Chapter Sixteen: Ultrasound ♥

27.1K 359 16
                                    

CHINKY’s POV

Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Lola Yna sa Condo para dalhin sa Ob-Gyne na kakilala n’ya para ipa-check at ma-confirm na nga namin kung tama ba ang hinala n’yang buntis ako. Niyaya nga din pala ni Lola si Chrysler, kaso busy daw si Chrys, kaya pinabayaan na lang namin.

Pakiramdam ko nga wala talaga siyang ka-inte-interes para malaman kung totoo ngang nagdadalang tao ako o hindi. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nag-e-emo dito, parang ang lungkot lang na hindi ko maintindihan.

AYON NA nga, pagkadating namin sa Clinic ng kaibigan ni Lola, sa pinuntahan naming Hospital. Nakilala ko agad ang friend na Ob-Gyne ni Lola, si Dra. Jovelyn Viado. Na kamukha ni Agbayari. Maganda, bata-bata pa at sexy. Nakakainggit nga kasi ako hindi na nga sexy, tagong-tago pa ang kagandahan ko. Kapagdaka ay sinimulan na rin n’ya akong i-ultrasound.

“Mrs. Cruise, humiga ka na.” utos sa akin ni Dra. Jovelyn.

Nakow! This is it na! I-u-ultrasound na n’ya ako. Ayon, humiga na nga ako sa isang malambot na higaan, saka n’ya itinaas ang t-shirt na suot ko, baring my flesh, waah, nakakahiya. Tapos may malamig at malagkit na liquid siyang inilagay sa tiyan ko, saka may device silang pinaikot-ikot doon.

 Nya-ha-ha-ha-ha, nikikiliti ako. Parang gusto ko tuloy tumawa ng malakas. It tickles me.

“Okay na.” ang sa wakas na sabi ni Dra.

Kaya agad kong inayos ang sarili ko at pinuntahan sa waiting area si Lola. Nang makita akong lumabas ni Lola, agad n’ya akong sinalubong.

“How was it hija?” masayang tanong n’ya.

HA-HA, excited much Lola? Well sabagay, kung buntis nga ako, first apo n’ya ito sa tuhod. Hala! Para tuloy gusto kong maging positive naman ang result.

Makaraan ang tatlumpong minute ay dinaluhan na kami ni Dra. Jovelyn dito sa waiting area with a wide smile. Napatayo kaming dalawa ni  Lola ng makita namin siya. 

“Congratulations! It’s positive! Buntis ka for almost two weeks already.” Ang balita n’ya.

Napatulala ako at hindi ko malaman ang aking i-re-react o sasabihin!  

“Wow!” narinig kong masayang tinig ni Lola, saka ko naramdamang napayakap siya ng mahigpit sa akin.

Teka, ano daw uli yon? Hindi naman sa slow ako, pero ano uli ‘yong sabi ni Dra? Positive na buntis ako? Omeged! Homaygad talaga!  

“Hey, aren’t you happy hija?” sabay akbay sa akin ni Lola.

Waaahh! Hindi ko alam ang ire-reaact ko! Ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi pala, nag-sink in siya pero bigla akong natakot—kasi—paano kung—paano kung hindi ako maging mabuting nanay sa magiging anak ko?

“Hey, smile ka naman dyan, that was a good news hija.” Sabi uli ni Lola saka ako iginiya sa upuan.

Waah! Nangangatog ang mga tuhod ko. There already a little angel inside my womb. Dati kasi ako lang ang ipinagbubuntis, ngayon ako na ang nagbubutis! Waaah. Naiiyak naman daw ako. Tama ‘yata yong mga nababasa ko. Nagiging emotional ang mga babae ‘pag buntis. Ngayon ramdam ko na kung bakit ang da-drama nina Ate Jo at Ate Pilar dati no’ng sila ang nandito sa kalagayan ko.

Omeged! Magiging Mommy na ako after nine months! Sana maging kamukha niya si—teka, gusto kong maging kamukha niya si Geun Seuk oppa kasi siya ang iniisip ko no’ng nag-aano kami—Omeged! Napailing ako ng dahil sa mga pinag-iisip ko. Basta ‘yon na ‘yon! Ang halay na ng pag-iisip ko.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon