Chapter18

11.6K 192 1
                                    



     Jasmine,

      Isang linggo na ang nakalipas after ng may mangyayari sa akin at ang pag oper kay mama. Eto ako naka pila para sa isang job interview. Nagapply ako bilang sale lady ng isang mall pero sa totoo lang pang lima na yata tong inaplayan ko yung iba sabi tatawagan lang daw nila ako kaya fifty fifty pa yun. Kaya nag apply naman ako ng iba, subok lang baka swertehin ako.

      "Next, Ms. Jasmine Reyes..."tawag ng isa sa mga office staff.
  
    "Yes Maam ako po yun..."sagot sa kanya.

       "Halika ka ikaw na susunod bilisan mo at ayusin mo ha ang sagot mo. Good luck, malakas ang kutob ko mamatanggap ka..."sabi naman nya sa akin. 

    "Salamat hu.."kinakabahan kung sagot.

   Pumasok agad ako,pagpasok ko pa lang tinitingnan lang ako ng isang may idad na babae. Wala man lang tinanong sa akin, sa isip ko tatanungin ba nya ako o titigan nya lang ako. Pero ng bigla syang nagsalita kaya nagulat pa ako.

        "Ay sorry po, ano po ulit ang tanong nyo Ma'am?..tanong ko pabalik sa kanya.

    "I said may lahi kaba, are you halfblood?...tanong nya na parang nainis.

    "Ahh..yes Ma'am pero di ko nakilala ang father ko. Inabanduna nya po kami ng nanay ko.."sagot ko sa kanya.

      "Tell me why I need to hire you Ms. Reyes.."tanong nya sa akin ng diretso.

   "Masipag po ako magtrabaho Maam at mapagkatiwalaan nyo po ako. Honestly, Maam, I need a job, beacuse my mother is in the ICU right now. I need to support her everything wala ibang tao makatulong sa kanya kundi ako lang.."mahaba kung sagot at medyo eto naluluha na ako.

     Tumitig sya sa akin ng diretso, at maya tumingin sa resume ko.

     "So Ms. Reyes do think kakayanin mo magtrabaho habang kailangan mo rin mabantay sa nanay mo?..tanong nya ulit sa akin.

    "Ma'am kakayanin ko lahat basta sa nanay ko po.."sagot naman sa kanya.

   "Okay, here's the requirements you need.  Kung makuha mo na lahat then come back here for your final interview.."sabi nya at sabay abot ng maliit na papel.

       "Salamat po Ma'am.."masaya kung sabi.

    "Okay na makakaalis kana,make sure makuha mo yan lahat para i can schedule you for final interview.." sabi nya sa akin at ngumiti.

         Lumabas na ako, masaya ako dahil alam sigurado na akong matatanggap. Habang naghihintay ako ng elevetor, tiningnan ko ang papel nakasulat doon ang kailangan kung maipasa lahat ng reqiurements. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng gutom, nalala ko pala wala pa akong kain kaya pagkalabas ko agad ng building naghanap ako ng convenient store, as usual sa 7eleven naman ako. Habang nakaupo ko sa 7eleven at kumakain, nakikita ko namay park na  malapit lang. Kaya tumayo ako at lumakad papunta sa may park at para doon ituloy ang pagkain ko. Maraming tao doon na naiikot ikot, mga nakaupo,mga kaibigan ng nakukwentuhan at of course di nawawala ang mga lovers na naglalambingan. Pinapanuod ko lang sila, naingit ako sa kanila piling ko kasi parang wala sila problema kasi ang saya saya nila tingnan. Kailan kaya ako makakatawa ulit katulad ng tawa nila, tanong ko sa sarili ko. Maya maya pa patayo na sana ako para umuwi at diretso sa hospital ng biglang may nagtitili at tinatawag ang pangalan ko.

        "Jasmine....girl,  kumusta na?..sabi nya sa akin.

     Pero di ko sya nakilala akala ko kung sino lang na nagpaparank sa akin. Kaya aalis na sana ako pero hinawakan nya ako.

JASMINE Onde as histórias ganham vida. Descobre agora