Chapter 39

10.1K 198 14
                                    

          Jasmine,

        Palakad lakad ako sa backstage, di ako makapagfocus kasi dahil sa nangyri kanina. Anong ginagawa ni Harris doon? "Lord ano ba tong nararamdaman ko sobrang ko namissed sya, bakit ba kasi Harris nagpakita kapa sana tuluyan ka na lang naglaho para matapos na tong paghihirap ko" sabi ng utak ko. Habang napalakd lakad ako tinapik ako bigla ni Macky kaya nagulat ako.

     "Jesusmaria!!...ano ba Macky, wag ka nga manggugulat, atakihin ako sa puso sayo.."inis kung sabi.

      "Bakit kasi anong nangyayari sayo? Ayan oh, di ka pa nakapagbihis tapos yung buhok mo magulo pa. Dai mukha kang iwan sa kakaikot. Dahil ba yan kay Mr. Stewart ha?..."panunukso ni Macky.

      "Pwede ba Macky wag na wag mo mababangit ang Mr. Stewart na yan.."sagot ko na lang.

     "Sabi ni Tyra sa akin kanina namutla ka nung makita mo sya at tinawag ka pa nya Jas. So ibig sabihin ba nito may past kayo ano?.."tanong Macky na ang lawak ng ngiti.

     "Oo na para tumigil ka.."sabi ko.

    "Anyari sa past nyo?..curious nyang tanong.

      "Mahabang kwento kaya pwede umayos na tayo at baka maabutan tayo ni Steph dito makikita tayo nagchismisan,lagot tayo nun..."hinila ko na si Macky sa dressing room para makapaglit na kami kasi twenty minutes na lang mag uumpisa na ang fashion show.

       "Dai kwentuhan mo ako ha..."hirit pa ulit ni Macky.

     Dali dali akong nagbihis at inayus na rin ng mga glam team ang buhok ko pati make up ko. Hanggang nag umipisa na ang fashion show. Umabot din nang limang oras ang fashion show na yun. Kaya pagkatapos pagod na pagod na ako at sumakit na ang mga paa ko, di na ko sumama sa victory party. Sumakit mga paa ko dahil sa heels na mga sinuot at paulit ulit na paglalakad. Nagpaalam ako sa mga kasamhan ko at ky Steph, pumayan naman sya. Naghihintay ako ng taxi ng may huminto sa harapa ko na sasakyan kulay black. Bumukas ang window isang matandang lalaki na halos puno ng kwentas ang leeg nya kinilabutan ko sa nakita ko.

     "Ms. Mag kano per hour mo?..tanong nya sa akin .

     Sa isip ko, bwesit ka di naman ako bayaran babae no. Pero mas nagulat ako ng may isang sasakyan na pumadara at may lumabas hinila na lang ako bigla at pinapasok sa sasakyan nya.

        "Hayop ka anong gagawin mo sa akin,ibaba mo ako.."sigaw ko pa sa takot.

     "Jas calm down, its me..."sabi nya agad sa akin.

    Saka lang ako nahimasmasan nung narinig ko ang boses ko nya. Shit!! si Harris ano ginagawa nya dito,sinundan ba ako nito? tanong ng isip ko. Di ko alam kung kakausapin ko sya o hindi, tuloy tuloy lang sya nagdrive at tahimik din, ni isang salita wala akong naririnig galing sa kanya. Kaya naglakas loob ako magsalita kasi piling ko medyo malayo layo na yung binabyahe namin.

       "Harris saan mo ba ako dadalhin.."tanong ko.

   Pero di sya sumagot,ni hindi man lang sya tumingin sa akin.

        "Harris sasagutin mo ba ako o hindi? Dahil kung hindi pwedi paki baba na mo lang ako.."galit ko ng sabi sa kanya.

      "Hindi kita ibaba hanggat di tayo nag uusap.."doretsong sabi nya.

    "Okay fine,mag uusap tayo.."pasinghal kung sagot.

      Sa isip ko, ganito ba ang lalaking to manunuyo, sya pang may ganang mang mang iinis at saka mag uusap lang pala kami sa saan saan pa ko dadalhin. Napatingin ako kanya bigla naman sya tumingin sa akin kaya nagtama yung tingin namin dalawa bigla kung iniwas ang tingin ko. Di ko sya kayang titigan ng matagal baka I will betray myself right now kasi sobra ko sya namimiss. Sa labas na lang ako tumingin, maya maya nabigla ako sa sinabi nya.

JASMINE Where stories live. Discover now