Chapter17

12.3K 227 4
                                    


       Jasmine,

         Nakarating ako sa hospital at agad na pumasok sa ICU. Laking pasalamat ko sa dios at naabutan ko pang buhay si mama. Laking pasalamat ko sa dios at nakita ko pa si Mama, akala ko pati sya mawawala na sa akin. Gusto ko sana sya yakapin kaso di ako pweding pumasok sa ICU. Habilin kasi ng doctor two days pa bago namin mahawakan si Mama. Nang makita ako ni Betty, nagulat sya kung anong nangyari sa akin at bakit may mga bindahe ako at bakit di agad nakauwi kagabi.

     "Jasmine anong nangyari sayo at bakit ganyan ang ayos mo?..tanong ni Betty.

    "Bahabang kwento pero kailangan samahan mo muna ako Ate Betty. Kukunin ko lang ang gamit ko sa condo ni Edward. Mamaya ko na ikwento sayo ang nangyari sa akin kagabi..sabi ko Betty.

      "Ay nga pala dumaan si Edward dito at may inabot sa akin. Alam mo parang nawierduhan ako sa batang yun, di man lang ako kinausap. Pinaabot lang yan sa akin eto sayo at umalis agad di nga nya sinilip ang nanay mo.."mahabang sabi ni Betty sa akin.

     "Ang walang hiyang yun, akala kaibigan ko syabyun pala isang ring demonyo katulad ng tatay nya.."galit kung sabi kay Betty at bigla ng lang pumatak ang luha ko.

    "Bakit may ginawa bang masama sayo si Edward?..tanong ni Betty.

     TumAngo lang ako Betty at tuluyan ng umiyak. Naalala ko lahat ng pinagdaanan ko kagabi ang malapit ko nang kinamatay buti na lang hindi ako nasagasaan at may isang angel pa na tumulong sa akin. Ikinuwento ko lahat lahat kay Betty ang nangyari sa akin at ang tungkol din kay Tito Alfonso kaya naman subrang galit na galit si Betty sa kanila.

      "Hayop talaga ang taong yun,alam ko na Jasmine matagal na nila pinagplanuhan to eh. Ang di ko matanggap ang tukol kay Edward, tang inang batang yun itinuring pa naman syang anak ni Mama mo. Yun pala may kademonyuhan din pala,mga hayop gusto mo ipapulis natin sila Jasmine.."sabi ni Betty.

     "Wag na Betty ang gusto ko ngayon makahanap agad ng trabaho para mabayaran natin ang doctor na nag opera kay Mama.."sabi ko na lang pero sa isip may kasalanan din naman ako.

     "Paano ba yan pupuntahan natin si Edward sa condo. Eh, paano kung andun sya di magkikita kayo nun..sabi ulit ni Betty.

    "Bahala na kaya halika kana,iwan na muna natin si Mama sa mga nurse.."sabi ko kay Betty at sabay hila ko sa kanya.

      After namin makapagpaalam sa nursing station umalis na agad kami papunta sa condo. Sobra akong kinabahan habang papalapit ang taxi na sinakyan namin ni Betty lalo naman tumindi ang takot at kaba ko. Maya maya pa nasa harap na kami ng condo nya at mabilis akong nagbayad at bumaba. Diri diretso lang kaming naglakad papasok sa loob ng building pero sinita kami ng gaurd at hinarangan. At ang sabi bawal na daw ako pumasok sa building na yun. Habilin daw ni Edward pero nagpupumilit ako at halos magsisigaw na ako dahil sa gusto ko lang makuha nag mga gamit ko. Nang mapansin kung dumating at papasok si Edward at dali dali kung sinalubong ng  malakas na susnod sunod na sampal.

      "Yan dapat sayo demonyo ka. Akala ko kaibigan kita yun pala isa kang hudas malala ka pang sa hayop.. sigaw ko sa kanya.

    "Anong kailangan mo sa akin nabayaran na kita ano pa ang kailangan mo? Baka gusto mo sabihin ko sa harap ng mga tao kung ano kang klasing babae.."sabi ni Edward sa akin, nasaktan ako sa sinabi nya kaya tinadyakan ko sya kaya natumba sa floor.

    "Demonyo ka...hayop ka talaga...sigaw ko kanya.

        Bumangon sya at asampalin sana ako ni Edward ng mahawakan ni Betty ang kamay si Edward. Si Betty naman ang sunod na sumapal sa kanya kaya lalong nagkagulo. At pinagtulakan kami ng mga guard palabas ng building, hawak hawak na ako ni Betty palabas.

    "Jasmine halika na, di naman mo kailangan ang mga gamit mo. Kaya hayaan na lang natin yun.."sabi pa ni Betty sa akin.

      "Pero Betty ang dami kung masayang na gamit. Wala akong extra pera para bumili ulit at sayang din yun..."panghihinayang kung sabi kay Betty.

         Pareho kaming nagulat ni Betty na may lumapit sa amin na guard at ang tagalinis ng condo. Bitbit ang mga cartoon box, inilapag nila sa harapan namin at ang sabi sa amin mga gamit ko yun kaya di ko kailangan umakyat. Bigla akong naawa sa sarili ko, napaiyak na lang ako sa sitwasyon ko ngayon. Para akong isang maruming tao at pinagtabuyan, para ako basahan na pagkatapos pakinabangan basta na lang iatatapon. Nag alala ako sa sarili ko, saan na kaya ako pupulutin nito. Kailangan ko ng matuluyan at saan naman ako nito makahanap agad agad ng trabaho. Umalis na kami ni Betty at sa boarding house na muna ako ni Betty tumuloy. Laking pasalamat ko na lang dahil yung boardinghouse na inuupahan ni Betty at ate Myra may isang bakanting kwarto kaya doon na ako at pinarentahan nila ate Myra sa akin. Nga lang medyo masikip at nasa may squatters area pero okay na yun atleast may matutuluyaan kami ni Mama kung magiging okay na sya.
Nakabalik na rin ako ng hospital si Betty pinapahinga ko na muna at si Myra na rin ako muna magtitingin kay Mama habang wala akong trabaho. Habang nasa hospital ako nag iisip ako ano dapat kung gawin,ng bigla may nagflash back sa utak ko nung gabing muntik na ako masagasaan. Nakita ko ang mukha ni Harris pero impossible yun. Kung si Harris andun imposibling di nya ako kakausapin baka nga guni guni ko lang yun. At saka kung si Harris yun sana nakilala nya ako at sana magkasama kami ngayon,buntong hininga ko na lang. Siguro nga hindi konparin sya nakakalimutan at hanggang ngayon umaasa pa rin ako na bumalik sya at makikita sya. Sabi ko lang sa sarili ko "simula sa araw na to, ayaw ko na muna ng mga lalaki. Kalamutan ko na muna ang love life ko, ang mahalaga ngayon ang mga kakailanganin ni Mama. Focus Jasmine kailangan mo makahanap ng matinong trabaho para magkaroon ka ng pera, "fight, fight lang okay" palakas  sa loob ko sa sarili ko..



JASMINE Where stories live. Discover now