Chapter Twenty Three: Appreciation ♥

25.1K 361 19
                                    

CHRYSLER’s POV

How on earth will I know that? But wait! WTH is this feeling by the way? Am I going crazy? Oh damn! I can’t feel this! I love Angela! She is the one I love! Yeah! Nagpatango-tango ako sa mga iniisip ko. I just needed to rest, pagod lang ‘to!

CHINKY’s POV

Si Chrys na ang weird! Ang menopause! Ang malala! Tsk.. Tsk.. Forget about him na nga muna! Nandito ako sa work—specifically sa CR, pero hindi para magdududuwal, kundi dahil sa kabang nararamdaman ko, na-overpower n’ya ‘yong pagduduwal na feeling ko.

Ngayon na kasi ‘yong pagvo-vote para doon sa Christmas collections at doon sa new designs na ako ang napili bilang representative ng team namin. Waah! Seryoso, kinakabahan ako! Hindi ko nga maintindihan kong naiihi ako o napupopo e.

“Chinky, hindi ka pa ba tapos dyan?”

Si Sarah ‘yong nagtanong. Usual, naabutan ko na naman siya sa CR na nag-aayos. Kailangan na kasi namin magpunta ng Conference Room para sa pagvo-vote ng mga committee. Mabilis akong lumabas sa mula sa cubicle kung nasaan ako. Mabuti na lang pala at hindi ako naduduwal ngayon, hindi ko na kasi alam ‘yong ipapalusot ko kay Sarah kung sakali.

Baka nga bigla na lang n’ya akong hilain sa hospital, kasi sa dalas ng pagsusuka ko. O baka mamaya malaman na lang n’yang buntis ako. Wala na ‘yong sekretong malupit namin ni Boss!

Edi pumasok na kami sa conference room. Waah! Unti-unti na ring napupuno ang loob, ‘yong ibang miyembro ng committee na lang ang hinihintay namin.

“Hi Chinky!”

Mula sa likod ko ay may tumapik ng magaan sa balikat ko, kaya mabilis akong napalingon. Napakurap-kurap ako dahil sa nakita ko.

“Elixir?” nagtataka kong tanong sa pagkakakita ko sa kanya unexpectedly. Tumango siya sa akin at ngumiti.

“Yes! ‘Musta na?” nakangiti n’yang bati. 

Narinig ko na lang na may biglang nag-tilian sa likod namin ni Elix.

“Ang guwapo naman no’ng kausap no’ng babaeng ‘yon!”

“Siya yata ‘yong pinsan ni Boss na galing sa America e.”

“Ang guwapo n’ya no? Naku ang sarap lang halikan at yakapin. A-he-he-heh.”

“Papatirin ko mamaya ‘yan, tapos pumuwesto tayo sa harapan n’ya, para maka-jackpot.”

Narinig kong usap-usapan ng mga babaeng malalandi sa likod namin. Mukhang ako lang yata ang nakakarinig sa mga babaeng ‘to. Masyado kasi yatang focus si Elix sa pakikipag-usap sa akin e. Ako kasi ‘yong isang tainga ko sa kanya, ‘yong isa para sa lahat. Kumbaga hati siya!

“Hey, are you listening?” sabay kalabit sa akin ni Elix.

Nyak! Hindi na pala ako nakikinig sa kanya.

“Ay, ano na nga ba ‘yong pinag-uusapan natin? He-he-he.” kako.

He chuckled. “You’re really cute!” sabay pisil n’ya sa pisngi ko.

“HA-HA-HA, ‘wag mo akong laging pinupuri, baka maniwala na ako.” Biro ko pa.

Pero mas lumakas ‘yong tawa n’ya. “Then believe me, because it’s true!” he said, saka siya biglang sumeryoso. At inilapit n’ya ang bibig n’ya sa tainga ko. “Nabihag mo nga ang pinsan kong napaka-pihikan sa babae, ‘d iba?” bulong n’ya.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon