Chapter Five: Magpapakasal kami? ♥

35.3K 531 19
                                    

CHRYSLER’s POV

E di no choice! Sa condo ko na nga siya dinala, na tulog-mantika. Hindi man lang maalimpungatan! Nabingi na nga rin ako sa lakas ng hilik n’’ya. At sa liit niyang ito, napakabigat niya ha.

Hingal na hingal na ako!  Pinasan ko siya mula sa parking lot hanggang sa loob ng bahay ko. Grabe, para na rin akong nagbuhat ng limang kaban ng bigas sa bigat n’ya. Mabuti na lang din walang nakakita sa amin, kung hindi nakakahiya, mamaya isipin nilang nag-uuwi ako ng babae.

Pagkadating namin sa loob ng kuwarto ko, inilapag ko siya kaagad sa kama ko, gusto ko sana sa sahig na lang siya e. Pero nakakaawa naman kasi siya. Last ko ng gagawin ito!

“Hmmm..” narinig kong ungol niya.

Saka siya nagdahan-dahang nagmulat ng mga mata at nagpakurap-kurap.  Kaya agad kong sinamantala ‘yong paggising n’ya para matanong ko kung saan siya nakatira para maihatid ko na rin siya.

“Hoy! Anong address ng bahay mo? At ng maihatid na—“

“Buweeeeeh…”

Yucks! Sumuka siya! Sumuka siya doon pa mismo sa kama ko! Kadiri! Damn it! Ang baho-baho! What to do? Natataranta na ako. Ayoko kasi ng mga nakakadiri at mababaho! Paano at saan na ako n’yan matutulog ngayon? Ayoko sa guest room, sira kasi ‘yong ilaw doon, ayoko sa madidilim! Argh!

“Hoy! Bakit ka sumuka dyan? Linisin mo yan!!!!” reklamo ko.

Saka ko siya pinatayo sa pagkakahiga sa kama ko. Kadiri talaga ang babaeng ito. Pati nga damit n’ya, nasukahan na rin n’ya e. Iinom-inom kasi, hindi naman pala marunong! Puro talaga sakit ng ulo ang dala nya sa akin! Grrrr..

“Dalian mong tumayo dyan, aalisin ko pa yang bed sheet ko na sinukahan mo! Ang baho!” kako.

Saka ako mabilis na nagtakip ng ilong. Ang baho kasi talaga, as in! Nasusuka na din tuloy ako. Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako maglilinis ng suka ng iba. At mas nanaisin ko pa yatang kumain na lang ng carrots na ayaw na ayaw ko, kesa sa ganito.

Saan kaya ako ngayon kukuha ng pamalit na damit niya? Hindi naman kasi magsalita ang babaeng ito kong saan siya nakatira e, napipikon na ako!!

Napapaisip na naman ako. E di NO CHOICE na naman. Hay naku! Napahalungkat tuloy ako ng mga napaglumaan ko ng damit, ‘yong pinakaayaw ko! At ipandadamit ko na lang dito, 

TAKE NOTE: hindi ako yong magpapalit sa kanya ha!

Kailangan na kasi n’ya magpalit ng damit, baka kasi maikalat pa niya sa buong kuwarto ko ‘yong suka sa damit niya. Kadiri!

“Yan magbihis ka!” sabay hagis ko ng damit sa kanya.

“Hmm..” umungol lang siya, nakapikit pa rin siya at mukhang inaatok pa, nakaupo na siya noon sa sahig at nakasandal sa kama ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang n’yang hubarin sa harap ko ang damit n’ya. Napapikit tuloy ako kaagad ng mga mata. Saka ako napailing. Ang babaeng ito, walang ka-finesse-finesse sa katawan. Sinilip ko siya saglitkung tapos na siya magbihis, ayon okay naman na siya.

“Punasan mo na rin ang sarili mo!” saka ko inabot sa kanya ang wet tissue ko.

Naku, bukas na bukas talaga, ipapa-general cleaning ko ang buong bahay ko. Ipapatapon ko na rin ang lahat ng gamit na nadumihan n’ya. Baka nga lumipat na lang ako ng ibang condo. Yucks! Ayoko ng mababaho gaya ng babaeng ito!!

CHINKY’s POV

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon