Chapter 54

8.8K 181 33
                                    

      Jasmine,

            Nanginig ako ng marinig ko nariring ang phone ni Harris. Natakot ako kaya dali dali kung inoff ang phone ko. Naghuhunahan naman nagbasakan ang mga luha ko,jusko!.buhay sya? tanong ng isip ko. Nagpull over si Jericho kasi nakita nya na tahimik akong umiyak, nanginig at natulala.

     "Jasmine..for god sake what's happened?..tanong nya sa akin.

    Ramdam kung nagpanic sya, dali dali akong bumaba ng sasakyan dahil parang piling ko hindi na ako makahinga. Dali dali naman bumaba si Tita at Jericho at pinakalma ako.

       "Jasmine, hija okay lang?...tanong ni Tita nahihimas ang likod ko.

      "Yung phone nagriring?..sabi ko kay Jericho habang hawak kamay nya.

     "What phone at kaninong phone?..tanong naman ni Jericho.

  "Yung phone ni Harris nagring. Buhay sya Jericho, buhay si Harris.."sigaw ko.

      "Jas..I'm sorry pero mali ang inisip mo. Nariring yung phone ni Harris dahil nasa kay Mr. Stewart ang phone at sinadya ng Dad nya na hayaang nakaopen yung phone nya. Atleast if ever na may tumawag sa kay Harris masagot nya at masabi nyang wala na si Harris.."sagot ni Jericho sa akin.

    Nanlumo ako sa narinig ko kay Jericho,tuluyan na akong naiyak dahil alam kung mali ang umasa pero hanggang ngayon di pa rin ako bumibitaw sa pag asa na yun. Niyakap ako ni Tita at pinakalma.

      "Anak, alam ko masakit mawalan ng mahal sa buhay. Talagang dumarating tayo sa punto na umaasa lalo na sayo dahil di mo talaga nakita ang katawan nya bago man lang sya mawala. Sige anak iiyak mo lang yan,alam ko kung anong nararamdaman mo ngayon. Kaya sige lang ilabas mo yang nararamdaman mong pangungulila sa kanya makakatulong yan sayo.."mahabang sabi ni Tita sa akin

      Yumakap ako ng mahigpit kay Tita Feliece sa ngayon sya lang ang taong malapit sa akin na pwede kung sandalan. Jusko! ang hirap hirap mag move on, sabi ng isip ko. Nang mahimasmasan na ako bumalik na kami ng sakay sa sasakyan, sa backseat na ako naupo kasama si Tita. Habang on the way kami sa pupunthan namin tahimik lang ako hanggang nakarating kami sa isang simbahan. Bumaba kami at lumakad papasok sa loob, nagdasal muna kami bago kami umikot sa may likuran. Nabigla ako sa nakita ko dahil likod pala ng simbahan yun isang napagandang libingan.

      "Jericho anong ginagawa natin dito?..tanong ko.

   "Jasmine dito nakalibing ang daddy mo kaya kita dinala dito para makita mo ang libingan nya. Bago tayo magpakasal at lumipad sa Italy.."sagot ni Jericho.

        Lumapit kami sa kll nilibingan ng tatay ko. Nag offer ako ng dasal at nagsindi na kandila na dala dala ni Tita. Iniwan na muna nila ako para makapag isa at eto naman ako iyak na naman ng iyak. Hanggang maya maya tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam at lumakad palapit sa kina Jericho. Pumasok kami ulit sa church at nagpabless sa pari at maya maya din pabalik na kami.

      "Jasmine you want to go somewhere?..tanong ni Jericho.

     Umiling iling lang ako, gusto ko ng umuwi at gusto magpahinga. Kahit si Tita ayaw na ring magpunta kung saan saan dahil malamig ang paligid mas gusto pa nyang magstay sa bahay. Kaya wala nga magawa si Jericho kundi ang bumalik sa bahay,pagkadating namin dumiretso ako sa kwarto. Pagbukas ko ng kwarto diretso akong sumubsub sa kama at umiyak, hanggang ngayon kasi di pa rin ako makapaniwala na marinig ko na nariring ang phone nya. Dali dali kung kinuha ang phone ko sa loob ng bag ko at dial ulit ang number ng phone Harris. Maya maya nagring ulit ang phone nya, sobra ako lng kinabahan then may sumagot.

     "Hello..."sagot sa kabilang linya.

        Pinakingan ko ng maayos ang boses nya, narealize ko boses nga ni Mr. Stewart kaya kinausap ko na lang sya.

JASMINE Where stories live. Discover now