The Come Back 2

9.3K 175 1
                                    

Sabi nila ang pagmamahal laging may kaakibat na sakit. Sa kabila ng saya, ngiti, tawa at galak ay sya ring pag-agos ng mga luha na kahit anong pigil mo ay patuloy parin sa pagragasa.

Kung tunay kang nagmamahal marapat lang na alam mo kung ano ang tama.

Tama pa ba na mahalin mo sya ng buo at tapat at sya naman itong panloloko sayo ng paulit-ulit? Tama pa bang sabihin na "oo mahal kita" pero ang totoo... Hindi ko lang talaga masabi sayo na "tama na. Ayoko na." dahil lang sa ayaw mo syang masaktan?

Diba't mas masakit ang magmahal sa tamang paraan pero sa maling tao inilaan, kesa sa maling paraan pero sa tama at karapatdapat na tao ka nagmahal.

---------------------------

Bea's POV

This is OUR first day in Ateneo. Hhuuuuhhh!!. This is it!!

Hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay nya at tinignan ang napakaganda at napakaaliwalas nyang mukha.

"Are you ready Mads?" tanong ko. Agad naman syang napalingon sa akin na para bang ngayon lang sya nabalik sa realidad.

"W-what?" takhang tanong nya.
"Ok ka lang ba? Do you feel alright?" nag-aalala kong tanong.

Syempre ibang usapan na kapag si Mads ang topic. Kailangan kong magdoble ingat. Mahirap na baka maagaw pa ng iba, diba???

"Ok lang ako. Nu ka ba? Tara na nga." sabi nya with matching beautiful smile. Ay mali. Common na pala sa kanya yung word na beautiful. Hahahaha.

Magkaiba kami ng course na kinuha. Kaya magkaiba rin ang building namin. Inihatid ko muna sya sa room nila para masecured ako bago ako pumasok sa class ko.

"Sige na. Pasok kana. Baka maabutan kapa dito sa labas ng prof mo. Hahahaha." pagpapaalam ko sa kanya. Yung mga classmates naman nya ay pasimpleng nakikitingin sa amin.

"Sige. Basta mamaya ahh. Daanan mo ako dito. Sabay tayo maglulunch." sabi nya pa sabay kurot sa magkabilaan kong pisngi.

"Opo. Hahaha. Pakibitawan na po yung pisngi ko. Tignan mo sila. Pinagtitinginan na tayo ohh." at napalingon naman sya sa likod nya.

Nahagip naman ng mata ko yung isang babae na parang nang-aakit. Ako ba inaakit neto? Not for being assuming pero attracted na ata lahat ng tao sa akin eh. Hahahaha.

I almost shocked ng bigla akong ikiss ni Mads sa right cheek ko.
Pati rin yung mga classmates nya ay literal na bumukas ang kweba ng dahil sa nakita nila.

"Yan ang mapapala mo kapag tumingin kapa sa ibang babae. Do you understand?" then she left me there like a statue.

First time to na hinalilan nya ako in public.

Ok. Fine. OA na kung OA pero oh my ghad. I feel like I'm in heaven.

Nabalik nalang ako sa reality ng biglang nagbell ng pagkalalas lakas.

Halos kumaripas ako ng takbo papunta sa kabilang building at sakto naman na wala pa yung prof namin.

Natapos ang lahat ng class ko for today ng puro pagpapakilala lang ang ginawa ko. Lamona. Bagong lipat eh.

Hindi ko na rin pala kailangan mag-adjust ng bonggang bongga kasi ilang lectures lang pala ang namissed ko. Madali nalang para sakin yun. Basic lang namin yung mga yun nung nasa ibang bansa pa kami.

Pumunta na agad ako sa room nila Mads at sakto naman na nakita kong palabas na silang lahat.

Nang malapit na ako sa kanya ay may biglang lumapit sa kanya na dalawang lalaki at...

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now