Chapter Eight: Anyareee??? ♥

28.3K 462 22
                                    

CHINKY’s POV

“Hatchoooo!” malakas na pagbahin ko, saka ako napa-sngot-singhot.

Feeling ko tuluyan na akong magkakasakit e. Marami yata akong nalangyap na usok mula sa nasusunod naming Apartment kanina. Oo, nagkasunog sa Apartment namin! How? Ganito ‘yong nangyari.. 

Pagkatapos naming makapag-usap ni Lola Yna about sa pagtulong ko daw kay Chrys at magpakasal sa kanya,umuwi ako sa apartment ko—ng litong-litong-lito dahil hindi ko na malaman ang aking gagawin.

Decided ako na hindi—para tumulong pero naisip ko parang ang hirap yata ng susuungin ko!  Pakakasalan ko ang lalaking yon? Kung itutuloy ko ang kabaliwang ito? Alam n’yo na!! Mental Hospital na ang susunod. Kasi baliw lang ang magpapakasal sa katulad n’ya, hay naku!!

Pagkauwi ko sa apartment, waaaah.. nagkanda panic na ang lahat!! Tinanong ko kung ano’ng nangyayari? Nagkasunog daw sa 3rd floor ng apartment, nakalimutan daw kasi nila yong niluluto nila, e nasa 2nd floor ako. Ang usok much, mabuti naapula agad ang apoy, kung hindi baka natusta na ang buong apartment. Ando’n pa naman lahat ng mga gamit ko.

 Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Lola Yna ng mga oras na ‘yon, ayun nakita n’ya ang lahat ng pangyayari. Gusto kasi n’ya malaman kung saan daw ako nakatira, pero ayoko sabihin. Kaya niya ako in-stalk.

Pero yon na nga, hinakot na niya ang mga gamit ko, natakot din yata dahil sa natungahayan niyang pangyayari. Sa mansion daw niya sana ako dadalhin, kaso sa condo na lang daw ni Chrysler para masaya daw—ha? E di wala na naman akong nagawa dahil siya na mismo ang nag-impake ng mga damit ko, at kasama ng driver niya, sila na ang nagdala niyon sa condo ni Chrys, tumutol ako, as in, pero sa huli wala naman akong nagawa.

Haaayy..saka wala din akong titirahan if ever, kaya napa-oo na lang ulit ako, maghahanap naman ako kaagad ng matitirahan e, sana lang may mas mura pa kesa sa apartment ko.

Pero temporarily, dito muna ako sa condo ni Chrys, ipinaayos ni Lola yong guest room sa condo ni Chrys. ‘Yong malaking teddy bear lang naman non ang nandun. Nakaka-bading nga e, ang laki niyang tao, may teddy bear siya.Ha-ha-ha. May pagka Mr. Bean yata siya e. Lol.

 

So, bilang pasasalamat na din sa lahat ng nagawang “kabutihan” at sa future na pagtanggap ni Chrysler sa akin sa bahay niya kahit temporarily, pinangunahan na kasi namin, ipinagluto ko siya ng fried chicken na paborito n’ya, ayun na rin kay Lola Yna,  kaso parang nagulat siya ng makita ako doon, sabagay akala siguro niya umalis na ako.

Tapos kahit may nakasalaksak na ear phone sa akin, narinig ko pa din ‘yong pagpapalayas n’ya sa akin—grrr.. gusto ko rin namang umalis e, akala niya!!!

 Ayon, nag-walk out na ang beauty ko, pero nagulat na lang ako ng sundan n’ya ako at bigla siyang humingi ng “sorry”, nakakagulat lang kasi.

Isang devilish monster—nagso-sorry? There can be a miracle!!! Tapos pinapanatili pa niya ako sa condo niya, e di hindi na ako nag-inarte pa, wala na kasi ako matitirahan e, naglipat na nga din yong mga kasamahan ko sa apartment e, kawawa naman si Landlady. Ayan na naman ako sa kahabagan ko e, mamaya makabag ako e. KONEK? Rhyming lang.

Hindi ko na ipinaalam kina Nanay ang nangyari sa apartment, baka mag-alala lang sila. Kailangan ko tuloy maghanap kaagad ng matitirahan bago pa nila malaman.

So ayon, dahil nga sa usok nagka-ubo ako hanggang sa magkasipon na din. At sa lahat ng sakit, ito ang nakakairita sa lahat. Pasinghot-singhot—ehhh, kairita!! Mabuti at girlscout ako—laging handa. May medkit ako sa bag, pagkatapos kong maligo saktong palabas mula room n’ya si Chyrsler.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon