Chapter Thirty Four: It's a baby boy! ♥

25.4K 380 15
                                    

CHINKY’s POV

Umaga na. Dito na ako nakitulog sa bahay nina Lola Yna, hindi ko lang alam sa Chrys na ‘yon kung saan din siya natulog. Hindi ko na kasi alam kung anong nangyari doon. Basta pagkaalis n’ya kagabi, natulog na ako katabi si CeeDee—ang teddy bear na ibinigay n’ya sa akin.

CeeDee—shortcut ng Chrysler—Devil. Shhh, secret lang natin ang ibig sabihin no’n ha. Promise yan ha! Pababa na ako ng hagdan ng masalubong ko ang nakangiting si Lola Yna.

“Good morning hija, how was your sleep?” nakangiting tanong n’ya.

Ngumiti  din ako. “Okay naman po, kayo po?”

“I’m okay. O siya, halika na sa hapag at ng makapag-breakfast na tayo.”

Nyeks. Hindi pa sila nagbi-breakfast kasi hinihintay nila ako? Waah! Na-touch naman daw ako. E di tumango at ngumiti na lang ako kay Lola saka na rin naglakad papunta sa dining area. Siguro umuwi na si Chrys sa condo n’ya, o baka naman kung nakitulog din siya dito, malamang maaga na siya umalis para puntahan si—Angela.

Hindi ko na kasi maramdaman ang aura niya—papatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang isang taong pinaka-least na inaasahan kong makita. It’s just that—hindi lang ako makapaniwala. Si Chrys!

Nagtagpo ang aming mga mata. Pero mabilis kaming nag-iwasan. Hindi pa kasi kami in good terms. Naalala ko pa kasi yong bangayan namin kagabi.

“Hello,” nakangiting bati ni Elix sa akin, na naroon din pala.

“Hi,” sagot ko din, saka ako umupo sa tabi ni Lola na tapat ni Chrys.

“Bakit hindi kayo nagbabatian mag-asawa? May problema ba kayo?” tanong ni Lola sa amin ng mapansin n’yang hindi kami nag-iimikan.

“We’re okay ‘La.” Si Chrys ang sumagot, saka uli ito sumubo ng kinakain n’ya.

“Opo ‘La, okay kami.” Segunda ko.

Ewan ko sa Chrys na ‘to, okay daw kami, pero panay naman ang pang-i-snob n’ya sa akin. Nagsimula na rin akong kumain. Ang breakfast namin: Hotdog, egg, bread, pancake, at marami pang iba, ‘yong mga almusal-mayaman talaga. Kasi kami sa probinsya tuyo at kamatis lang, solve na.

“Ngayon ang check up mo ‘di ba hija?” pagpapaalala ni Lola sa monthly check-up ko na lagi siya ang kasama ko.

Hindi ko pa nakakasama si Chrys sa apat na buwang check up ko. Well, naiintindihan ko naman siya kasi nga Presidente siya ng Legacy at napaka-busy n’ya.

“Ay oo nga po pala Lola.” Sagot ko.

“’Di ba fifth months mo na? Ibig bang sabihin ay malalaman na natin ang gender ng baby mo?” nakangiting sabi ni Lola.

Waaa! Oo nga pala. Ika-5th months ko na ngayon. Medyo maumbok na din ng kaunti ang tiyan ko, pero dahil medyo loose ang mga damit na suotko, hindi pa rin siya gaanong halata. Nakow, buti pa si Lola naaalala ang lahat, ako na ang ulyanin.

“Chrys, bakit hindi ka sumama sa amin sa Ob-gyne mamaya?” baling ni Lola kay Chrys na noon ay panaka-naka ang pagsusulyap sa akin—pansin ko ‘yon, akala n’ya ha!

“Kasi lola—“ nag-pause siya sa susunod n’yang sasabihin.

“Kung busy si Chrys, ako na lang ang sasama.” Pagbobolutaryo ni Elix saka ako kinindatan.

Biglang napatayo si Chrys. Saka ako matamang tinitigan. Mayamaya pa ay bigla na lang siyang nag-walk out. At ano na namang problema n’ya? Walk out King!

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon