Chapter 2: "Jelly Jho"

13.1K 196 2
                                    


Jho's POV

"Uhmm. Bea? Can you help me with this one? Pleaassee." sabi ni Maddie with matching pacute pa. Tsskk!!

"Sige ba! Anu ba yan?" tanong naman ng BEAwak na'to at tumabi naman si Maddie sa kanya.

Pinapakinggan ko lang sila sa mga pinag-uusapan nila. Ang lalandi kasi naghaharutan pa talaga sila dito mismo sa harap ko. Grrr! Mga bwisit! Hindi tuloy ako makapagfocus dito sa ginagawa ko dahil sa mga mayat-maya nilang tawanan.

"Ehhem! Ehhem! Ang KATI!" sabi ko at nilakasan ko talaga yung word na kati. Hahaha. Umakto naman ako na parang nasamid kaya agad akong nilapitan ni Bea. Hehehe.

Napansin ko lang na simula nitong mga nakaraang araw ay nabawasan na ang mga pang-aasar niya sa akin at mas ganing concern na sya sa akin.

"Ok ka lang ba? Ito oh. Uminom ka." alalang sabi nya at inabot sa akin ang baso nya na may lamang tubig.

Ininom ko naman yun pero medyo naiilang ako kasi sobra kung makatitig si Bea.

"Ok kana ba?" tanong nya ulit.

"Oo. Ok na ako. Balik kana dun." pagtataboy ko sa kanya. Pero deep inside kinikilig ako kasi sobra sya kung makapag-alala sa akin. Nasamid lang naman ako pero kung makapag-alala sya parang naaksidente na ako.

"Tsskk! Ikaw na nga tinulungan ikaw pang may ganang magalit. Ewan ko sayo! Dyan kana nga!" inis nyang sambit at naglakad na pabalik sa kinauupuan nya.

-----------

Late na naming natapos yung mga assignment namin. Kainis kasi yung dalawang yun, puro landian lang ang ginawa.

Nauna na akong nagpaalam sa kanila kasi di ko na kayang sikmurain pa ang mga kalandian nila. Sakto paglabas ko ng gate nila Maddie ay nakita kong padaan si Marci sa harap.

"Hi Jho. Anung ginawa mo dyan sa loob ng malaking bahay na yan." pang-uusisa nya. May pagkatsismoso rin to eh no?

"Gumawa lang kami ng assignments. Nasa loob din si Bea kasama yung bagong lipat na studyante sa section namin." pagpapaliwanag ko sa kanya. Kahit alam ko naman na hindi nya naman kilala yung taong tinutukoy ko.

"Ahh. May gagawin kapa ba? Aayain sana kitang kamain sa labas eh." nahihiya nyang tanong sa akin.

Pumayag nama ako sa alok mya kasi wala naman na akong gagawin pang iba kasi natapos ko na lahat. Tsaka 2 pm palang naman. Masyado pang maaga.

Sumakay kami ng taxi papunta sa mall at may nalita akong isang restaurant na sobrang umakit sa paningin ko. Mukhang kakabukas palang ng store na'to kasi ngayon ko lang ito nakita dito.

Pagkapasok namin ay halos mapanganga ako sa ganda ng design ng store nila. Yellow na yellow ang kulay ng pintura ng pader at may mga malalaking sunflower pa na nakadrawing.

"This place is what you call HEAVEN." sabi ko habang hindi parin mawala ang pagka-amaze sa mukha ko.

"You really like sunflowers talaga Jho ah? Hahaha." matawa tawang sabi naman ng mokong na nasa harap ko.

"Che! Wag mo nga akong pakilaman! Bwisit to!" sabi ko sabay palo sa kanya ng hawak kong panyo. 


Buti naman at nanahimik na sya. Kaya nagpalinga-linga pa ako sa paligid at nagselfie kaming dalawa. HAhaha. Instagram update. 

Caption: ATM with this guy. So baliw, but thanks sa libre. *insert photo.


"What do you want Jho? Ano na oorder." sabi nya habang tumatayo sa kinauupuan nya. 

"Kung ano nalang ang sayo yun narin akin." sabi ko at nagpasalamat sa kanya in advance. 

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now