Sandy’s POV
Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay ngayong wala na si Mama.
Hindi ko alam kung makakaya ko pang mabuhay nang wala si Mama sa tabi ko.
Hindi ko alam kung matutupad ko sa kanya yung promise kong magpapakatatag ako.
Hindi ako sigurado kung matutupad ko ang pangako ko sa kanyang, kakayanin ko ang lahat.
Lalo na ngayon na wala na siya pati ang isa pang pinakamahalagang tao sa buhay ko lumalayo rin.
Reu, anu bang nangyari sa’yo?
Anu bang nangyari sa atin?
Kailangan ko siyang makausap, kailangan kong malaman ang lahat.
Kahit masakit sa akin, pinilit kong bumalik sa bahay ng Tita niya at muling magtanong.
Pagdating ko dun, nakita ko ang Tita niya.
At as usual tinawag na naman niya akong...
“Trinity!”
“Because you look like her.”
Isaksak mo yan sa kokote mo Sandy, you look like her.
“Tita.” Ngumiti ako.
“Oh akala ko ba magkasama kayo ni Reu.”
“Magkasama po kami?”
“Oo, kaaalis niyo pa nga lang eh. Ah oo nga pala, naiintindihan ko.”
“Po?”
“Basta anak, pagaling ka ha?”
May sakit si Trinity?
Kaya ba sinasamahan siya ni Reu?
Kaya ba mas pinili niyang makasama si Trinity dahil may sakit siya?
Paano kung ako naman ang magkasakit?
Aalagaan din kaya niya ako?
Araw-araw din kaya niya akong sasamahan?
Mamahalin din kaya niya ako katulad ng pagmamahal niya kay Trinity?
“Oh, ba’t ka umiiyak Trinity?”
Pinunasan ko kaagad ang luha ko.
“Ah pasensya na po, pagod lang po siguro ako.” Ngumiti ako, isang painful na ngiti.
“Alis na po ako. Baka kasi hinihintay na ako ni Reu.”
No Sandy. Reu will never ever wait for you.
Umalis ako ng umiiyak.
Naisipan kong tawagan si Reu.
I need to hear his voice kahit saglit lang.
Kapag nagsabi siya sa akin ang totoo, I will still hold on pero kapag nagsinungaling siya, I’ll have to let go.
“Ah ba- Reu asan ka?”
“Andito ako kina Tita bakit?”
Tumulo na ang luha ko.
He lied, ibig sabihin I have to let go.
“Ah wala. Ingat ka na lang diyan Reu. Sa tingin ko naman may importante kang ginagawa.”
“Ah oo eh. Pasensya na.”
Di ko na alam kung kaya ko pang iendure yung sakit Reu.
Pwede bang magpunta ka dito para imend kung anuman nararamdaman ko?
YOU ARE READING
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
