Chapter Forty Two: The Heartbreak ♥

21.3K 326 12
                                    

CHRYSLER's POV

"Tell me!" pasigaw ng utos ni Angela.

Nagulat ako! Kasi sa tinagal-tagal ko ng kilala siya, ngayon ko lang siyang nakitang nagka-ganyan. Parang hindi na siya ang Angela na kilala ko. She seemed so different! I heaved a sigh. Saka humugot ng lakas ng loob. I know na masasaktan ko siya sa susunod na mga sasabihin ko and I want to be careful, ayoko siyang masaktan ng husto.

"Sino ang babaeng ‘yan sa buhay mo?!!!" sabay turo n’ya kay Chinky na noon ay parang kinakabahan dahil sa mga reaksyon ni Angela.

"She's.." muli akong humugot ng malalim na hininga, saka napabuga ng hangin. "She's Chinky, my wife." Pagtatapat ko.

She was very shocked with my revelation! Dahil halos manlaki ang kanyang mga mata at malaglag ang kanyang mga panga.

"W-Wife?" halos pabulong n’yang tanong. Ngunit umabot ‘yon sa tainga ko. "How could you—"

Pero hindi siya natapos sa sasabihin n’ya ng bigla n’yang balingan si Chinky, kinabahan tuloy ako para kay Chinky.

"Paanong nagawa ng babaeng ‘to na akitin ka? She's not even attractive to look at!" she yelled. She was disgusted.

"Angela.." hinawakan ko ang mga kamay n’ya dahil baka bigla na lang n’yang saktan si Chinky.

Pero binawi n’ya rin agad ang mga ‘yon. Si Chinky ay nanatili lang ding nakayuko.

"Flirt!" sigaw n’ya, saka n’ya hinila sa braso si Chinky. "How dare you!!" sasampalin na sana n’ya si Chinky ng bigla akong humarang sa harapan n’ya.

Kaya ako ang nasaktan n’ya. Kung si Chinky siguro ang natamaan no’n, masasaktan ito ng husto, para kasing lahat na ng puwersa ni Angela ay ibinuhos na n’ya doon, she's very mad.

"Paano mong nagawa sa akin ‘to Chrys?" tuluyan na siyang umiyak, saka dahan-dahang napapaupo sa semento.

"I'm sorry." Sabi ko, saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"You told me before na ako lang ang mamahalin mo, pero bakit?" humihikbing sabi n’ya.

"I'm sorry.."

She cried in pain and I was so sorry. Pero nagulat na lang ako ng bigla n’ya akong itinulak saka siya tumayo at muling hinarap si Chinky, mabilis din akong napatayo.

"Magkano ka ba? Babayaran kita, layuan mo lang si Chrys. How about 1 million? No, I'll make 2 million—"

"Angela!" saway ko.

Nanatili lang tahimik si Chinky.

"What? Are you really inlove with this kind of girl? Oh come on Chrys! Are you out of your mind?" she said in a very sarcastic tone. "Hindi ako papayag, I gave up everything for you. Not now! Ipaglalaban kita kahit makipagpatayan ako sa kanya."

Nangilabot tuloy ako sa sinabi n’ya. She’s out of her mind!

"Angela, hindi na ikaw ‘yan." Sabi ko.

She laughed sarcastically. "Ako ‘to Chrys, ako pa rin ang Angela na minahal mo. Please tayo na lang ulit," saka niya ako niyakap at hinalikan sa aking mga labi pero mabilis ko siyang inawat. Saka n’ya muling binalingan si Chinky. "Please, give him back to me. Ako naman talaga ang mahal niya e. Naaliw lang siya sa'yo, kaya siguro pumatol siya sa'yo. Pero hinding-hindi siya mai-inlove sa mga katulad mo. I knew him very well."

"Angela stopped it!" I hissed.

"Sorry Ms. Angela." Mahinang tugon ni Chinky.

"Why? Why?! Why?!!" sigaw n’ya.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon