Dinner Date

9K 142 4
                                    


Maddie's POV

Papasok na sana kami sa loob ng kotse ni Bea pero bigla ko nalang nakandaman ang biglang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.

Agad akong napatingin sa kanya. At nakita ko syang seryosong nakatingin kay....

Jho at Marci.

"Bei? Are you ok?" alalang tanong ko.

"Yahh. Why?" tanong nya sabay ngiti sa akin.

"I thought y-" then I almost froze ng dahil sa ginawa nya.

----------------

Jho's POV

Agad akong lumapit kay Marci n tinawag nya ako.

Nakakahiya kasi sa kanya baka kanina pa sya naghihintay.

"Hey. Kanina ka pa?" tanong ko ng sinalubong nya ako.

"Hindi naman. Sinabi ko lang na kanina pa ako naghihintay para bilisan mo ang kilos mo. Knowing you na parang pagong kung kumilos." pang-aasar nya sa akin kaya ginantihan ko sya ng isang malakas at sunod-sunod na palo.

"Ouch. Aray. Anu ba. Stop Jho." daing nya kaya tinigilan kona sya.

"Baka nakalimutan mo Jho Maranguinot na volleyball player ka. Huhuhuhhuu" at umarte pa sya na parang bata na inagawan ng candy.

"Ewan ko sayo. Tigilan mo nga yan. Di bagay. Duuhhhh" sabay irap sa kanya.

Bigla naman nyang ginulo ang buhok ko at nagngiting tagumpay.

"Anong ngiti naman yan ha? Insane."

"Ang sunget naman ni Jho. Naglalambing lang eh. Tara na nga." at pinagbuksan nya ako ng pinto.

Agad naman na akong pumasok sa loob. Pero ewan ko ba bakit parang may nagtutulak sa akin na tumingin sa kabilang side ng way.

Pagkalingon ko ay nakita ko si Bea... at magkahalikan sila ni Maddie.

Bigla nalang ako nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib ko.
What the f*ck! Bakit ang hirap parin tanggapin? Bakit ba ang hirap mong kalimutan? Bakit ba napakamanhid mo? Bakit pa ako nagmahal sa isang tao na may mahal ng iba? Bakit ba hindi mo ako kayang patawarin? Bakit di mo ako kayang mahalin?

"Jho?" then it brings me to reality. Pero huli na, hindi ko na nagawang itago ang mga taksil kong luha na bigla nalang lumabas mula sa mga mata ko.

Nakita ko na napatingin din si Marci sa direksyon kung saan ako nakatingin.

"T-tara n-na." sabi ko pero hindi parin sya umimik.

"Do you still love her Jho?" tanong nya. Kaya agad akong napatingin sa kanya.

Nakatingin lang sya ng diretso sa akin mga mata. Wala akong mabasa na kahit ano. Pero dama ko ang lungkot sa kanyang mga salitang binitawan.

"Ayokong magsinungaling sayo Marci. Gusto kong maging fair sayo.... Sorry kung mahal ko parin sya at di ko magawang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sa akin. Sorry kasi of all people ako pa yung minahal mo. At napaka unfair ko sayo kasi kahit na lagi kang nandito sa tabi ko... na lagi akong pinapatawa at pinapatahan sa tuwing malungkot at umiiyak ako hindi ko parin maramdaman sayo yung nararamdaman ko para kay Bea." sabi ko sa kanya.

Umayos lang sya sa kanyang pagkakaupo at biglang tumawa at napahawak sa manibela ng sasakyan.

"Ha. Ha. Ha... Ang swerte mo talaga Bea De Leon...... I already have all the things to be exact. Pero yung puso ng babaeng mahal ko nasayo parin." sabi nya habang nakangiti at nakatingin lang sa daan. Pero kitang kita ko sa mga mata nya na ano mang oras ay babagsak na ang kanina pang nagbabantang mga luha na gustong kumawala mula sa mata nya.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now