Sandy's POV
Ang saya ko lang nung open house.
Kasi kahit saglit naramdaman kong nasa tabi ko si Reu nun.
Pero pinagalitan lang din ako ni Marine nun.
Tanda ko pa sinabi niya sa akin eh.
"Sandy, wake up! Kelan mo ba matatanggap na hindi na siya babalik sa'yo!? Pinagbigyan ka lang niya kanina kasi nakiusap ka! What the hell Sandy!"
Oh diba? Ang sakit? Haha
Haay.
"Oo nga naman Sandy kelan mo ba matatanggap na di na babalik sa'yo si Reu?"
Eh masama na bang umasa?
"Don't you ever dare makipagtalo sa akin, boses ka lang."
Eto na ba epekto sa akin ng lahat kinakausap ko na sarili ko.
Hahahaha
Well, okay lang naman ako lang andito sa bahay eh.
Hehe
Umalis na naman kasi si Tita.
May date na naman ata. Hehe
Well, eto ako nagsasampay.
I was busy humming "Pretty Baby" nang biglang...
"Excuse me? Dito po ba nakatira si Sandy Ocampo?"
"Ah o-o."
Nagulat ako kasi nung pagkalingon ko ang nakita ko,
Ang babaeng kumuha kay Reu sa akin na nagkataong kamukha ko.
"God! You really look like me."
Kapal din ng mukha nito, hoy babae ako ang kamukha mo, hindi ako ang may kamukha sa'yo!
"Ikaw si Trinity?"
Tumango siya.
Mukha naman siyang malakas, eto ba ang may sakit?
"Anung kailangan mo?"
"We need to talk."
"Anung pag-uusapan natin?"
"Hindi anu, kundi sino. At si Reu yun."
Natahimik ako.
Anu pag-uusapan namin tungkol sa kanya?
Magmamakaawa ba siya sa akin na tuluyan nang kalimutan si Reu?
"Anu pang pag-uusapan natin tungkol sa kanya? Asayo na siya, anu pa kailangan mo?"
Hindi ko napigilang di magsalita ng ganun, anung magagawa ko mahal ko si Reu eh.
"I'm here to say I'm sorry."
"Wala nang magagawa yang sorry mo Trinity. Na sa'yo na siya, anu pang magagawa ko?"
Patalikod na ako nang may sabihin siyang sobrang ikinagulat ko.
"WALA TALAGA AKONG SAKIT, NAGKUKUNWARI LANG AKO."
0_0
Humarap uli ako sa kanya ng dahan-dahan.
Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang magkunwari, para lang bumalik sa kanya si Reu.
"Anung sabi mo? NAGKUKUNWARI KA LANG!? HA!?"
Hindi siya sumasagot at ako naman nanggagalaiti na sa galit.
"Ang kapal ng mukha mo! Sinira mo kami ni Reu para sa, wala!? Ginawa mong miserable ang buhay ko, para sumaya ka HA!? Bakit Trinity!? Bakit!?"
BINABASA MO ANG
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
