Chapter 37

9.6K 175 3
                                    

     

         Jasmine,

     Anim na buwan na ang lumipas simula ng magsign ako ng contract sa modeling agency nila Jericho Sandoval. Naging busy ako sa paratice at hanggang mga photo shoot ko. Sinasama na rin ako ni Steph sa mga fashion show nya. Kaya naman wala akong ginawa kundi trabaho ng trabaho at the same time nagtrainning pa. Marami na rin akong mga kaibigan kaya naman medyo eto masaya na ako pero alam ko may kulang talaga sa buhay ko. Maya maya habang nasa studio kami nila Tyra at Macky mga katulad ko din silang model na masayang nakewnto nakita ko si Jericho na masaya lumapit sa amin.

      "Jasmine, I have a good news for you. I'm sure matutuwa ka sa sasabihin ko sayo..."sabi ni Jericho na ang lapad ng ngiti.

      Naexcite naman kaming tatlo sa ibabalita ni Jericho.

      "Ano yun?..."excited kung tanong.

      "Kakatawag lang ng isang advertizing company na nagmamayari ng Meg magazine. Ikaw ang gusto nila maging cover girl sa bago nilang ilalabas na magazine. Eto na Jasmine ang hinihintay natin, its your time to shine baby..."sabi ni Jericho.

       Tuwang tuwa naman kami, nakakaexcite at nakakaba dahil first time ko maging cover girl ng isang sikat na magzine.

      "At eto may isa pa isang clothing company ang tumawag din at ikaw at si Tyra ang gusto nilang maging model for summer outfit. O diba busy na ang schedule nyo, kaya naman girls be ready at your going to cebu for the photoshoot. Sa isang sikat na beach kayo magstay kasama ng iba pang mga models at crews na gagawin ng photoshoot..."sabi ulit ni Jericho sa amin ni Tyra.

     Kaya naman nagtatalon kami ni Tyra sa tuwa, sobrang saya ko napayakap ako kay Jericho. Wala naman kasi akong ibang mapasalamatan kundi sya lang.

      "Jasmine pansin ko parang naging clingy kana sa akin lately.."sabi ni Jericho na nakangiti.

     "Sorry wala naman kasi akong ibang mayakap eh. Sobrang saya ko lang po..."sagot ko naman na nakayap pa rin sa kanya.

     "Its okay, I don't mind at all. Binibiro lang naman kita.."sagot naman ni Jericho sa akin.

      "Salamat..."sabi ko na lang.

    "Let's go and celebrate..."yaya ni Jericho sa akin.

     Kaya naman dali dali akong nagbihis at nag ayos para magcelebrate. Kasama namin si Tyra at Macky na nagcelebrate, sila kasing dalawa yung sobrang close ko halos di na kami magkakahiwalay bawat event pupuntahan namin kaming ang magkasama kaya ganun na lang yung closeness namin.

     After three days lumipad na kami papunta ng cebu kasa ang mga photographer at iba pang staff. Ang dami nilang mga bitbit na kung ano ano. Ang sarap din ng buhay namin ni Tyra para kaming nagbabakasyon". One week kaming nagstay sa cebu kaya sinulit namin ni Tyra ang papamasyal at pagkain ng masarap ng letson at kung ano ano pa ang ginawa namin ni Tyra. Katulad ngayon nagrerelax kami ni Tyra sa isang beach resort dahil bukas back to Manila na naman kami. Habang nakaupo kami at nakatingin pakagandan view ng sunset may dumaan na couple sa harapan namin ni Tyra ang sweet nila sa isa't isa, nagkatinginan pa kami ni Trya ng medyo nakalayo na sila.

      "Girl ang sweet nila ano.."sabi ni Tyra.

    "Maghihiwalay din yan after nila magsawa sa pagiging sweet.."sagot ko naman.

    "Wow! may pinaghuhugutan lang Jasmine?.."sabi nya ulit sa akin.

   "Iwan kalimutan na nga natin yan.  Para akin no space for love life muna, focus muna sa work.."sabi ko ulit.

JASMINE Where stories live. Discover now