.

'Maaga pa. Hahahaha :D'
Natatawa niyang ipinakita yung sinulat niya kaya naman nakaisip ako ng bright idea.

'Lumabas ka. Pumunta ka dyan sa terrace ng kwarto mo. Dali!'

Agad naman siyang bumaba ng kama niya at binuksan na yung glass door. Naka pantulog na siyang damit. Alam niyo yung parang longsleeves na pantulog tapos pajama? Ganun. Ang cute nga ng color at design eh, blue tapos bear.

"Bakit mo ako pinalabas?" Aniya na tama lang para marinig ko.

"Maaga pa diba?" Tanong ko sakanya.

"Oo, 8:30 palang. Bakit?" Nakangiti niyang tanong.

Sumampa ako sa terrace at umapak sa labas na part ng terrace. "Uy! Ano bang ginagawa mo?! Bumalik ka nga  doon!" Nagpa-panic na sabi niya pero diko siya pinakinggan.

Inapak ko yung isa kong paa sa terrace niya at mabilis ko ring iniapak yung isa ko pang paa at humawak sa railings ng terrace niya.

Kita kong hindi makapaniwala yung itsura niya kaya ngumiti ako sakanya.

Tumalon na ako para tuluyang makapasok sa kwarto niya.

"Bakit mo ginawa yun?! Alam mong delikado!" Singhal niya kaagad saakin nang makalapit na ako sakanya.

"Hayaan mo na. Hihihi." Hinawakan ko ang right hand niya at mas lumapit pa sakanya. "Atleast hindi naman ako nasaktan diba?" Nakatitig kong sabi sakanya. Her face became uneasy kaya lumayo ako ng konti.

"Ah, may mga movies ako dyan. Mamili ka nalang. Kukuha lang ako ng makakain sa baba." Paalam niya bago lumabas ng kwarto niya.

Ang cute niyaaaa!

Mich

"Woooh. Hinga Mich, hinga." Sabi ko sa sarili ko habang kumukuha ng finger foods sa fridge. "Pero ang gwapo ng mukha niya, parang Bambam lang. Tapos ang pupula ng labi--- aish! Magtigil ka nga Mich!" Bulong ko nanaman sa sarili ko.

"Sinong mapupula ang labi? Tsaka sinong kamukha ni Bambam?"

O.O

Dahan-dahan kong nilingon ang nagsabi nun at halos pagpawisan na ang palad ko dahil sa kaba.

"A-ah Mom." Bungad ko sakanya. I tried my best to smile but I can't. "Hmm, doon lang po sa pinapanood kong K-drama. Hehehe. Sige po, manonood pa po ako. Goodnight mom!"

Mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at  pagkapasok ko, agad kong ni-lock yun.

"Ah, eto na yung pagkain. Anong napili mo?" I casually asked him habang tumatabi ako sakanya sa floor.

Naka-indian sit siya habang ako, naka-upo lang ng normal. Both of us are resting our back sa paanan ng kama ko.

"Hmm, High School Musical. Hehehe. Okay lang sayo? Ang ganda kasi niyan eh." Sagot niya habang binubuksan yung isang pack ng chips.

"Okay lang, na-miss ko rin panoorin yan." Nakangiti ko namang sagot.

Habang nagpe-play yung movie, kita kong nakatutok lang siya sa pinapanood niya. While me? Nakakaramdam na ng antok. But I know na hindi ko pwedeng tulugan tong bisita kong to.

Pero habang patagal ng patagal, mas lalo lang akong inaantok hanggang sa diko namalayang nakapikit na pala ako at nakasandal sa kung ano.

Naramdaman kong may bumuhat saakin at alam kong si Taehyung yun. Naramdaman ko ang pagkakahiga ko sa kama at naramdaman ko ring may kumot nang naka-cover saakin. Maya maya lang ang ay may malambot na bagay na dumampi sa noo ko sabay sabing..

"Goodnight, sweetdreams Jagiya."

×××××

Alam kong medyo maikli to compared to other chaps. Mianhae! Na-writers block lang po kasi pero babawi nalang po ako sa next chap :) annyeong!

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now