Chapter Eighteen: Happy Bday Chrys! ♥

25.5K 338 12
                                    

CHINKY’s POV

“Teka lang lola, ano bang ginagawa natin dito sa salon ng mga ganitong oras?” tanong ko kay Lola Yna ng pagdating ko sa condo mula sa trabaho ay nakita ko siyang nag-aabang sa harap ng pintuan.

 Saka n’ya ako bigla na lang hinila papunta sa kotse n’ya dahil may pupuntahan daw kami. At heto na nga, sa David’s salon n’ya ako dinala. Alas kuwatro na ng hapon noon. Ano na naman kaya ang binabalak ni Lola?

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng kulitin kami ni Lola tungkol sa pamimili ng damit para sa baby namin, pero ngayon nandito na naman siya—ang kulit lang, pero natutuwa naman ako. I love her.

“Magpapa-ganda ka! Kasi Birthday ngayon  ng asawa mo!” imporma ni Lola.

Saka n’ya ako hinila at pinaupo sa upuan ng salon at agad na ipinaayos sa mga make up artist na naroon. Teka, bday daw ni Chrys ngayon? Ah talaga? Akala ko kasi February ang kaarawan n’ya dahil may pagka-kulang-kulang siya. Joke lang.

“Hinintay lang talaga kitang matapos sa trabaho mo, para paghandaan ang dinner date mo with him.” Sabi pa n’ya.

LOL. Dinaig pa ni Lola si Kupido kung makapag-match ah! Pero speaking of Chrys, maaga nga siyang umalis kanina, ni hindi ko na nga siya naabutan no’ng magising ako e. Saka hindi ko rin siya nakita sa kompanya kanina, para ‘di yata siya pumasok e, o baka naman nag-celebrate na ‘yon ng mag-isa.

“I want him to be happy today at ikaw ang medium para maghatid sa kanya ng kaligayahan, will you do that for me?” pakiusap ni Lola. “Kasi sa tuwing bday niya, nag-e-emo ang batang ‘yon, palibahsa no’ng narito pa si Angela—yeah, his ex-gf, madalas silang magkasama. Pero sa paglipas ng limang taon, halos mag-isa na lang siyang nagce-celebrate, kahit kulit-kulitin ko pa siyang samahan.” Paliwanag ni Lola.

Awts! Siguro nga, mahal na mahal n’ya ang Angela na ‘yon. Ang swerte din ng babaeng ‘yon e, siya na nga itong nang-iwan—siya pa rin itong patuloy na minamahan ng lalakeng sinaktan n’ya. Tsk.. Tsk.. Napapailing ako ng bigla ko na lang maramdamang may nagtatanggal ng sapatos sa paa ko. Nyaak! Si Lola. Sinusuotan ako ng bago at magandang sapatos na may may maliit na takong.

“Bagay ito sa dress mong binili ko.” Nakangiting sabi n’ya.

Itinaas no’ng make up artist ang bangs ko saka clinip, nilagyan ako ng manipis na make-up at lipstick saka kinulot ang dulo ang buhok ko.

Pagkatapos nila akong inayusan ay hinila ako ni Lola sa papunta sa Rest room at doon n’ya inabot sa akin ang above the knee na dress. May hanggang elbow na sleeve ‘yon at kulay fushia. Pagharap ko sa salamin—para akong nakakita ng manika—voodoo doll nga lang! Charot lang! Parang hindi ako ‘yong nakikitang kong repleksyon e. Parang artistahin! Ayiiee.. E di paglabas ko ng banyo, nanlaki ang mga mata ni Lola saka napangiti akong niyakap.

“You looks so gorgeous hija!” saka niya ako binitiwan. Yeee.. ang gorgeous ko daw! Nahiya naman daw ako. Saka ako nakaramdam ng pag-iinit ng akong mga pisngi. 

“Pero kailangan mo na muna siya sunduin sa bar kung nasaan siya ngayon, bago mo siya dalhin sa pina-reserve kong garden dinner ninyo. Goodluck!” nakangiting sabi n’ya.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Si Lola nakakatuwa din talaga e. Pero bago ako inihatid nina Lola sa bar kung saan daw naroon si Chrys ay nagpaalam na muna akong bibili man lang ng ireregalo kay Chrys.

Isang infinity necklace ang nakita ko—at nagandahan ako.Waaaah! Kaso ang mahal naman,five thousand pesos! Pero namalayan ko na lang na isinu-swipe na ang card ko nong babae—nyaaak! Binibili ko na pala ‘yon.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon