Chapter one

26.6K 195 4
                                    

‘Wooh! Bakit kasi kelangan ko pang gawin ito eh! Pahirap naman tong ipinapagawang saakin ni Harvey! Tapos kapag ka nahuli pa ako lagot na!’ napakamot na lang sa batok itong si Timothy na nasa rooftop habang inaayos nya ang gamit na gagamitin para sa pagbaba sa ika-10 palapag ng building na may taas na 40 na palapag. Kung saan kailangan pa nyang butasin ang makapal na salaming dingding para makapasok sa loob at makuha ang sinadya dun..


May ilang sandali pa nga ay maala spiderman na syang bumababa dun sa may terrace ng 10th floor.

Gamit ang matalim na gilid ng diamond ring na suot nya un ang ginamit nya para guhitan at mabilugan ang makapal na salamin para maabot ang lock nito sa loob. Haha kung pano nya nagawang maabot ung lock? Aba ewan ko din, maging ako hindi ko maintindihan ang aking sinulat kung pano nya naabot ang lock. Basta kunyari naabot na nya un haha!


Ilang sandali pa ay nasa loob na ng unit etong si Timothy. Wala syang inaksayang oras agad nyang hinanap ang pakay sa loob ng kwartong iyon.

Sa may gawing kanan nya sa may dingding inangat nya ang isang picture frame na sa likod nun ay may isang steel na cabinet na may double lock, un ang kailangan nyang bukasan. Merong naman syang master key na gamit. Pero ang matindi dun ay may alarm ang cabinet na yun na kapag isang maling galaw nya lang ay tutunog iyon at mabubulabog ang lahat ng nasa building na yon. Ganun katindi un haha!


Bubuksan na dapat nya ang cabinet pero may narinig syang malakas na kumalabog sa may banyo.


‘Ow shit! Anu un? Mukhang hindi lang yata ako ang tao sa loob ng unit na to ah?’


Natigil ng saglit si Timothy sa tapat ng pinto nito, nakikiramdam muna sya bago gumawa ulit ng panibagong galaw. Maya-maya ay nakikita nyang pumipihit ng dahandahan ang doorknob nito.


‘Shit may tao nga!’


Mabilis syang nagtago malapit sa isa pang cabinet na nadun. At duon ay hinitay nyang lumabas ang tao sa loob ng banyo.

Nakita nyang isang tao na naka over all black na suot at may bonnet ng itim din. Nakikita nya ito sa tulong na din ng suot nyang salamin na may night vision.


‘Ano kaya ang kailangan ng taong to dito?’


Tanung nya sa sarili habang pinapanuod lang niya ang ginagawa nito, hanggang sa makita nyang lumapit din ito sa lugar na kung saan nandun sya kanina.

Sapag linga-linga ng taong ito yun sa kanyang likod, naaaninag ni Timothy mula sa kanyang kinalalagyan ang katawan nito. Nakita nyang isa pala itong babae. Dahil sa hubog ng katawan nito.


‘Babae? Isang babae? Anong ginagawa nya dito?’

Madaming tanong ang bumabalot ngaun sa isip ni Timothy. Maya maya pa ay na-gets na nya kung ano ang hanap ng babaing to sa unit na un. Kasi lumapit ito sa steel cabinet at akmang bubuksan na nya ito na dapat sana eh bubuksan na nya kanina.



‘Shit! Aba at uunahan pa ata ako neto dun ha!’


Dahan dahan syang lumabas sa pinag tataguan nya.

HULI KA!”

---
:)
11-19-13

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon