Sandy’s POV
It’s been 5 months.
At sa 5 months na yun, andami ng nangyari.
Oh etong sina Marine at Dwayne, akalain niyong officially ‘sila’ na.
Yah. I know.
Nakakapagtaka right?
Di ko ineexpect akalain niyo yun. Hehe
I’m just so happy for them.
Si Tita naman, ikakasal na next month.
Buti naman nakahanap na siya ng lalaki para sa kanya.
Buti pa sila.
Ako? Heto babiyahe papuntang France.
Ang aking Lolo Dear ay pinapatawag ako, miss na daw kasi niya ako
Kaya andito kami ngayon sa airport.
Kami, because I’m with Dwayne, Marine and Tita.
“Basta Sandy, umuwi ka bago ang kasal ko tsaka para makapag-enroll na rin kayo ni Marine.”
Ah oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo, magkacollege na kami nina Marine at Dwayne.
Parang ang bilis no?
Pero para sa akin, hindi.
Mabagal ang mga araw para sa akin, simula ng...
Hay naku Sandy, pwede ba? Tama na. Di na siya babalik okay?
Tama. He won’t come back again.
“Syempre naman Tita. Pupwede ba namang di ako umuwi sa pinakaespesyal na araw niyo.” Ngumiti ako kay Tita.
Niyakap ko siya.
Pagkatapos si Dwayne naman ang binalingan ko.
“Hoy Dwayne, alagaan mo yang si Marine ha? Lagot ka sa akin kapag yan pinaiyak mo.” Tsaka ko pinakita sa kanya kamao ko.
“Eh ako ngang pinapaiyak nito.” Natatawa niyang sabi.
“Anu kamu?” Sabi naman ni Marine, na halatang natatakot.
“Ah wala boss, sabi ko ang ganda mo kaya kita mahal eh.” Eto namang si Dwayne nagpatakot.
“Asus!” Sabay naming sabi ni Marine.
“Sige aalis na ako baka maiwan na ako ng eroplano, lagot pa ako kay Lolo. Hehe Sige babye. Ingat kayo dito ha?”
“Ikumusta mo na lang ako kay papa ha?”
“Opo Tita.”
“Sandy, ingat ka dun.”
Ngumiti lang ako sa kanilang lahat.
Nagpause ako ng mga 5 seconds.
Sandy, naghihintay ka pa rin? Di siya darating.
Ngumiti na lang ako, yumuko at tuluyang tumalikod.
Pagtalikod ko biglang...
“Sandy.”
0_0
SIya na kaya ‘to?
Pagharap ko...
“Brye?”
Si Brye lang pala.
“Buti nakaabot pa ako. Mag-iingat ka dun Sandy ha? Tsaka sana magkita pa tayo uli.”
“Anu ka ba? Isang buwan lang ako dun, talagang magkikita pa tayo.”
Ngumiti lang siya.
Gwapo din pala si Brye, kulang lang sa ayos.
YOU ARE READING
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
