Sandy’s POV
Hindi na kami nagpapansinan.
Para kaming enemies.
Pero mas maganda na rin 'to para wala nang iba pang madamay.
Pagkatapos ng gabing yun, na nagpaalam ako sa kanya, hindi ko na uli siya nakita.
Tinawagan ko si Trinity pagkatapos ng gabing yun at sinabi kong nanalo na siya, na sa kanya na si Reu.
Tapos pinagalitan lang ako nila Marine at Maddi.
Kahit hindi nagpapakita sa akin si Reu, lagi pa rin niya akong tinatawagan at tinetext pero hindi ko pinapansin lahat ng mga yun kahit masakit.
At ngayon, eto papasok na naman ako sa university.
Sigurado ako, makikita ko na naman sila.
Haaay. Kaya mo ‘to Sandy, matapang ka diba? Malakas ka. Kaya mo ‘to. Kaya mo ang lahat ng mga ‘to.
Nakita ko na sa gate sila Maddi, Marine, Brye at Dwayne.
“Uy. Anung ginagawa niyo diyan? Tsaka Dwayne okay ka na ba?” tanung ko pero hindi sumagot si Dwayne.
Pinipilit ko pa ring ngumiti.
Pero lahat sila hindi nakangiti sa akin.
“Bakit? Anung problema niyo?”
“Alam na namin.” Sabi ni Dwayne at Brye sa akin.
Napangiti ako ng pilit.
I let out a deep sigh.
“Anu ba kayo? Okay lang ako no? Ako pa.” Pero pagkasabi ko nun, siya namang tumulo ang luha ko.
“Haay.” Sabi ni Maddi tsaka niya ako niyakap.
“Tahan na uy.” Sabi naman ni Brye sa akin.
“Sorry guys ha? Lagi niyo na lang akong nakikitang umiiyak.”
“Oks lang yun, basta andito lang kami ha?” Sabi ni Dwayne sa akin.
Nagnod tsaka ako ngumiti sa kanila.
“Tara na nga.” Yaya ni Marine sa amin.
“Thank you guys.” Tumingin sa akin sina Maddi at Marine. “And girls.” Tsaka ako napangiti.
Pumasok na nga kami ng university at nagpunta sa kanya-kanya naming mga klase.
Natapos na ang dalawang klase naming tatlo nina Maddi at Marine, kaya dumiretso na kaming UC at doon na namin hinintay sina Dwayne at Brye.
After 5 mins. dumarating na rin yung dalawa.
“Tara na, kain na tayo.” Sabi ni Brye sa amin.
At nagsiorder na kami ng lunch namin.
Pagkabili namin balik kami agad sa table namin.
Kumakain na kami ng biglang nagsalita si Maddi.
“Oo nga pala, P.E. natin ngayon diba?”
“Ah oo. Kaklase ata namin kayo eh.” Sabi ko kina Dwayne at Brye.
“Ah talaga?” Tsaka niya tinignan yung USF (University Schedule Form) niya. “Oo nga, eto yung section niyo diba?” tanung niya tsaka niya pinakita yung form niya kay Marine.
“Oo nga no? Oo classmate nga namin kayo dun. Hay sa wakas naman may subject din na magkakaklase tayo.”
“Namimiss mo na siguro ako, kasi tuwing dismissal lang tayo nagkakasama. Miss mo na ako no?” tsaka niya nakangiting siniko si Marine.
YOU ARE READING
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
