Chapter 64

7.7K 162 6
                                    

     

      Harris,

     Nasa gilid ako ng bed ni Jasmine habang nakaupo pinupunasan ko sya at kinakausap. Kahit di sya sumasagot sa akin kwento pa rin ako. Dahil sabi Tito nakakatulong patient ang kausapin pampalakas din ng loob nila kapag marinig ang boses ng mahal nila buhay. Habang pinupunasan ko si Jasmine I can't help myself sobra akong natatakot at nag aalala sa kanya, paano nga ba kung di sya magising? Yan ang laging tanong na tumatakbo sa isip ko, habang nakatingin ako kay Jasmine. After ko si Jasmine mapunasan itinabi ko na muna ang pinamunas ko sa kanya at umupo ulit sa tabi nya. Pinagmamasadan ko ang napaganda nyang mukha then I took my camera and take a picture of her nasa hospital bed sya atleast makikita nya histura nya pagkagising nya. Maya maya pa napagod na ako sa kakakuha ng pic kaya naupo ako ulit sa tabi nya, then hold her hand.

       "Baby magising kana naman na oh. Sige ka baka mamaya may magkagusto dyan sa akin naku papatulan ko na. Kasi ikaw ang tagal mong magising. Jasmine  gusto ko na marinig ang boses mo lalo yung mga ngiti at tawa mo sobra ko na namimiss at saka namimiss ko na yung pang aasar ko sayo.."sabi ko nakangiti at the same time umiiyak.

      Hinawakan ko ang kamay nya at hinahalik halikan habang umiiyak. Ang hirap ng piling na naghihintay ka kung kaylan ibuka ang mga mata nya at the same time inaalala mo yung paano kung tuluyan ka nyang ipikit ang mga mga mata nya. Maya maya pa pumasok si Tito Robert at isa pang nurse to check her kung may lagnat kasi indikasyon yun na may infection. Pero thank god wala naman at okay naman lahat pati vital sign okay naman din.

     
      "Tito ano po bang nangyayari bakit until now di pa rin sya nagigising?..tanong ko kay Tito Robert.

        "Let's just pray na magigising na sya dahil kung hindi, I think something wrong. Her operation is getting will, dapat nga nagising na sya today.."sabi ni Tito sa akin.

      "Pero bakit kaya?...tanong ko ulit na nag aalala na.

    "I think kailangan natin magconduct ulit ng mga test para to make sure na wala syang iba pang problema.."sabi ni Tito.

         Maya maya lumabas na si Tito sa kwarto ni Jasmine, dumating naman si Betty para magbantay kay Jasmine para makatulog naman ako. Pero how can I sleep if ganito naman nag aalala ako kay Jasmine, iniwan ko muna saglit si Jasmine kay Betty at pumunta muna ako ng chapel para magdasal. Habang nasa nasa chapel ako nagdadasal pero laking nagulat ko ng makita ko si Betty nagsisigaw at tinatawag ako.

       "Harris...Harris...dali si Jasmine.."sabi nya at hila sa akin.

    "Anongyari kay Jasmine?..tanong ko agad.

      "Gumalaw sya.."excited na sabi Betty.

      Patakbo kami ni Betty na pumasok sa kwarto nya at pagkapasok namin andun si Tito Robert at ang iba pang nurses.

        "Tito anongyari, gising na ba sya?..tanong ko agad.

   "Hindi pa sya gising but atleast may sign na baka any minute or time soon magigising na din sya.."sabi ni Tito sa akin.

      "Thank you lord..."sabi ko pa.

          Maya maya pa nagsilabasan na sila pero si Tito nagpaiwan saglit.

  
          "Harris if ever magising sya wag mo muna pilitan magsalita sya ha. Baka makakasama sa kanya yun hayaan mo muna sya makaparecover at kailangan nya ng mahabang pahinga pa..."sabi ni Tito sa akin.

       "Yes po.."sagot ko na lang.

       Ng makaalis na si Tito hinila ko ang upuan at naupo sa gilid ng bed ni Jasmine. Habang binabantayan ko sya nakatulog na pala ako sa antok at siguro sa pagod na rin. Nanaginip pa ako na nakikita ko si Jasmine naglalaro sa buhangin at kumakaway pa sa akin, tinatawag daw nya ako para lumapit sa kanya. Inabot ko ang kamay nya at tuwang tuwa naman sya, ang sarap  tingnan at pakingan ang tawa ni Jasmine. Nagulat ako ng biglang bumitaw si Jasmine at nawala kaya nagisingng ako na napasigaw.

JASMINE Where stories live. Discover now