SMMMR 16~ Visit pt.1

3.5K 107 9
                                    


Rustlene

"Mga bes, dalian niyong tapusin yan. Pupunta na tayo kina Margarette." Sabi ko pertaining to Mhargot, Anilyn and Mich na hindi pa tapos sa pinapagawa saaming seatwork. Ayan kasi, kanina pa tawa ng tawa. Hindi tuloy natapos kaagad.

"Teka lang, last number na nga kami oh. Tsk, ang hirap naman kasi netong ESP. Limang questions ba naman. Explanation pa!" Reklamo ni Anilyn habang nagsusulat. Halos mabutas na nga yung papel dahil sa diin ng pagkakasulat niya eh. Pfft.

"Tapos na! Wooh!" Ani Mich habang tinataas pa yung papel niya at ipa-pass na kay Mady. Siya kasi yung nautusan na mag-collect nung mga hindi pa tapos.

"Tapos na rin!" "Done!"
Sabay na sabi nila Anilyn at Mhargot.

"Great. Mady, ikaw na ang mag-pass kay Mam niyan. Hihintayin ka na namin sa parking." Sabi ko habang isinusukbit na sa balikat ko ang bag ko

"Ha? Bakit ako lang? Samahan niyo ako!" Reklamo niya habang inaayos yung salamin niya.

"Tse. Parusa mo yan. Pinag-alala mo kami kanina no. Bleh!" Parang batang sagot naman ni Mhargot kaya naman no choice na talaga si Mady kungdi pumunta doon mag-isa.

Pero may 'good samaritan' na nag-volunteer na sumama sakanya. No other than, Kim Namjoon.

"Mady, san punta mo? ."

"Ah, kay Ms. Buenaventura. Ipapasa ko lang tong mga to." Sagot niya sabay pakita pa nung mga papers nila Mhargot.

"Samahan na kita."

See? Good samaritan talaga. Parang simula nung nahanap siya ni Namjoon kanina, nawala yung barrier sa pagitan nila. I mean para bigla nalang silang naging comfortable with each other. I smell something fishy, hmm.

"Hi Rustlene."

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang sumulpot dito sa tabi ko si Jin habang nakangiti pa. Jusmeyomarimar!

"Ay, hello." Bati ko naman pabalik.

"San lakad niyo?" He asked.

"Ah, pupuntahan lang namin si Margarette sa bahay nila. Kahapon pa kasi absent." Sagot ko sakanya.

"Ahh. Ganun ba? Pwede ba kaming sumama?"

O.O

Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit naman sila sasama?!

"Ah, bakit kami sasama? Kasi alam na naming miss na siya ni Jimin. Nag-aalala nga yung Jamless kid na yun kay Margarette eh. Baka raw kasi kasalanan niya kung bakit absent." Inosente niyang sabi habang nakatingin kay Jimin.

"A-ah sige. Kayong bahala. Pero dadaan muna tayo sa fruit stand para bumili ng fruits para kay Margarette ah?" Sabi ko sakanya.

"Sige sige."

Lumapit na muna siya sa mga kaibigan niya at habang ako, nilapitan si Elle na kaslukuyang nakikinig ng music habang naka-earphones siya kaya naman inalis ko yung isang earphones niya na nasa left ear niya para makausap siya.

"The heck?!" She exclaimed nang tanggalin ko yung earphones niya.

"Mabibingi ka na. Kanina ka pa nakaganyan since lumabas kayo ng detention until now. You even wear that kahit na nagka-klase. Pasalamat ka, hindi ka nahuli." Penenermon ko sakanya. I maybe younger than her pero ako naman lagi ang sumusuway sakanya. She's like our ate sa barkada kaya naman ganoon nalang yung concern namin sakanya.

"Tch." Maikling sabi niya bago tanggalin na ng tuluyan ang earphones niya at umirap. "Ano na? Tara na. Bibili pa tayo ng prutas para sa malditang yun." Mataray na sabi niya habang tinatago sa bag niya yung earphones niya.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Место, где живут истории. Откройте их для себя