Chapter 7 (the Part II)

440 4 0
                                        

Sandy's POV

Nakakapagod pala talaga magpakaGirls' Generation member hehe

Sobrang init kaya napagdesisyunan kong magpahangin sa labas at para hanapin na rin si Reu, di ko siya makita sa loob eh.

At mabuti na lang sa labas ako dumiretso andun siya eh.

"Oh andito ka pala."

"Nakakasawa na kasing panuorin yung parang kitikiting bata na sumasayaw sa loob"

Nag-isip pa ako.

Teka ako yun ha?

"Ang sama mo talaga."

Katahamikan ang namayapa sa aming dalawa (ang lalim! nakakapanginig laman :D)

"Ah, Reu. Pwedeng magtanong?"

"Depende."

"Depende?"

"Depende kung gugustuhin kong sagutin yang tanung mo."

"Ahm sino yung babaeng kasama mo kanina nung makita kita?"

Hindi siya sumagot.

"Ah sorry kung masyado na akong nagiging pakialamera. Okay lang kung aya-"

"Ate ko."

"Ha?"

"Sabi ko ate ko yung kasama ko kanina."

"Ate mo?"

"Oo nga. Hindi ka rin makulit no?"

Phew! Akala ko girlfriend. Buti na lang pala hindi ko sinugod kanina. Haha

"Pilit niya akong pinapauwi sa kanila, eh kaso ayoko wala siyang magagawa."

"Ah kaya ba sinampal ka niya kanina."

"Ah hindi. Tinawag ko kasing walang kwenta yung tatay niya."

"Niya? Ay half-sister mo lang siya."

"Hindi. Ate ko siyang buo."

"Ha? Eh kung ate mo siyang buo, bakit tatay niya lang diba dapat tatay mo rin kasi nga ate mo siyang buo. Pero bakit tatay lang niya. Kung ate mo talaga siyang buo dapat tatay mo yung tatay niya eh ba't tatay lang niya dapat tatay mo rin. Eh bakit ganun?"

He just patted my head and said,

"Huwag mo ng masyadong isipin, mastress pa yang utak mas lalo ka pang maging weird."

At pumasok na siya.

"Ang sama talaga nun. Hindi ako weird ah? Hmp!"

Anu ba yan ang boring tuloy.

Wala pang 5mins. bumalik uli siya.

"Oh ba't ka bumalik?"

"Wala kasi akong mahanap na hindi matinong makausap doon, naalala ko andito ka pala sa labas."

"Sus! Namiss mo lang ako eh."

"Mangarap ka lang."

"Belat!"

Tapos hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin muna ako nagsalita.

Hanggang sa di nakatiis ang lolo, at bigla siyang nagsalita.

"Ako naman ang magtatanong."

"Depende." Panggagaya ko sa tono niya.

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Sabi ko nga, sasagutin ko yan."

"Yung lalaking, nanghalik sa'yo sa school niyo nung isang araw, hindi mu ba, talaga, boyfriend yun?"

"Ha!? Hindi nga! Promise. Swear. Cross my heart and I hope the grass dies. Hindi ko talaga boyfriend yun."

"Ang galing naman nun. Hindi pa man din kayo, nakascore na agad  siya."

"Kaya nga nanggagalaiti ako sa hinayupak na yun. Pag nakita ko yun, mata lang niya ang walang la- Teka nga lang, nagseselos ka ba? Naku naman Reu. Ikaw lang ang number one sa akin, only one pa nga eh. Huwag ka ng magselos."

"Sige lang babaeng tagabundok mangarap ka lang."

"Wuu! Aminin mo na eto naman."

"Ewan ko sa'yo."

Hahahahahahaha Ang galing ko talaga. ^_^

Reu's POV

Baliw talaga 'to.

"Ewan ko sa'yo."

Parang ewan talaga 'tong babaeng 'to.

Pero, ewan ko lang din ba't nag-eenjoy ako sa kabaliwan ng babaeng 'to.

Nakakabuisit yung lalaking yun, pag nakita ko yun babasagin ko mukha nun.

Oh hindi na siya nagsasalita.

"Magtatanung uli ako." Sabi ko uli.

"Depende."

Tinaasan ko uli siya ng kilay.

"Sasagutin ko yan ng walang kaarte-arte."

"Bakit tita mo kasama mo dito? Asan mga magulang mo?"

"Wala na si Papa. Namatay siya nung 6 years old lang ako. Car accident."

"Eh ang Mama mo?"

"Ha? Ah eh, wala. Wala akong Mama."

Ba't biglang naging galit yung mukha niya?

"Kung patay na ang Papa mo, sino yung daddy na sinasabi mo nung nakita kitang hinahanap mo yung phone mo?"

"Yun ang tito ko. Kapatid siya ni Papa. Pero ayoko sa kanya. Lagi niya kasing sinasabi sa akin na ako ang dahilan kung bakit, namatay si Papa. Alam ni Tita kong anung nangyari kay Papa, kaya nung malaman niya, na pinagsasalitaan ako ng ganun ni tito, kinuha niya ako sa kanya kaya nandito ako ngayon."

"Hmm."

Hindi ko alam kung anu ang dapat kong sabihin sa kanya. Tapos bigla ko na lang siyang narinig na humihikbi.

"Uy, umiiyak ka ba?"

"Ha? Pasensya na namimiss ko lang kasi si Papa." 

Inabutan ko siya ng panyo.

Kinuha naman niya at nakangiti na siya bigla.

Ay naku kung anu-ano na naman iniisip nito.

"Kahit sinong lalaki, kapag nakakita ng babaeng umiiyak, aabutan at aabutan niya yan ng panyo kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan."

"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah?" Natatawa niyang sabi.

"Ewan ko talaga sa'yo."

Nanahimik lang siya bigla.

"Reu, thank you ha? Hindi mo lang alam kung ganu ko katagal itinago 'to. Kahit nga kay Marine di ko pa  sinasabi 'to. Ang gaan na ng pakiramdam ko. Thank you." Saka siya ngumiti.

0_0

"Ah. W-wala yun. Thank you rin." Ngumiti din ako.

Masarap pala ngumiti. :)

-pasensya na kung natagalan ang UD ah? di bale may treat naman ako. dalawa ang UD ko ngaun . hehe nakakahiya naman kasi sa inyo. eto na po enjoy! ^^

<3 <3 <3

Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)Where stories live. Discover now