Chapter 9 (the reconcilation for HER)

468 6 0
                                        

Sandy's POV

 Ang saya! Haha

Simula ng mag-aminan kami ni Reu KO (oo kasi talagang akin na siya wahaha), halos araw-araw kung magpunta na siya sa campus at sa bahay.

Parang nung last week.

Nagulat na lang ako ng si Reu ang nakita kong nasa labas ng pinto ng bahay namin.

FLASHBACK:

"Huh? Reu? Anung ginagawa mo dito?"

"Bawal na ba akong pumunta dito?"

"Sus! Ikaw talaga, masama na bang magtanong? Oh sige na pasok ka na."

Hinila ko na siya papasok.

Nakipagkwentuhan lang kami kay Tita buong araw.

end of FLASHBACK

Di pa natapos dun. Nung sumunod namang araw sa campus naman siya pumunta.

FLASHBACK:

"Huh? Reu? Part two?"

"Pinagsasabi mo?"

"Kahapon lang pumunta ka ng bahay ah?"

"Ah ayaw mo na akong makita ganun? Oh sige aalis na lang ako"

"Hala! Uy! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang sarap mong kurutin grabe! Hehe (Smile)"

"Syempre cute ako eh."

"Kaya nga eh. Sobra."

Nagsmile siya. Tapos inantay na niya ako hanggang uwian ko.

end of FLASHBACK.

At isang linggong ganun siya.

Medyo naiirita na nga ako nun eh. 

Naiirita daw eh gustong gusto mo naman.

Eh anu ngayon bawal na bang magpakipot?

Che! Bawal na ang magpakipot kasi matagal ka naman ng umamin no?

Woo! Kailangan pati thoughts ko nag-aaway? Haha

Last week, everyday ko siyang kasama at nakikita.

Ngayon naman, di siya nagpapakita sa'kin.

Two days na ang nakakalipas, di pa siya nagpaparamdam.

"Anu kayang problema?"

Ch. Miss ko na siya.

"Sandy?"

Nilingon ko kung sinuman 'tong tumawag sa maganda kong pangalan.

"Dwayne? Bakit?"

"Gusto ko lang magsorry. Malaki na kasalanan ko sa'yo."

"Hmp. Buti alam mo yan."

"And I'm here to say sorry, sincerely."

Hmm patatawarin ko ba'to? Hmm come to think of it parang siya yung naging dahilan ng confession namin ni Reu sa isa't isa. Hmm sige na nga.

"You're forgiven. Ayoko rin naman ng may kagalit."

"Talaga? So okay na tayo ha?"

Tumango na lang ako at ngumiti.

"Basta sa susunod na gumawa ka ng kasalanan sa'kin di lang sampal ang aabutin mo."

"Tatandaan ko yan." Nakangiti na rin siya.

Gwapo talaga 'to lalo na kapag nakasmile.

"Ah Sandy, pwede bang magtanong?"

"Ah sige lang."

"Kaanu-ano mo yung lalaking kasama mo nung makita kita?"

Teka nga, anu na nga bang relasyon namin ni Reu? Boyfriend ko na ba siya? Walang confirmation eh basta nag-aminan lang kami. Pero pagkatapos naman nun, naging mabait at medyo sweet na siya sa'kin. Hmm siguro nga boyfriend ko na siya.

"Si Reu? Boyfriend ko siya."

"Boyfriend? Eh bakit nung tinanung ko kung boyfriend mo siya, sabi niya hindi?"

"Nung moment na yun hindi pa kami. Pero at the end of the day, naging kami rin. Ang saya no? Hehe"

"Ah. Oo masaya nga."

Ba't biglang naging cold yung pagsasalita niya?

I was busy figuring him out, nang biglang nagring ang phone ko.

CALLING...

Reu MyLove.

Bigla akong naexcite.

"Hello? Reu my love?"

"Ang baduy mo talaga kahit kelan."

"Che! teka nga, asan ka ba ha? Nagtatago ka ba?"

"Magpapakita na nga diba? May ginawa lang akong importante. Labas ka ng campus niyo. Andito ako sa harap."

"Naman! Wala pang isang segundo andiyan na ako. Haha Sige babye."

"Hmm. Dalian mo."

Binabaan ako? Di man lang nag-i love you. Hmp!

"Ah Dwayne, sige alis na ako ha? Asa labas kasi si Reu."

"Ah sige. Ingat ka."

"Ikaw din." Tsaka ako ngumiti.

Makikita ko na siya. ^.^

Dwayne's POV

"Wala ka ng pag-asa Dwayne. Boyfriend na niya yung kumag na yun."

Nag-iisa na ako ngayon, panu isang tawag lang nung Reu na yun pumunta agad siya.

"Pero hindi mo ba nakita? Masaya siya habang binabanggit ang pangalan nung kumag na yun."

Tama. Ang saya nga niya.

At ang tanging rule mo, kapag ang isang babae masaya na sa piling ng iba hindi ka na dapat pang nakikialam.

"Kaya naman, hahayaan mo na lang maging masaya si Sandy sa Reu na un."

Badtrip. Brokenhearted na naman ako. :/

Sana dumating ang araw na kailanganin mo rin ako Sandy.

Sandy's POV

"Asan na kaya siya?"

"Hoy Sandy."

Andito na siya.

Hay ang gwapo niya talaga.

"May pupuntahan tayo."

"Ha? Saan?"

"Tara na. Magtatanong pa eh."

At hinila niya ako by hand.

Bale, magkaholding hands kami habang naglalakad.

Naman! Lakas makaHHWW. Haha

"Andito na tayo. Sandali lang may susunduin lang ako sa loob."

"Ah sige."

Dinala niya ako sa isang restaurant.

"Ano 'to? Date? Naman! Ang sweet talaga ng Reu ko." Sabi ko sa sarili ko.

To the max ang ngiti nang bigla siyang dumating.

"Sandy, may kasama ako ngayon."

Nawala ang ngiti ko nang ipakita niya kung sino ang kasama niya.

"Baby."

Napuno ng galit ang puso ko.

Siya ang babaeng pinagsisisihan kong naging parte ng buhay ko.

Mama.

-ayan nakatatlong UD n ako. inspired yata ako ngayon ah? haha sige basa na po and witness as i slowly reveal the true Sandy. :)

<3 <3 <3

Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)Where stories live. Discover now