Chapter Forty NIne: Her memory is back! ♥

20.3K 292 8
                                    

CHINKY's POV

"Hmm.. Ang bango at mukhang napaka-sarap naman nitong dala mo. " nakangiting sabi ni Chrys sa dala kong pagkain na nakalagay sa lunchbox na ibinigay ni Nanay.

Nasa sofa kami ng opisina n’ya, habang siya ay parang batang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang pagkain sa harapan n’ya.

"Tititigan mo na lang ba ‘yan?" kako sa kanya. Muntik na tuloy akong matawa sa pagkislap-kislap pa ng mga mata n’ya.

"Ngayon na lang uli kasi ako makakakain nito after two weeks. Madalas mo kasi akong nilulutuan ng mga ganito—" Napatigil siya sa pagsasalita saka tumingin sa akin. "Hindi mo na rin ba maalala ang pagluluto?" aniya.

Bumalanghit tuloy ako ng tawa. Ang pagkakaalam ko—ang amnesia ay pagkawala ng memorya, hindi pagkawala ng kakayang magluto. HA-HA.

“Syempre alam ko pa." kako.

He smiled. "Then can you cook for me later?" he asked.

"Ayoko nga—"

Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang tumayo sa harapan ko at parang bata na pinagtiklop ang dalawang palad n’ya. "Please? Please? Please?..." pakiusap n’ya.

Waaaahh. Napaka-dami  naman yata n’yang 'Please' na sinabi. Ang kulit.

"Please? Please? Please? Please—"

"Stop!" sansala ko na itinaas pa ang mga kamay ko. "Bakit ba gustong-gusto mong matikman ang luto ko?"

He smiled big. "I just missed it so much. Promise!!" tapos kinurap-kurap n’ya ang kanyang mga mata—‘sus, nagpapa-cute pa.

Psh! Heto naman ako ang bilis madala.

"Oo na, okay?" pagsuko ko na rin.

At nagulat na lang ako—nang bigla na lang siyang yumuko at mabilis akong ginawaran ng halik sa aking pisngi.

Ngumiti siya. "Thanks." At saka bumalik sa upuan na tapat ko at nagsimula na ng kumain.

At ako, heto, naiwang nakatulala habang pinapakiramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kung makapag-react ang puso ko. I need oxygen! Inaatake ako ng hypoxia!!!!! I-I can't breath—

"Okay ka lang Chinky?" basag ni Chyrs

Napatingin naman ako sa kanya. He is smiling from ear to ear. Waaahh! Na-concious tuloy ako, kaloka naman oh!!!

"Aalis na ako. Kitakits na lang sa bahay mamaya." Kako. Saka na ako tumayo, pero mabilis n’ya akong napigilan sa braso ko.

"Kumakain pa ako, samahan mo na muna ako." Saka siya lumabi.

Tsk! Parang bata. "Bakit? Kailangan mo pa ba ng tiga-subo?" biro ko.

Akalain n’yo ba namang tumango siya at ngumiti. "Pwede ba?"

Napailing ako. Maloko talaga ang lalaking ‘to. Pero nagulat na lang ako ng hinawakan n’ya ang kamay ko, saka inabot sa akin ang kutsara at tinidor.

"Feed me. Ahhhhhh..." saka siya ngumanganga ng malaki habang hinihintay ang pagsubo ko sa kanya.

OMG! Seriously? Adik ‘tong lalaking ‘to e!

"Are you out of your mind?" I asked.

"Yes!" sagot ba naman n’ya. “Because you already occupied my mind."

Ano raw? May gano’n  pa talaga siyang nalalaman? ‘Sus!  Nag-aadik yata ‘to e, ang lakas ng tama e.

"Aminin mo nga, anong tini-take mo at ganyan kalakas ang tama mo?"

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon