Chapter Nine: We're getting married! ♥

28.5K 445 72
                                    

CHINKY’s POV

Kinakabahan ako! Tatawagan ko na kasi si Nanay para ipaalam sa kanila na luluwas kami ng probinsya bukas. Waah, kinakabahan talaga ako!! Baka kasi bigla niya akong itakwil, baka magalit siya sa akin! Ipinangako ko pa naman sa kanya na iaahon ko siya sa kahirapan, pero hindi pa man ako yumayaman ay ikakasal na ako!

Waaahh!! Ayoko pa talagang magpakasal! ‘Yong naging usapan namin ni Lola bakit bigla na lang nagkatotoo? Ang lakas n’ya yata kay Lord! Ngayon hindi na ako pwedeng mag-back out dahil nga confirmed!! May nangyari sa amin ng Devil Boss ko! Ano’ng gagawin ko? Sinimulan ko ng i-dial ang numero ni Nanay para tawagan siya.

 RINGBACK TONE ni NANAY: CHINITO ni Yeng Constantino.

Waahh, ganda ng Ringback! Pareho naming Idol ni Nanay si Yeng. Kaya pareho din kami ng ringback tone, he-he-he. Gusto ko pa sanang patapusin ‘yong kanta ng biglang sagutin na ni Nanay ang kabilang linya.

“Oh Chinky anak, napatawag ka? May problema ka ba dyan?” bungad ni Nanay.

Tumawag lang may problema na kaagad? Hindi ba pwedeng na-miss ko lang siya? XD Pero totoo naman kasi e, tumawag ako dahil may problema ako!!!

“Kasi po ‘Nay—Kasi po—” napa-singhot-singhot ako.

Hindi ko alam kung paano ko yon sisimulan. Natatakot ako!! Kahit na nakatapos na ako ng pag-aaral at nasa legal age na para magpakasal, parang hindi pa rin kasi tama e.

“What it is anak? Come on, tail me, tail me!” sabi ni Nanay.

Matatawa sana ako dahil sa mga banat n’yang ingles na nakakaloka, kaso ang laki kasi ng problema ko e. May pagka-trying hard kasi si Nanay mag-inglish, he-he-he. Pero lagi akong natatawa kapag bumabanat na siya.

“Huwag po kayong mabibigla ha?” pauna ko na.

Baka bigla na lang silang himatayin. Pero sabagay kung himatayin naman sila, madami namang tao sa isdaan— pero hindi pa rin! Ayoko!! Ayoko nao-ospital si Nanay!!

            “Oki Oki, sure! What is it? I will inhale-exhale myself.” sabi pa niya.

Saka ko narinig na nag-inhale-exhale si Nanay saka humugot ng malalim na hininga. Para na rin i-prepare ang sarili n’ya. Waah, parang ayoko ng sabihin. Kinakabahan ako.

“Uuwi po ako dyan sa probinsya bukas kasama ang Boss ko at ng Lola n’ya para mamanhikan dahil may nangyari sa amin ng boss ko at ipinapakasal na kami ng Lola niya.” tuloy-tuloy kong sabi.

Waaahhh!! I did it!! Yes! Madali lang pala e. J

“What? I did not hear you, the sound is noisy.” Sabi ni Nanay na ikinabagsak ng mga balikat ko.

Huwaaah!! Naman e! E di inulit ko uli yong sinabi ko. At ‘yon na nga, narining na niya at—

“ANOOOOO? MAGPAPAKASAL KA??” galit na tanong n’ya. Waahh, ‘yan galit na talaga si Nanay. Kapag kasi buong tagalog na ang salita niya o minsan Ilokano, alam kong galit na siya, kapag kasi may English—kalmado siya. “Anong ginawa mo anak? Akala ko pa naman naiiba ka sa mahaharot mong kapatid? Ang bata mo pa para mag-asawa—“

“Nay, Nay, awat na muna!!” pagpapatigil ko muna sa panenermon ni Nanay. Kapag kasi nakapagsimula na siya, mahirap na siyang singitan e. “Kailangan n’yo munang kilalanin sila Nay, bukas luluwas po kami dyan.”

“ANO? At bakit sila nagmamadaling ikasal kayo? Buntis ka na ba kaagad?”

“Hindi pa po Nay, basta bukas na lang po kami magpapaliwanag, pasensya na Nay, nabigo ko kayo.” Hinging-tawad ko.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon