Sandy’s POV
“Hoy Franciscooo! Dalian mo naman, mahuhuli tayo niyan eh.”
Andito na kami sa airport ngayon at pasakay na ng eroplano eh kaso ‘tong si Lenard ang tagal.
Naglalakad pa rin ako, di ko siya tinitignan.
“Sinabi ng dalia-“
Paglingon ko sa likod ko wala na si Lenard.
“Asan na naman kaya yun?”
Nilinga-linga ko mata ko ng biglang may naghila sa akin pababa sa likod ng isang flower pot.
“Ssssh!”
“Lenard? Anung gina-“ Di ko na naituloy yung sinasabi ko kasi tinakpan niya bibig ko.
“My fans are looking for me.”
Saktong pagkasabi niya nun, tumigil sa harapan naming ang malaking crowd ng mga babae.
“I know he’s here somewhere. Keep looking girls, we’ll find Lenard. Come on!” Sabi nung isang babae at tumakbo na sila palayo sa amin.
Binatukan ko na naman si Lenard.
“Aww! You’re making this a hobby aren’t you?” Sabi niya sa akin.
“Eh kasi ang stupid mo! Ba’t di ka kasi nagdisguise!? Alam mong sikat ka, haaay! Tange talaga.”
“Hey! I can understand every word you’re saying.”
“Oh di maganda para alam mo kung gaano ka katange. Haay! Sandali at titignan ko kung andyan pa sila.”
Umalis ako sa may flower pot at tumayo.
Tumingin-tingin ako sa paligid.
“Okay, coast is clear. Pwede ka ng lumabas at nagmumukha ka ng ewan diyan.”
Lumabas na nga siya at tumakbo na kami papunta sa sakayan ng eroplano.
Ayun nakasakay na kami.
"Please fasten your seatbelts for the plane will be taking off now. Enjoy the flight passengers.”
Wow! Parang narinig ko na ‘to dati ah?
Oo nga pala pareho lang yung airline na sinakyan ko ngayon tsaka last month. Hehe
Matutulog na nga muna ako.
Paggising ko...
“We are now approaching the territory of Philippines, please fasten your seatbelts and prepare for landing. Thank you for flying with us.”
Haha basta etong airline na ‘to mabilis! Tuwing nakakatulog ako at naggigising asa destinasyon agad ako! Haha
Pagtingin ko sa tabi ko, tulog pa rin si Francisco.
“Hoy! Gising na andito na tayo!.”
Pero di siya nagising.
Hmm ayaw mo magising ah?
Nilapit ko bunganga ko sa tenga niya. Malapit na malapit.
Tsaka ko sinabing...
“FRANCISCOOOOOOO!!!”
“Wha- what is it? Where’s the war?”
“Asa Pilipinas na tayo. Hirap mo kasing gisingin. Tss. Halika na!”
At bumaba na kami ng eroplano.
Pagdating naming sa may exit, nakita ko na sina Marine, Dwayne, si Cutie cute Tulips at si..
YOU ARE READING
Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)
Teen FictionSI SANDY AY ISANG MASAYAHIN AT TAKLESANG 17-YEAR OLD TEENAGER. MASYADO SIYANG MASAYA SA LAHAT NG BAGAY PERO MAGBABAGO YAN DAHIL KAY BOY WAITING SHED. HOW WILL SHE HANDLE THIS SITUATION? READ. :p
