Chapter 10 (REU change HER raging heart)

451 4 3
                                        

-maghanda ang lahat ng tissue . hehe cge basa na :) 

P.S. para kay Bebe Margielou ko pala ito. Iloveyou Bebe Lou :)

 Nga pala yang pic lettering na nandyan gawa ng crushes ko galing niya no? hehe Iloveyou crushes!! :p

 ----------------------->>>>

Sandy's POV

Mama?

"Anung ginagawa niya dito? Reu, ba't kasama mo siya?"

"Baby."

"Ayoko siyang makita. Ayoko!!! Umalis ka na rito. Reu, paalisin mo na siya."

"Baby, gusto lang magsorry ni Mama."

"Umalis ka na! Ayokong makita ka!"

"Sandy, pakinggan mo muna ang Mama mo."

"Ayoko!"

Hindi ako makapaniwala.

Bakit kailangang makita ko pa ulit siya!?

Siya ang dahilan kung bakit namatay si Papa.

Simula nung iniwanan niya kami ni Papa, naging miserable na ang buhay namin, lalo na ako.

Mahal na mahal siya ni Papa, kaya simula nung umalis siya nagpakalango si Papa sa alak.

Hindi na siya pumasok ng trabaho, nawalan na siya ng dahilan para mabuhay.

Pati ako, sinasaktan na rin niya.

Pero hindi ako galit kay Papa, kundi sa babaeng nasa harapan ko ngayon, siya ang dahilan ng lahat.

Namatay si Papa nang dahil sa kanya.

Naaksidente si Papa nang dahil sa kanya!!

"Umalis ka na! Nang dahil sa'yo nawala si Papa!!! I hate you!!"

Kailangan kong umalis di ko na kaya ang makita pa siya.

TT________TT

Reu's POV

"Umalis ka na! Ayokong makita ka!"

Nakikita ko ang galit niya sa mga mata niya.

"Nang dahil sa'yo nawala si Papa!!"

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito, galit na galit.

Wala na yung Sandy na laging nakangiti, yung Sandy na makulit.

Ang nakikita ko ngayon ay ang Sandy na matagal nang nagtatago sa puso niya.

Kaya ako nawala at hindi nagpakita sa kanya ay para hanapin ang Mama niya.

Nalaman ko ang lahat sa Tita niya.

"Sandy, bumalik ka."

"I told you Hijo, hinding hindi na niya ako mapapatawad pa. She hates me that much that the only thing she want to do is to forget me as her mother."

"Hindi po pwede yun."

Tama na ang isang tao na galit sa magulang niya.

"Kakausapin ko po siya."

Sandy's POV

She's not a part of my life anymore.

"Sandy."

Should I hate him? 

Should I hate him for bringing me the woman I hate the most?

Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)Where stories live. Discover now