Chapter 33 (H.U.R.T)

342 3 0
                                        

Sandy’s POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Anu ang dapat kong pahalagahan? Kami ni Reu? O si Tito Victor?

Pero anu namang karapatan kong angkinin si Reu? Girlfriend lang ako.

Ni hindi nila ako kamag-anak.

Umalis ako sa bahay nila Reu na umiiyak.

Tumigil ako sa may playground at nagswing.

Nakayuko ako habang nagsuswing.

“Anu ba kasi dapat kong gawin? Buhay ni Tito Victor ang nakasalalay dito. Haaay!”

Anung gagawin ko?

Anu?

After two days...

Reu’s POV

Anu ang gagawin ko para mabayaran ang utang ni Daddy?

Dalawang araw na rin ang nakakalipas, at di ko pa nakikita si Sandy.

Namimiss ko na siya.

Kung bakit kasi sumingit na naman ‘tong si Trinity, kung kelan masaya na kami ni Sandy.

Bakit kailangan niya pang guluhin ang lahat?

Napabuntong hininga na lang ako.

“Daddy, pasok na ako. Nessa, bantayan mong mabuti si Daddy.”

“Ate.” Sabi ni Nessa sa akin.

“Pareho na rin yun.”

“Kahit kelan ka talaga.”

Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Nessa kung anung nangyari. Kababalik pa lang kasi niya mula Davao.

Papasok na ako.

Sumakay na ako ng taxi.

Daanan ko kaya si Sandy.

“Kuya, sa Southcrest Village po.”

After 15 minutes, nakarating na kami sa harap ng bahay nila Sandy.

Nagpahintay na ako kay manong taxi driver.

Tumigil ako sa harap ng gate nila Sandy, nagdoorbell ako.

Nakakaapat na akong pindot ng doorbell pero wala pa ring lumalabas.

Magdodoorbell na ulit sana ako nang mapansin kong bumukas yung pinto nila.

Nadisappoint ako nang ang makita ko ay si Tita Andrea.

“Oh Reu, anung meron?”

“Si Sandy po?”

“Ha? Ah eh nauna na siya. Bakit? May usapan ba kayo?”

“Ah wala naman po. Sige po alis na lang po ako.”

“Ah sige, ingat sa pagpasok.”

“Opo. Sige po.”

Sumakay na uli ako sa taxi.

“Sige kuya sa University na po tayo.”

Iniiwasan ba ako ni Sandy?

Pero bakit naman niya gagawin yun?

Dahil na naman ba sa lintik na proposal na yun?

“Naiinis na ako.”

Sigurado naman akong magkikita kami nun sa school, kaya di ko na uli siya lulubayan.

Sandy’s POV

Boy Waiting Shed :p (COMPLETED ^^)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora