♥ I married my Devil Boss ♥

87.5K 999 57
                                    

Ako—si Chinky Villaruz, isang simpleng mamamayan ng bansang Pilipinas. Hindi sexy, hindi mayaman, hindi gaanong maputi at hindi matangkad. Tanging kagandahan ko lang ang aking maipagmamalaki, kaso ang problema 'nakatago' pa.



Nang isang gabing malasing ako, nagulat na lang ako paggising ko kinabukasan, ikakasal na ako sa Boss ko! Okay na sana kaso hindi okay e!  Dahil hindi siya ordinary boss—isa siyang Devil Boss! ‘Yong kadalasang napapanood natin sa TV na tumatawa ng nakakatakot na  ‘Bwahahahaha’.



Hinding-hindi ko siya kailan man magugustuhan at mukhang ganoon din naman siya sa akin! Kaya patas lang.

Siya lang ang lalaking nakilala ko na "pinaka" sa lahat ng "pinaka"; Pinaka-maarte, pinaka-masungit, pinaka-highblood, pinaka-ungentleman, pinaka-nakakainis, pinaka-devil at pinaka-gwapo!



Ay teka, ba’t ko naman biglang pinuri ang lalaking ‘to? Adik lang?




Abangan n’yo na lang kung paano magkakaroon ng LOVE sa pagitan ng isang napakalaking mismatch! Magagawa kaya ng tadhana na mabago ang aming nararamdaman para sa isa't isa?

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon