Chapter 36

9.2K 183 3
                                    

    

Jasmine,

     "Welcome to my world Jasmine..."sabi ni Jericho sa akin.

     After ko magsign ng two years contract sa modeling agency ni Jericho. Sobra akong excited at the same time natatakot baka di ko kaya gawin ang ganitong trabaho pero sabi naman ni Jericho bago nila ako isasalang sa kung ano ano photo shoot or fashion show kailangan dumaan muna ako sa matinding trainning.

      "Jasmine from now on, I want you to focus on your new job. Kalimutan mo muna ang lovelife mo, focus ,mahalin mo ang trabaho mo at mahalin mo muna ang sarili mo. Nagakaintindihan ba tayo Jas?...tanong ni Jericho sa akin.

     Tumango lang ako sa kanya,sa isip ko,tama si Jericho kailangan ng mafocus para sarili ko at para sa kinabukasan ko. Kalimutan na muna ang buhay pag ibig na yan dahil dyan naging magulo lang buhay ko. Maya maya pa may dumating na isang babae, ang ganda at matakad mukha sya barbie doll alive. Binati sya ng lahat at ngumiti naman sya sa kanila. Lumapit si Jericho sa kanya at humalik sa cheek nya sabay yakap sa kanya ng babae.

     "Si Ma'am Stephanie Lewis girlfriend ni sir Sandoval. Isa syang sikat na fashion designer, fashion organizer at trainor ng mga bagong model na katulad mo. Medyo maghigpit sya sa work ayaw nyang may nalalate sa trainning pero mabait sya at galante yan.."sabi ng assistant ni Jericho sa akin.

      Lumapit sila sa amin, nakakatitig ako sa kanya kasi sobrang ganda nya. Grabi ang sarap hawakan ng mukha nya, parang ang smooth ng kutis nya " how to you" sabi ng isip ko.

     "Hon, I want you to meet Jasmine Reyes our newest model.."pagpakilala ni Jericho sa akin sa girlfriend nya.

     "Oh! hi Jasmine...you look sweet.."bati nya sa akin at nakangiti.

       Tumayo ako makipagshake pero hinug nya ako, medyo nailang ako dahil di naman ako sanay sa ganitong batian na may pabeso beso.

      "Jasmine, Stephanie my girlfriend and she's the one will train you.."sabi ni Jericho sa akin.

     "Yes darling, I'm the one who will train you and of course along with the other model. So are you excited and ready?...tanong nya pa na nakangiti.

      "Yes Ma'am..sagot ko.

      "Stop calling me ma'am, call mi Steph,okay?..sabi nya ulit sa akin.

      Ngumiti lang ako sa kanya, sobrang ganda nya talaga di ko na mapigilan sarili ko humanga sa kanya. Maya maya pa pinag uumpisa na nila ako mag trainning kasama ang iba pang mga bagong model, medyo nahirapan ako pero sige tuloy lang kami. Sumakit na ang mga paa ko sa kakarampa, balik balik hanggang nagbreak kami. May nakilala ako isang model din si Anesia, mabait sya kaya sya yung kakwentuhan ko. Lumipas ang maghapon na ganun ang ginagawa namin kundi magtrain maglakad,magpose pati facial expression pinag aaralan din namin. Sabi sa amin ng photographer  hindi lahat ng pagkakataon tumingin ka sa camera at hindi rin lahat ng oras ngingiti ka sa harap ng camera minsan nga side view lang ang  makikita sayo. Hanggang natapos kaming lahat at lumapit si Steph sa akin,

       "Okay Jasmine I want you to read this book. Its about modeling, basahin mo for more tip and info.."sabi ni Steph at inabot sa akin ang libro.

     "Thanks Ma'am, ay sorry Ms. Steph.." masaya kung sagot ko.

     "Welcome..."sagot nya.

Maya pa nagpaalam na sya at may pupunthan pa sya fashion show sa may SM, kaya nagmadali na syang umalis. Ako naman tuloy pa din sa trainning, medyo napapagod na ako at sumasakit na rin mga paa ko. Natapos kami mag aala singko na ng hapon, yung ibang model na nakaschedule sa fashion nauna na sila kaya medyo kunti na lang tao sa agency. Nag ayos narin ako para makauwi na, gusto ko na muna matulog, pero nagulat ako ng lumapit si Jericho sa akin.

JASMINE Where stories live. Discover now