Chapter 24

10.8K 204 3
                                    

          Jasmine,

      Nagulat ako ng bigla na lang tumunog ang alarm nag cellphone ko kaya dali dali akong bumangon kasi five o'clock ng umaga.

     "Opss!..sabi ko,ng hinila ako ni Harris.

     "Where do you think your going?..tanong nya.

   "Papasok na po ako...sagot ko naman.

     "What! But its still five in the morning. Ganito ka kaaga nagigising?..tanong nya ulit.

    "Opo, kailangan eh,kasi kung hindi ako magtrabaho mamatay ang nanay ko. Hindi naman ako anak mayaman para di kailangan kumayod.."sabi ko sa kanya.

      Tumayo na ako papasok ng banyo pero hinawakan ni Harris ang kamay at hinalikan,nakatitig lang ako kanya. Dahan dahan namang papalapit ang mukha nya sa mukha habang nakatingin sya sa labi ko. Sa isip ko,tumigil ka, Harris wag kang ganyan baka di ako matanggi nito. Maya maya pa tinakpan ko ng kamay ko labi nya,

       "Magshower na ako..sabi ko sabay tayo ko.

    "Can I go?.."tanong nya.

       "Sorry pero nasa labas ng kwarto ang banyo at saka maliit lang baka di tayo magkasya dun.."sagot ko.

     Tumalikod na ako at kinuha ang gamit ko panligo at lumabas,habang nasa banyo ako iniisip ko ano ba tong ginagawa ko. "Jasmine! mafocus ka sa Mama mo ha, si Harris di sya ang makakatulong sayo kaya kung ano man nararamdaman mo kalimutan mo muna, sabi ko na lang. Pagkatapos kung naligo, nagbihis na ako at pumasok ulit sa kawarto. Wala na si Harris kaya dali dali akong lumabas, para nahanpin sya di ko makita.

        "Yung taong yun lagi na umalis na di nag paalam tapos bilang susulpot na parang kabuti.."sabi ko na lang.

    Bumalik na ako loob at dali dali akong nag ayos para makaalis na,lumabas na ako ng bording house at nagmadaling lumabas. Ng nasa may kanto na ako napangiti ako ng makita ko si Harris na nakatayo nakasandal sa sasakyan nya at nakashade pa.

     "Sorry, I just get my car. Let's go, hatid na kita.."nakangiting sabi nya sa akin.

       "Di na kailangan okay na ako. Umuwi ka na?.."pagkunwari ko pa.

      Pero hinawakan nya ako at pinasakay sa sasakyan nya kaya dali dali na akong sumunod. Tahimik lang ako habang nasa bayahe kami ni Harris. Ayaw mag salita, ang totoo kasi naiinis ako sa kanya dahil sa di nagpaalm. Pero sa kabilang banda,  naisip ko din sino ba ako para pag paalaman nya. "Umayos ka nga Jasmine",saway ko sa sarili ko. Maya maya inabot nya cellphone nya sa akin.

       "Ano naman yan..?tanong ko.

      "Save your number, please.."pakiusap nya.

       "Okay, pero wag mo akong tatawagan simula six ng umaga hanggang six ng gabi dahil nasa trabaho ako. Wala akong time para makipagchikahan,okay..sabi ko then save my number.

     "Six to six, ano yun pinapatay mo ba sarili mo?..seryuso nyang tanong.

     "Parang ganun na nga, kailangan kaya wag ka ng umangal pa.."sabi ko.

      "Malala ka pa sa akin pero sige I don't have much choice.

       Tahimik na lang ako at sa labas nakatingin,alam ko kaninanpa nya ako pasimpling tinitingnan.

       "Wag mo nga akong tingnan ng tingnan baka mabundol tayo.."saway ko sa kanya.

      "I cant help it..sagot naman nya.

     Mas lalo lang akong naconcious sa tingin nya sa akin.  Maya maya nasa tapat na kami ng coffee shop kaya dali dali na akong bumaba. Bababa pa sana sya para pagbuksan ako pero naunahan ko na sya.

       "Thank you.." nagmadaling umalis at pumasok na.

          Pagkapasok ko sa shop nakita ko agad si Paul na nakangiti.

       "Good morning girl!..Wow! may taga hatid na..."sabi nya sa akin sabay kindat.

      "Ha! hindi nadaanan lang nya ako.

     "Ayan oh! nakasunod sayo.."sabay pout ng lips nya.

    Paglingon ko nasa likuran ko si Harris na nakangiti pa, shit! ang ngiti nya nakakatunaw. Umayos ako at nagkunwaring, wala lang parang di kami magkakilala.

    "Good morning sir Drew!!..bati ni Paul.

        "Morning! Are you open? Can i order something?.."sabi kay Paul.

       "Sorry, hindi pa kami nagseserve kasi ayusin namin ang mga table pero dahil regular customer ka namin sige sir ipaseserve kita..masayang sabi ni Paul.

        "Paul diba bawal yun?..sabi ko.

    "Hayaan mo na girl okay lang yan.."sagot nya akin at pakindat kindat pa.

   
       Pumasok na ako sa loob at nagpalit ng uniform namin then nag ayos loob ng kalat nung mga nauna naming magkatrabaho. Nakakainis minsan ang mga yun basta lang nila iwan ang kalat nila. Maya pumasok si Paul at timawag ako.

       "Hoy! girl magbreakfast date daw kayo..."sabi ni Paul.

    "Hum!..may ganun ba breakfast date?..tanong ko pa at natawa sabay iling.

      "Oo myron at si sir Drew ang magpapauso. Halika na kasi nag hihintay yung tao..sabay hila nya sa akin.

        "Paul di mo naman kailangan hilain ako..sabi ko na nakasunod sa kanya.

      "Halika na kasi, pahard to get pa eh..kinikilig na sabi nya.

       Pagkalabas namin nakita ko si Harris na nakaupo,seryuso sya talaga mag breakfast date?..sa isip isip ko. Itinulak pa ako ni Paul para makalapit sa kanya.

       "Have a seat..."sabi nya at pinaghinila ako ng upuan para makaupo ako.

     "Thank you. Anong mayron sir?..tanong ko na lang.

    "You eat before you work. Masama ang magskip ng meal lalo pag breakfast..sabi nya sa akin at di sinagot ang tanong.

     
      Tinitigan ko sya, seryuso talaga sya". Then inabot nya sa akin ang orange juice at saka nilagyan ng strawberry jam ang toast at inabot sa akin.

      "Finish it..."sabi nya na nakangiti at hinawakan ang chin ko.

      Bigla ako ng blush sa ginawa nya at nahiya kay Paul at kay Jam na kakapasok pa lang. Alam ko kinikilig ang dalawa kasi nakikita ko sila nag giggled,sa isip ko,"ganito pala sya kasweet" lihim tuloy akong kinilig.

        "I need to go,take care of yourself baby..."sabi nya then kiss my cheak.

      Umalis na sya ako naiwan na nakaupo at kinilig sa ginawa napapangiti nalang ako.

     "Waaa. grabi na to ang aga aga nyong mapakilig. Sana ako din mag kakababy na...sabi ni Paul.

       "Jas anong mayroon. Grabi oh, ang aga aga lalagamin kami sa kasweetan nyo dalawa.."tanong naman ni Jam.

     "Wala, ano ba kayo wag nyo na pansinin yun.."sagot ko sa kanila at pasimpling kinilig.

    Buti na lang dumating ang supervisor namin at natahimik na rin ang dalawa sa kakakulitan nila sa akin. Maya maya pa naging busy na kami sa shop wala akong inisip kundi si Harris, naalala ko mga mata nya at yung matangos na ilong.

       

       

         

      

    

             

       

JASMINE Where stories live. Discover now