Reu's POV
Dumadaan ang mga araw at nagiging korni na ako.
Parang nung birthday ni Tita Sabel. Ngitian lang niya yung kumag na si Dwayne, nababanas na ako. Anu ba talaga ang nangyayari sa akin!?
Tanga lang Reu? In love ka nga diba?
Pero ang korni ko na kasi. Katulad ngayon, nababadingan ako sa ginagawa ko.
Ba't ba ako ang nagkwekwento ngayon? Asan na ba kasi si Sandy?
Sabi niya sakin may sasabihin daw siya.
20 minutes na ang nakakalipas wala pa rin siya.
Ah umattitude si babaeng tagabundok. Pinaghihintay na niya ako ngayon. Lumalaki na ulo niya.
Paano nauulan siya ng papuri.
Now that I thought about it, kapag pala nagmumukhang cherry yung babaeng yun mas lalo siyang nagiging cute.
Huwag lang niyang malaman 'to, panigurado magfefeeling na naman yun.
T@* naman oh!! Naiinis na ako.
Matawagan na nga lang.
Voice Prompt:
The number you have dialed is currently unavailable please try your call later.
Aba't talagang! Unavailable pa talaga ah?
"Lagot sa akin yun pagdating niya dito."
Another 10 minutes passed at sa wakas dumating na rin siya.
"Uy Pretty baby, sorry nalate ako sobrang traffic eh. Tsaka lowbatt phone ko kaya di kita natext."
Okay. Tatanungin ko sana kung ba't di niya sinasagot cellphone niya. Tapos- Teka lang anu yung sinabi niya?
"Anu uli yung itinawag mo sa'kin?"
"Ah! Pretty baby." Sabay ngiti.
Pakshit! Eto na naman 'tong ngiti niya eh.
Pero anu? Pretty baby?
"Kelan pa ako naging maganda?" Sabay taas ng kilay.
"Anu ka ba? Don't take it literally. Napaghahalatang hindi ka music lover eh."
Anu na naman ba ang trip mo Miss Sandra Lei Ocampo?
"Anu?"
"Pretty baby, kanta po yun. Kanta ni Vanessa Carlton."
Parang pamilyar nga.
"Eh bakit yun ang tawag mo sa akin?"
"Ah basta, malalaman mo rin. Nasa kanta yung sagot." And she grinned from ear to ear.
Nakakalokong ngiti.
"Oh anu yung sasabihin mo? Pinaghintay mo ako ng 30 minutes kaya dapat importante yan."
"May program sa campus, nuod ka ha?"
"Anu namang mapapala ko diyan? Ha?"
Gusto ko manuod, syempre. Nagpapakasungit lang ako. XD
"Dun mo malalaman kung bakit Pretty baby ang tawag ko sa'yo, Pretty Baby." And she gave me her ever reliable sweet smile.
Nyet**s! Natutulala ako. F*ck!!
Tinititigan ko lang siya ng bigla siyang maghum.
"Anu na naman yan?"
"Secret. Hehe."
BINABASA MO ANG
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
