-dalawang chappie na lang at matatapos na ang pinakauna kong obra maestra. Shuu! Makaobra maestra naman ako. Hahahaha Thank you pala sa mga nagbabasa ng story ko at sa mga sumusuporta sa akin. This means a lot guys thanks talaga ^_^
Reu’s POV
It’s been five years. At andami ng nagbago.
Tulad ko, isa na akong architect. Engineering course ko dati right? Nagshift ako at nag-Architecture kaya heto architect na ako.
Simula nung mawala si, hay naalala ko na naman siya. Wala na akong ibang naisip kundi siya, wala na akong nakita pang ibang babae simula nung mawala siya. To make the story short, I still love her.
Yung tungkol naman kay Trinity, hindi kami ikinasal dahil nabayaran ko na ang utang ni Daddy kaya walang nagawa si Trinity nung hindi ako pumayag magpakasal sa kanya.
Sina Dwayne at Marine, sila na talaga ang nagkatuluyan hanggang sa huli. Nagpakasal na sila last year lang. Sobrang saya ni Marine nun pero malungkot din, hindi kasi dumating si Sandy pero ayos lang sa kanya naintindihan naman niya ang lahat. Naghirap pa kami ni Brye para lang si proposal ni kolokoy :P
And speaking of Brye, kahit kelan late bloomer talaga yun, niligawan niya si Maddi pagkatapos naming maggraduate ang torpedo talaga. Pero worth it naman, magboyfriend at girlfriend na sila ngayon. Gulat pa kami nung malaman naming may crush pala si Maddi kay Brye simula nung highschool.Ni si Marine hindi alam yun. At heto sila ngayon, two years na silang nasa isang relasyon.
At ako? Hmm, wala pa ring nagbago bukod sa pagiging architect ko wala ng iba pang nagbago. Ako pa rin kasi yung Reu nung umalis si Sandy. Hindi masaya, laging malungkot. Hindi na ako masyadong palangiti ngayon. Bumalik ako sa pagiging gloomy ko. What’s the use of smiling kung fake naman? Tsaka wala ng dahilan para ngumiti.
Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang mga taong nakapaligid sa akin at ang trabaho ko.
At eto nga, I’m driving to meet my client.
I was stuck in a traffic ng biglang nag-ring ang phone ko.
“Hello?”
“Ah Reu, this is Monica.”
“Oh Monica sorry nastuck kasi ako sa traffic I’ll be there in a bit.”
“Ah, kaya nga ako napatawag kasi di ako makakapunta ngayon. I have to take care of my baby boy kasi. Wag kang mag-alala my interior designer is there na, siya na lang imeet mo, nasabi ko naman na.”
“Ah ganun ba? Oh sige. By the way panu ko pala makikilala yung interior designer mo?”
“Ay oo nga pala, I’ll just send you her number na lang then you can just text her.”
“Text? Can’t I call her?”
“Naku! Pag di nun kilala ang tumatawag di niya sinasagot phone niya.”
“Ah ganun? Oh sige, antayin ko na lang yung number then I’ll text her just like what you said.”
“Ah thanks. Sorry din ha? Sobrang kulit kasi ni Jasper.”
“Naku! Okay lang. Kami na lang bahala ng interior designer mo.”
“Sige. Thanks uli Architect Santiago. Hehe Bye!”
Then she ended the call.
Napailing na lang ako.
Nabigay na rin niya yung inaantay kong number.
“Grabe, antagal naman ata ng traffic na ‘to. Matext nga muna yung interior designer.”
Good morning, I am Mr. Santiago, Ms. Monica’s architect. You must be the interior designer, she told me to meet you today. I’m on my way there. Just bear with me, I’m stuck in a traffic jam.
YOU ARE READING
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
