Chapter 35

9.2K 175 8
                                    

          Jasmine,

      Nasa park na kami,medyo malilim sa park ang daming puno puno kasi kaya dahan dahan kami naglalakad para matanggal yung kabusugan namin. Habang ng nalalakad kami nag kwento si Jericho about sa London at sa iba pang country na napuntahan nya.

   "Ang sarap talaga maging anak  mayaman no,pasyal dito pasyal doon. Pero kaming anak mahirap hanggang dito lang sa pinas kahit nga pagpunta ng ibang parti ng pinas mahirapan pa.."sabi ko.
 
        "Kaya nga Jas grab may offer to you para makarating ka kung saan mo gusto.."sagot naman nya.

      "Jericho bakit mo ba kasi ako tinulungan?..seryuso kung tanong.

    "Diba sabi ko we have something in common.."sagot nya.

     "Huh! Ano naman yun?.."tanong ko ulit at napatitig sa kanya.

     "Let's seat.."yaya nya sa akin.

   
     Naupo kami sa may bench,huminga pa sya ng malalim at nag umpisang magkwento.

       "Naging katulad mo rin ako before naging stripper at colboy din ako sa isang club when I was fifteen.."sabi nya.

       Nanlaki mata ko sa sinabi nya, di ako makapaniwala, sya naging colboy? Napaka impossible naman sa histura nya. Tuloy si Jericho sa kwento nya.

      "Mahirap lang kami Jasmine,yung tatay ko nasaksak dahil umuwi ng lasing galing sa christmas party, napagtripan sa kanto. Yung nanay ko naman may sakit sa puso at kailangan nya ng gamot para sa maintenance nya. Kaya no choice ako kundi maghanap ng iba pang trabaho  kasi di kakasya yung kinikita ko sa pagbibinta ng sigarilyo sa kalsada tapos nag aaral pa ako. Nakakilala ako ng isang bakla habang pauwi ako galing sa school sya yung nagpapasok sa akin dun sa club na yun. Nung una di ko masikmura ang mga nangyayari sa paligid ko pero kalaunan nasanay na rin ako. Nagtatrabaho ako sa gabi at nag aaral naman sa umaga plus may iba pa akong extra nagbibinta ng kung ano ano sa palingke pag sabado at linggo. Ginawa ko yun para sa nanay ko dahil di ko kaya na pati sya mawala sa akin..."putol nya sa kwento nya at huminga ulit ng malalim.

    "Akala ko ako lang yung malas sa buhay..."sabi ko, ngumiti lang sya.

   "Naging ganun ang buhay ko,alam ng nanay ko ang ginagawa ko pero kahit pigilan nya ako tinuloy ko pa rin. Tingin ng tao sa akin noon madumi akong tao dahil sa trabaho ko. Pero di ko nalang pinapansin dahil pag pinansin ko sila wala naman din silang maitulong sa akin. Nagtiis ako kahit pa nga sinusuka ko na pati sarili ko pero kinaya ko yun. Hanggang sa isang araw may nakilala akong foreigner,akala ko nung una isa syang bakla yun pala may hinahanap sya. Isang babae na nagtatrabaho dawnsa club pero di nya alam kung ano pangalan nung babae. Naging magkaibigan kami hanggang naikwento ko sa kanya ang buhay ko, kaya tinulungan nya ako, pinag aral at dinala kami ng nanay ko sa London. Naging maayos ang buhay kaya utang na loob ko sa kanya ang lahat ng to.Janggang sa dumating ang oras na namatay sya, nagkaroon sya ng colon cancer.

     "Wow, ang bait naman nung foriegner na yun.." sabi ko kay Jericho.

    "Subrang bait nya itinuring nya akong anak. Wala kasi syang pamilya pero alam mo minahal nya yung babae nakasama nya kahit isang gabi lang. Lagi nyang kinukwento sa akin ang mukha ng babae.."sabi ni Jericho.

     "Alam mo ngayon ko lang narealize na kahit gaano kahirap ang pinagdaanan mo may tao talagang tutulong sayo.."sabi ko kay Jericho at napangiti.

    "Kaya ikaw wag mong isipin na ikaw na ang pinakamalas sa buong mundo. Dahil di mo alam mas may malala pa sa pinagdadaanan mo ngayon. At maging proud ka sa sarili mo dahil  kahit ganun ang pinagdaanan mo ginawa mo yun para sa mga taong mahal mo"...sabi ulit ni Jericho sa akin.

      "Tama ka dyan...sagot ko na lang.

      "Kaya kita tinutulungan ngayon Jasmine dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo. Sana pag isipan mo yung offer ko sayo. Isipin mo na lang na hinulog ako ng langit para tulungan ka o pinadala ako ng dios para maging guardian angel mo.."sabi nya.

      Napatitig ako sa kanya di ko inexpect na ganun sya, sa isip ko, saan ka ba nanggaling at ngayon ka nagpakita sa akin.

     "Hoy! titigan mo lang ba ako.."sabi nya at kinurot ang pisngi ko.

    "Ay sorry...sabi ko.

      "Jasmine, please grab the opportunity dahil minsan lang nangyayari yun sa buhay ng tao.."sabi nya ulit at pasimpling humawak sa kamay ko.

     "Sige pag isipan ko...sagot ko sa kanya.

    "So when I'm going to see you again at my office?..tanong nya.

   "Tatawag na lang ako sayo bukas or sa makalawa...sabi ko.

   
     Matagal pa kami nagstay sa park nag muni muni sa buhay, nagkwentuhan pa ng kung ano ano at hanggang naikwento ko rin ang buhay ko. Di ko inexpect na masaya pala kausap si Jericho at saka punong puno sya ng wisdom sa buhay. Maya maya pa tumayo na kami at naglakad palabas ng park ng may nakita syang nag bibinta ng sorbetes at hinila nya ako,

       "Wait..saan ba tayo pupunta?..tanong ko.

    "You want ice cream?...tanong nya sa akin.

        "Ice cream?...tanong ko ulit.

     "Ayan oh,namiss ko yan eh..sabi nya.

      Natatawa ako at the same time natutuwa kay Jericho para lang sya bata na ngayon lang nakalabas sa bahay. Bumili sya ng dalawa, tag isa isa kami, tuwang tuwa sya sa ginagawa nya. Naisip ko tuloy si Harris sana kung nandito sya siguro masaya gawin to pag sya kasama ko. Pagkatapos namin kumain ng sorbetes bumalik na kami ni Jericho sa sasakyan nya.

       "May pupuntahan ka pa ngayon?.."tanong nya sa akin.

     "Wala na, uuwi na lang ako dahil wala naman akong gagawin.."sagot ko sa kanya.

     "I have an idea, samahan mo muna ako then later hahatid na kita. Okay lang ba sayo?.."tanong nya.

    "Okay lang pero baka makadisturbo ako sayo.

     "Nah...its okay, I don't have major things to do..masayang sagot nya sa akin.

     Nakakatuwa si Jericho pag una mo syang makita akala mo suplado at nakakaintimidate pero pagnakasama mo sya ng matagal kalog din pala. Di na kami bumalik sa  office nya dumiretso kami sa site kung saan nagshoot sila sa isang urban area para sa docummentary na ginagawa nila para sa Nat Geo.

    

       

        

    

      

      

JASMINE Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora