Chapter3

17.9K 284 2
                                    

Jasmine,

      Pauwi na ako naglalakad lang ako papasok sa lugar namin. Actually nasa Ermita Malate Manila kami nakatira maraming maliliit na bar ang paligid sa amin. Katulad ng tinitirhan namin nasa talong palapag na building. Sa first floor ay bar ni Tito Alfonso at sa second floor naman yung tulugan namin kasama ang mga babaing mga nagtatrabaho bar ni Tito Alfonso. Ksaya minsan pag andyan mga boyfriend nila parang naging instant motel yung tulugan namin except lang sa kwarto namin ng mama ko. Si Tito Alfonso sya ang asawa asawa ni Mama pero di naman sya maituring talaga na asawa kasi kung sino sino lang ang dinadala ni Tito na babae sa may third floor. Andoon ang tulugan nya ang private opisina nya. Medyo makulim na ng makauwi ako kaya nag umpisa na rin ang ingay ng bar. At yung mga girls nasa labas nag hihintay kung may papasok na customer.

"Jasmine kumusta ang exam?..tanong ni ate Maricar.

"Ayun ang hirap nakakastress pero medyo okay naman.."sagot ko sa kanya.

"Umakyat kana dun at magbihis ka na.."sabi ni Betty na sabay hampas sa pwetan ko.

"Oo na aakyat na po.."sabi ko sa kanya.

   Pero napalingon ako ng tinawag ako ni Tito Alfonso at pumasok daw ako sa loob ng bar. Nagdadalawang isip pa ako pero sabi ni Tito may iuutos lang daw sya sa akin. Sumunod naman ako at nagmamadaling pumasok sa bar, nag aayos pa ang ibang waiter ng pumasok ako at binati nila akong lahat.

"Halika ka dito Jasmine may ipakilala ako sayo.."tawag ni Tito sa akin.

   Sa isip isip ko naman, sabi nya uutusan nya ako, hinayupak talaga ang taong to, sinungaling. Ipapakilala lang pala ako sa kung sino sino. Lumapit ako ng biglang na lang may humila sa akin patingin si Mama na mukhang galit na galit kay Tito.

"Diba sabi ko sayo wag kang pumasok dito.."duro ni Mama sa noo ko.

"Ma tinawag kasi ako ni Tito Alfonso kaya ako pumasok sabi nya may iuutos sya.."paliwanag ko kay Mama.

"Saglit nga Monica wala naman akong gagawin sa anak mo at saka dalaga na yan paano natin pakinabangan yan.."sabi ni Tito sa kay Mama, bigla naman akong kinabahan sa narinig.

"Subukan mo Alfonso ng magkakamatayan tayo sinasabi ko sayo pakialaman mo na lahat wag lang ang anak ko.."sigaw ni Mama sa kanya.

"Aba marunong kanang sumagot at matapang kana.."sabi ni Tito at sakto na sana nyang ambahan si Mama ng maabutan ko ang kamay.

"Tito tama na. Ano ba wag mong saktan ang nanay ko.."sigaw ko naman sa kanya din.

"Sige na anak lumabas kana ako bahala dito.."taboy ni mama sa akin.

"Pero Ma...."sagot ko kay Mama kaya lang hinila na nya ako palabas. Ayaw ko sana kasi umalis dahil alam ko masasaktan na naman sya ni Tito.

Pero wala na akong magawa kundi umakyat at magbihis manatili sa kawarto. Nakatulog na ako sa kakaiyak ko nagising ako sa ingay na naman sa kabilang kwarto. Paano kasi fly woods lang ang pagitan ng mga kwarto sa taas kay naririnig mo kung ano nagaganap sa kabilang kawarto. Tinakpan ko ang mga dalawang tainga ko ng unan para di ko marinig ang ungol ng mga tao sa kabila. Maya maya tumayo ako at bumaba para bumili ng pagkain dahil nagugutom na ako. Sa hagdan pa lang may nakikita na akong naghahalikan si ate Myra at ang isang hapon na lalaki. Sanay na ako sa ganong eksena kaya wala na sa akin yun. Oo nung bata pa ako tinatakpan pa nila mata ko pero lumaki na ako at nagkaisip  hinahayaan na nila ako kung ano ano na nakikita ko at halos kulang na lang sa harapan ko sila mag sex. Pag kababa ko sinara ko ang gate para walang makaakyat na iba dun except sa mga customer ng bar. Nagpaalam ako kay kuya Jovet nagbabatay sa pintuan ng bar at ng gate paakyat. Sabi ko sa kanya sa 7eleven lang ako magpapalipas ng oras. Naglakad ako palabas ng kalye namin at naghanap ng makakain. Nang makasalubong ko si Edward anak sya sa isa sa nag mamayari ng bar sa paligid din namin. Kilala nya ako dahil sa kay Tito Alfonso.

"Oh! bakit nasa labas ka gabi na pagkamalan kang GRO dyan.."sita nya sa akin.

"Ay naku Edward sanay na akong mapagkamalan. Kaya okay lang ako at saka sa 7eleven lang ako kakain.."sagot ko sa kanya.

"7eleven ka naman di ka na ba nagsasawa doon. Gusto mo kain tayo dyan sa may kabilang kanto sa may mamihan sarap ng pares dun.."sabi nya sa akin.

"Sure basta libre mo ako total marami kang pera.."sagot ko sa kanya.

"No prob, wait ipark ko lang ang sasakyan ko. At maglalakad na lang tayo para masaya.."iniwan na niya ako at pinark ang sasakyan nya.

  Mga five minutes nakabalik agad si Edward then naglakad na kaming dalawa. Si Edward subrang bait sa akin pag may prob ako sa kanya ko nasasabi, naging bestfriend ko sya at sya din pag may prob sya sa family or sa girlfriend nya ako agad ang tinatawagan nya. Naging malapit kami ni Edward kahit mas matanda sya sa akin ng isang taon pero piling ko magkasing edad lang kami. Mga bata pa lang din kami ni Edward parang naging playground na namin ang bar nila o di kaya sa rooftop ng building ni Tito Alfonso. Doon kami naglalaro kapag busy ang parents nya sa bar nila. Sa akin sya pumunta at makikipaglaro.

"Jasmine wala ka paring boyfriend tell now?..tanong nya sa akin.

"Bakit mo naman naitanong?..sagot ko sa kanya.

"Wala nacurious lang ako kasi sa ganda mo yan wala ka pa ring boyfriend.."sabi ni Edward sa akin.

"Edward ikaw lang yata nagagandahan sa akin pero yung iba they think isa ako sa mga nagtatrabaho dyan sa lugar na yan.."sagot ko sa kanya at itinuro ang isang bar.

"Diba sabi ko sayo tayo na lang ayaw mo naman kasi. Malay mo maging okay tayo.."sabi ni Edward sa akin.

"Edward mag bestfriend tayo diba ang awkward naman kung maging tayo. Hiwalay na naman ba kayo ng girlfriend mo?..tanong ko sa kanya.

"Yup, iwan ko lagi na lang ako iniwan. Kaya nga sabi ko baka ikaw na lang alam ko di mo ako iiwan.."seryusong sabi ni Edward.

"Kaya pala nandito ka kasi wala kang girlfriend pero pag may girlfriend ka kinalimutan mo ako.."sabi ko sa kanya at sabay tapik sa shoulder nya.

"Sige na pagtiagaan mo na ako may pera naman ako. Kaya kita ilayo sa luagr na to Jas kung papayag na maging tayo.."sabi ulit ni Edward.

   Tinawanan ko lang sya kasi kahit anong pilit ko na gustuhin si Edward.Wala talaga akong nararamdaman na kakaiba sa kanya kundi ang isang pagiging kaibigan lang. After namin kumain bumalik na kami sa kalye at naglakad papunta sa bar, bago ako pumasok sa loob kinulit ulit ako ni Edward tungkol sa sinabi nya sa akin kanina. Pero same as usual ayaw ko sa kanya gusto ko na maging matalik kaming magkaibigan.


JASMINE Where stories live. Discover now