Chapter Ten: The Moment ♥

27K 404 32
                                    

CHINKY's POV

Pagkatapos naming nag-usap-usap tungkol nga doon sa kasal, ay nag-kanya-kanya na muna kaming lugar na pahingahan. Wooh! Wala na talaga itong atrasan. Kaya goodluck talaga sa akin. This is really is it!

At dahil gusto ko munang makapag-relax at mag-unwind ay naisipan kong pumunta muna sa madalas kong tambayan dati no’ng nandito ako. Ang tabing ilog. Maganda doon, promise! Presko dahil maraming puno at mga bulaklak at tahimik pa. Malapit lang ‘yon sa bahay namin.  Siguro naman makakalimutan ko na muna ang mga iniisip ko kahit saglit lang. Makapa-bagtit met iti kastoy! (Nakakabaliw naman ang ganito!).

Pero ang mas nakakaloka pa, feeling naman ng Chrysler na ‘yon siya lang ang may ayaw magpakasal. Ako din kaya! Hindi ko pinangarap na makasal sa katulad n’ya no! Kahit ganito lang ako, may ideal man pa rin naman ako! Ano mga tipo ko? Secret! Charot!

Syempre, gusto ko ‘yong mabait, sweet, caring, understanding, God-fearing, responsible at mahal ako. 'Di bale ng hindi guwapo, basta nasa kanya lahat ng mga katangiang ‘yan!

Kaso parang mahirap na maghanap ng mga katulad n’yan e. Haaay. Habang naglalakad ako papunta sa tabing ilog ay nakita ko sina Chester Marie at Sherri May na naglalakad din papunta somewhere.

Waaah! Ang mga kaklase ko no’ng Elementary hanggang High School. Ang mga cute na cute at mababait kong mga kababata. I love them kasi tanggap nila kung ano ako at sino ako. Lahat tanggap nila! I smiled big, saka ko sila nilapitan. At nakita din naman nila ako kaagad.

"Chinky, sika daytan?" (Chinky, ikaw na ba yan?) parang hindi makapaniwalang tanong ni Sherri sa akin. Napahagikgik ako. So, may nagbago na pala sa akin kung ganoon? He-he-he. Baka gumanda na ako— "Nag-puskol pay latta ayta bangs mo ah!" (Ang kapal pa rin n’yang bangs mo ha!). Segunda agad n’ya.

 Nyaak! Nahulog ang aking mga balikat sa aking narinig. Akala ko pa naman gumanda at pumuti na ako dahil sa Manila na ako nakatira. ‘Yon lang pala!  Sa apat na taon ko sa Manila, wala man lang bang nabago sa akin?  OUCH!

Syempre joke lang, he-he. Simple lang talaga ako. And I love who i am! I’m proud to be me! J Pero may mababago na sa akin soon—ang aking status! Waaah, naisip ko na naman ang nakakalokang kasal namin ni Chrys! Napapailing na lang ako. Nakakaloka naman kasi—

Nagulat na lang ako ng biglang hampasin ni Chester Marie ng malakas ang balikat ko. Araykupo! Kasi napapa-monologue ako sa dami ng laman ng isipan ko e.

"Akala ko ba sa Manila ka na magta-trabaho, bakit nandito ka?" tanong ni Chester Marie.

Waaah.. Ayokong sabihin na nandito ako para magpakasal! I'm a deadmeat! Sa aming tatlo, ako pa naman ang nagsabing ako ang huling ikakasal sa amin dahil ako ang pinaka-conserbatibo. Tapos ngayon—ngayon—waaaah!!

"Hoy! Na-i-space out ka! May suliranin ka ba?" tanong uli ni Chester.

Hu-hu-hu. OO! Malaking-malaki! "HA? W-wala no! Ahihihihi.." pinilit kong ngumiti para itago ang anumang nararamdaman ko. "Nagbabakasyon lang ako, kayo kamusta na?"

"‘Eto malapit na kaming ikasal ni Roi," ang sabi ni Chester na noon ay kini-kilig-kilig pa.

Boyfriend niya si Roi since birth, Nyak.. OA lang.. ha-ha-ha. Since highschool at sila pa rin hanggang ngayon! WOW! Diba?  Ang sabi nga nilang magsing-irog. 'True Love never dies, it only gets stronger with time' At naniniwala naman ako dun. They love each other. Nakakainggit nga, kasi mahal siya ng mahal niya.

“Kasi ikaw hindi ka mahal ni Chrysler ganoon ba?” tanong ng isipan ko.

 Oo! Hindi niya ako mahal! L Ay teka.. teka.. At teka.. Bakit ako ba? Mahal ko siya? Hindi rin naman ah!

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon