Sandy's POV
Hay sana ganun na lang kami lagi ni Reu.
Para masaya. Hehe
Pero pagkatapos nung Christmas di ko na uli siya nakita.
"Kahit kelan talaga tyambahan lang kung makita ko siya."
Ang ganda na ng pag-iimagine ko sa nangyari nung christmas nang biglang may dumating na asungot.
"Hi Sandy ko." Sabay ngiti.
"Huwag mo akong matawagtawag na Sandy mo ah? Hindi mo ako pagmamay-ari at hinding-hindi ako magiging iyo kahit kelan."
"Hamon ba yan?"
"Hamon? Marami kaming tiratira nung christmas gusto mo sa'yo na lang?" Masungit kong sabi sa kanya.
"Hay naku, ikaw talaga Sandy."
"Teka nga ba't ba ako nakikipag-usap sa'yo may kasalanan ka pa sa a kin ah? At ito ang kabayaran nun."
PAK!
Sampal ang inabot niya sa akin.
Lahat ng tao sa campus pathway, napatingin sa amin.
At sa kabaliwan niya, nagawa pa niyang matawa.
"At nagagawa mo pa talagang tumawa ah?"
"Babe, sorry na. Hindi ko naman sinasadya yun eh."
Anung pinagsasabi nito?
"Anung babe? Sipain kaya kita diyan."
"Miss lang talaga kita kaya ko nagawa yun. Bati na tayo babe please."
Dahil sa ginagawa niya, mas lalo tuloy napaptingin ang mga tao sa amin.
"Ang cute naman nilang couple sana naman patawarin na niya boyfriend niya."
"Sayang naman kung hindi sila magbabati, bagay pa naman sila."
AAAAAAh!
"Ah hindi ko pa siya boyfriend. Hindi po kami mali po ang akala niyo."
"Alam kong mabigat ang kasalanan ko babe, pero masyado naman yatang masakit na ganti na itanggi mo ako sa iba."
"Anu!??!?!?? Tumigil ka na nga!!! Bawiin mo mga sinabi mo lalo na yang, yang, yang BABE na yan, BAWIIN MO!"
"Babe, tama na please." At tumingin siya akin na para bang nang-aasar.
"Aaaaaah!" Sa sobrang asar ko, umalis na lang ako.
"Nakakabuisit talaga yung lalaking yun! Gumawa na naman siya ng kasalanan sa akin. Buisit siya! Buisit talagaaaa!"
Humanda na talaga siya sa akin as in!!!!
At asan ba si Marine kung kelan kailangang kailangan ko siya!?
"Uy! Anung meron sa'yo?"
"Marine!"
"Oh ba't parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?"
"Yung buisit na Dwayne na yun, pinalabas na kami sa lahat ng tao!!"
"At hindi mo lang sinabi sa akin na kayo na pala. Kelan pa?"
"Marine naman eh. Hindi nga kami, at hindi magiging kami ka-hit ke-lan! Si Reu lang ang gusto ko, siya lang!"
"Tigilan mo na nga yang papapantasya mo kay Reu. Eh hindi ka naman napapansin nun."
"Napapansin at pinapansin na niya ako ngayon."
YOU ARE READING
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
