Chapter Twenty Seven: Feelings ♥

24K 322 11
                                    

CHINKY’s POV

“Huwaaaaa…” paghihikab ko. Inaantok na talaga ako. Pakiramdam ko pagod na pagod kasi ako e.

“Ha-ha-ha-ha…” may narinig akong tumawa kaya napatitig ako sa lalakeng kausap ko.

Waah! He’s laughing.

“Bakit ka tumatawa?” nagtataka kong tanong.

Natakasan na yata ito ng bait, kung kelan ko pa naman siya naging official na crush. Tsk..

“Ikaw pa lang kasi ang nakilala kong babae na wala man lang ka-finesse-finesse sa katawan.” Sagot n’ya. Saka uli siya ngumiti.

Ako daw walang ka-finesse-finesse? Bakit naman? Napaisip pa daw ako. Aahh! Alam ko na! Kasi naghikab na lang ako basta-basta sa harapan n’ya ng hindi man lang nagtatakip ng bunganga o nag-excuse o kung anupaman.Waah! Nahiya naman daw tuloy ‘yong splitends ko.

“Pasensya naman, ganito ako e.” tumawa na din ako.

“That’s why I like—“

Bigla siyang tumigil sa pagsasalita.

“That’s why—what?” curious na tanong ko.

“Ha? Nothing, don’t mind it.” Sagot n’ya na mas lalo ko tuloy ikana-curious.

“That’s why I like—“ Di kaya ang sasabihin niya dapat ay—“That’s why I like you?“

 Napailing ako sa iniisip ko. E di ako na naman ang assuming at feelingera. Pero bakit nakaramdam ako ng kakaibang panginginig ng katawan ko—‘yong tipong may excitement na dala. Kinikilig na kaya ako sa lagay na ‘to dahil sa kanya?

Paano ba naman kasi certified NBSB ako at iilan lang ang naging crushes ko noon. Minsan nga mga artista pa. Kaya ngayon in real life—hindi ko na mawari kong ito na talaga ang kilig to da bones na sinasabi nila. Iba naman kasi ‘yong kilig na may guwapo—sa kilig dahil sa crush mo.

“Hey, are you okay? Inaantok ka na yata dyan?” basag n’ya sa katahimikan namin.

            “Medyo.” Matipid na sagot ko. Pero inaantok na kasi talaga ako.

“’Eto..” sabay tapik n’ya ng balikat n’ya.

“Bakit ‘yang balikat mo?” kako.

“Pwede kang sumandal dito.” Am I dreaming? Si Chrys nagpapaka-gentleman?

“Ah hindi na, o-okay lang ako.” Sagot ko. Pero muli niyang tinapik ang balikat niya.

“It’s okay. Rest here.” He said so sincerely.

Kyaaa! Ako na ang biglang kinikilig. Ewan ko din kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagkaka-ganito at kung bakit bigla-bigla na lang din akong kinikilig. Kami na ang kapwang weird! Pero—pero ayokong tumabi sa kanya, baka kasi marinig n’ya ‘yong malakas na tibok ng puso ko. At ang pangiginig ng buo kong katawan dahil sa lakas ng epekto niya sa akin. Waah! Nag-uusap pa lang kami sa lagay na ‘to ha, painumin n’yo nga ako ng pampakalma please..

“What?” nagtatakang tanong n’ya, kasi nakatitig lang talaga ako sa kanya.

“Kasi ano e—uhm, ano—“

Nagulat na lang ako ng siya na mismo ang lumapit sa akin at biglang isinandig ang aking ulo sa kanyang balikat, super nag-adjust siya kasi nga ‘di ba matangkad siya, kaya hayon—waah… Akmang ilalayo ko ang ulo ng bigla n’yang hawakan ang ulo para muling isandig sa balikat n’ya. Napaka-gentle ng pagkakahawak n’ya sa akin.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon