Chapter 42

9.7K 175 6
                                    

     

Jasmine,

          Ngayon na ang umpisa ng photoshoot namin ni Harris, sobra akong kinakabahan alam ko paano magtrabo si Harris isa syang perfectionist pag dating sa trabaho. Ayaw nya ng paulit ulit madali sya magalit pag di mo nakuha ang gusto nyang pose. Nag aayos na kami pati damit ko na mga susuutin nakaayos na. Nasa isang beach resort kami nagshoot. Naready na ang lahat pati yung mga kasama namin handa na rin.

      "Okay guy's are we ready?..tanong nya.

    "Yes sir..sagot nila.

        Huminga ako ng malalim,lumakad kung saan ako tatayo at magpopose pero nagulat ako ng nagsalita.

     "Jas masyadong makapal make up mo..."sabi nya sa akin.

   "Ha! Subra ba?..tanong ko naman.

       "Yes, di bagay sayo.."sabi nya at tinawag ang glam team namin.

      Pinabura nya ang make up ko at kailangan daw lighter lang yung halos parang wala na ako make up. Sa isip ko, jusmeyo, pati make up ko napapansin, dali dali naman binura nila at inayos ulit. Maya maya tapos na kami at bumalik ulit sa pwesto ko.

      "Okay na ba?..tanong ko.

   "Perfect.."sagot nya na nakangiti.

        Inirapan ko sya at lumakad saan ako tatayo. Nag umpisa na kami mag shoot,minsan ang hirap ng pose na pinapagawa nya sa akin. No choice ako kailangan ko syang sundin dahil kung hindi baka biglang magalit sa akin. Last shoot namin sa area na to, maya maya lilipat naman sa ibang area ng bigla syang lumapit sa akin.

      "I want you to look in the camera ,don't smile at yung mata mo kailangan pull of emotion, okay?..sabi nya sa akin.

      "Pero...sabi ko, di ko natapos ang sasabihin ko dahil tinalikuran na ako.at umalis na sya.

         Kasi yung totoo di ko kaya, na coconcious ako kasi sya nakikita ko. Huminga ako ng malalim and do what he want me do pero piling ko di ko kaya gawin.

     "Jas ready?..tanong nya.

    "Wait lang.."sabi ko pa.

      "Okay, two seconds..sagot nya.

     Seconds talaga pwede bang minuto,maktol na utak ko. Madali lang naman sana to kung hindi ikaw ang kumukuha ng picture ko. Alam ko kasi makikita nya kung anong sinasabi ng mga mata ko kaya sobra akong kinakabahan. Maya maya pa I try my best to do it pero bigla na lang syang sumigaw.

   
       "Jasmine focus..."sigaw nya.

   Nagulat ako kasi first time akong nasigawan nya at gusto ko ng maiiyak hanggang sa natapos na din kami. Dali dali akong umalis at lumayo kunti kasi nag uumpisang magbagsakan luha ko.

     "Jasmine bakit ang sensitive mo,ganun lang talaga yun.."sabi ko sa sarili ko.

         Lumapit sa akin ang isang kasama ko yung nasa glam team at tinanong ako kung ready ako magpalit ng ibang damit para sa susunod na shoot. Tumango lang ako at sumunod sa kanya at dali daling nagbihis ayaw naman magpaimportante. After ko magbihis at makapag ayos naglakad kami papunta sa rocky area ng beach nakapaa lang ako. Si Harris nakasunod sa akin at yung tatlo pa naming kasama maya maya nakarating na kami,ang ganda ng area na yun ang sarap ng hangin pero mainit yung sikat ng araw. Sabi ng isang crew sa akin pumatong daw ako sa bato pero nagulat ako ng bigla na lang akong binuhat ni Harris kaya napahawak ako sa leeg nya at napatitig sa kanya.

     "Sorry.."sabi nya.

    
        Kinilig tuloy ako bigla sa sinabi nya kaya napangiti tuloy ako. Then pinatong nya ako sa may bato at inaayos ang buhok ko, napasin ko yung mga kasama namin sa amin nakatingin at para mga kinikilig nahiya tuloy ako bigla.

JASMINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon