Chapter4

16.3K 249 2
                                    


       Jasmine,

        Papasok na sana ako at aakyat na sana sa itaas para makapag aral na ulit. Kaso pingilan ako  ni Kuya Jovet. At ang sabi sa kanya, walang ibang nakakaayat sa second floor except sa mga boyfriends ng mga alaga ni Tito Alfonso. At ang sabi pa ni kuya Jovet nasa taas ang mga friends ni tito Alfonso. Sa isip ko, "naku,  naku nag session naman sila. Si Tito Alfonso kasi bukod sa may ari pa ng bar tulak sya ng party drugs at kung ano ano pang kalukuhan sa buhay. Naupo muna ako sa gilid ng kalye at naghihintay kung kailan matapos sila sa taas.

    "Jasmine bakit ka dyan nakaupo? Baka mapagkamalan ka nilang one of us.."sabi ni Ate Maricar sa akin.

    "Okay lang ako sige bumalik ka na sa loob baka makita ka pa ni Tito Alfonso dito.."sagot ko na lang kay Maricar.

       Pumasok na si ate Maricar, ako naman nakaupo pa rin at naghihintay. Si kuya Jovet naman binabantayan ako. At tama nga ang sinabi ni Maricar napapakamalan nga akong pick up girl. May mga humihinto na lang taxi or magagarang sasakyan at magtanong kung magkano ako.  Umalis ako at tumabi kay kuya Jovet para di sila makalapit hanggang sa isang sasakyan ang bigla na lang huminto at nagtanong.

       "Excuse me Ms. I'm lost, can you please tell me the way out of this street.."tanong nya sa akin.

      "Ah Sir just go straight and then turn left thats the roxas bolivard.."sagot ko sa kanya.

         "Thank you Ms.."sabi nya at nagmadaling umalis.

    Saka ko lang napasin ang sasakyan nung medyo nakalayo na. Sa isip ko, parang yun din yung car nung gamit nung girl na nagtanong sa akin. Pati ba naman dito nakarating ang sasakyan yun at laging naliligaw. Maya maya pa may mga lumabas na galing sa itaas na mga apat na lalaki at kasama si Tito Alfonso. Umiwas ako at nagmadaling umakyat pero ng nasa pangalawang baitang na ako bigla akong tinawag ni Tito. Di ko alam kung babalik ako o didiritso na lang ako pero ayaw ko naman maging bastos kaya huminto ako at lumingon. Sabi nya sakin umakyat ako, magligpit sa taas. Tumango na lang ako at nagmadaling umakyat. Pagdating ko doon sa dali dali kung niligpit ang mga nagkalat na gamit at mga bote ng kung ano anong alak. Ng may napansin ako parang may tao sa kwarto kaya sinilip ko. Shit! nagulat sakita ko  isang babae na nahiga sa kama ni Tito. Walang saplot at parang duguan pa yata. Dali dali ako pumasok at tinulungan sya kasi mukhang hinang hina sya. Sa totoo lang eto unang pagkakataon na makakita ako ng ganito, di ko alam, anong dapat kung gagawin.

       "Ms. Okay ka lang ba, anong ginawa ng mga hayop na yun sayo?.."tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.

      Tinulungan ko sya makalabas ng kwarto at pinuupo sa may sopa. Dali dali ako bumaba sa may second floor para kumuha ng damit. Paakyat na ako ng inabutan ko si Tito at isang babae sa may hagdan naglalapungan. Tinitigan ko sila ng masama pero parang wala silang pakialam. Nagmadali ako umakyat para tulungan ang babae nakalupasay sa may coach ni Tito Alfonso. After ko sya nabihisan pinunasan ko mukha nya kasi duguan, pumasok na rin Tito kasama si Mama. Nagtanong si Mama kung saan namin dadalhin yung babae sa hospital o dyan na lang sa second floor. At ako na lang daw mag aasikaso sa kanya. Narinig kung sabi ni Tito Alfonso sa baba di sya pwede hospital.

      "Jasmine ikaw na bahala sa kanya...sabi ni Mama sa akin at nagmadaling bumaba sa may bar.
 
      Nakatitig na lang ako sa babaing nanlalanta. Siguro kasi idad ko sya,nakakaawa sya. Dahil sa pera napapahamak ang buhay at saka bakit sya pumayag na babuyin ng mga yun. Sa isip isip ko, sana nag aaral kayo ng maayos para di kayo mapahamak at magbibinta ng sarili nyo".  Mabilis na akong kumilos, pagkatapos ko syang asikasuhin, nahiga na ako at iniisip ko naman kung ano ang dapat kung gawin para makaalis kami sa lugar na to. Natatkot ako na baka isang araw mapahamak ako katulad ng babae kanina. Pero ano naman ang gagawin ko, di pa ako tapos sa pag aaral at sigurado hindi sasama si mama sa gagawin ko. Hanggang sa nakatulog na lang ako sa kakaisip, nagising ako dahil sa ingay at sa isang ungol na galing sa labas ng kwarto namin. Dali dali ako tumayo at lumabas nagulat sa nakita ko, kasi si Betty naman at ang customer nya nasa may sopa lang naglalapungan. Akala ko nakaupo lang sila pero yun may mga ginagwa na mga kamay nila. Dumaan ako at kumuha ng tubig tuloy parin sila. Sa isip ko, "hayop talaga ang mga taong to bakit di na lang sila pumasok dun sa kwarto". Bumalik ako sa kwarto at di na tuloy makatulog bigla akong nacurious kung anong feeling ng pinalaruan ang pagkababae mo. Kasi kung makaungol si Betty para ang sarap sarap naman sya. Ala una ng madaling araw at di na ako makatulog dahil din sa lakas ng tunog sa baba, nag uumpisa na show down kaya malakas na ang tunog at nagsisigawan ang mga babae. Bumangon ako at sinilip yung babae duguan kanina pero wala na sya kaya dali dali akong bumaba at hinanap sya. Di ko sya makita sa tapat ng bar, kaya lumakad pa ako palabas pero wala pa rin. Dumiritso ako ng pasok sa bar para sabihin ko kay Mama na nawawala ang babae pero hinarangan ako ng mga nagbabantay sa may pinto.

        "Jasmine bawal ka dyan diba? Lagot kami sa Nama mo kung papasukin ka namin..."sabi nung isang bouncer na nasa may pinto .

      "Kuya may sasabihin lang ako sa Mama ko kasi yung..."putol ko bawal pa lang ipagsasabi yun.

     "Pasensia na Jas sinusunod lang namin utos ni Mama mo.."sagot ulit nya sa akin.

     "Okay..."di na ako nagpumilit alam ko naman yung secret door dito sa isip ko at doon lang ako papasok.

     Dali dali akong umakyat at pumasok sa secret door papasok sa bar. Ikinagulat ko lahat ang nakita ko, di ko alam na my secret room pala dito at naglive show pala sila. Live na nagsesex at puro mga lalaki ang nanunood. Nakita ko si Ate Barbara ang nakasalang at si Regor yung macho dancer. Natutulala ako sa mga nakikita ko, ngayon alam ko na kung bakit lagi na lang akong may ungol na naririnig gabi gabi dahil dito pala nanggaling ang ingay na yun. Dandidiri  ako sa nakita ko pati narin kay Ate Barbara pero at the same time naaawa ako sa kanya. Di ko lubos maisip na paano nila nakayanan gawin yun sa harap ng mga lalaking hayok sa laman. Maya maya pumasok na ko sa loob ng bar, nagulat ako dahil sa mga nag sasayaw ng mga babae na hubo't hubad at mukhang mga kasing idad ko lang sila. Pero ang mas ikinagulat ko yung babae kaninang duguan nakita kung nagsasayaw na walang ding damit. Laking gulat naman ng may bigla na lang  humila sa akin palabas ng bar. Si Mama hawak hawak ako sa braso.

        "Jasmine ang tigas talaga ng kukuti mo anong sabi ko sayo bawal dyan diba. Ilang beses ko bang paulit ulit na sabihin sayo na wag kang pumasok dyan.."sigaw ni Mama sa akin.

     "Bakit Ma dahil ayaw nyo makita ko ang mga nangyayayi sa loob? Ma alam ko lahat kahit iiwas mo ako dyan pero eto dito tayo nakatira. Kahit itago mo sa akin lahat lahat ng katotohanan kung anong nangyayari dyan. Malaman ko rin ang maga kababuyan dyan sa loob. Ma hindi ako bata..."sigaw ko sa Mama.

     "Oo Jasmine, Kaya ayaw ko makita mo ang lahat dahil ayaw ko na matulad ka nila. Ayaw ko na isipin mo na okay lang maging ganito ang buhay. Anak kung may alam lang ako inilayo na kita dito matagal na pero wala, wala akong alam. Wala tayong mapupuntahan, walang may gusto sa atin dahil marumi akong babae.."sigaw din na Mama sa akin.

       "Ma....ayaw ko na dito.."sabi ko na lang sa Mama ko at tumakbo sa taas at doon nalang umiyak ng umiyak.

     Kinabukasan alas kwarto palang ng umaga gising na ako at nakapaghanda ng pumasok ng school. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Ate Barbara na nakaupo sa mesa at parang may inisip tiningan ko lang sya napansin ko na may pasa sya sa mukha kaya nilapitan ko. Inusisa ko kung bakit nagkapasa sya sinampal pala sya ni Tito Alfonso dahil daw di nagustuhan ang performance nya kagabi. Niyakap ko sya at umiyak sya ng umiyak sabi nya ayaw na nya sa lugar na to at uuwi na lang sya probensya bahala na ang dios sa kanya. Alam daw nya na huhusgahan sya ng mga tao doon pero di nya kaya ang pinapagawa ni Tito sa kanya. Kaya tinulungan ko sya magligpit ng gamit nya at dali dali kaming umalis ng bar, sabi nya sa akin bago umalis kung kailangan ko daw ng tulong balang araw susulatan ko daw sya address na binigay nya. Pinasakay na muna si Ate Barbara ng bus bago ako pumasok sa school. Sa totoo lang nakakawalang gana pumasok school dahil sa mga nangyayari ngayon sa akin. Gustong gusto ng umalis sa lugar na yun dahil di ko na kayang sikmurahin pa ang lahat.



       

JASMINE Where stories live. Discover now