Awkward Feeling

9.3K 148 4
                                    

Jho's POV

After nung nangyari sa amin last night the awkward feeling still in there.

Nandito kami ngayon sa Beg para mag training. Sobrang hirap ng training ngayon kasi DLSU ang sunod naming makakalaban.

"Ok! 15 mins. Water break!" sigaw ni ate ly. Agad akong pumunta sa bench side kung saan nakalagay ang gym bag ko.

Kinuha ko ang gatorade at ininom ito. Halos maubos ko na ang isang bote ng isang lagukan sa sobrang uhaw ko.

Umupo muna ako saglit para magpahinga. Kinuha ko ang cp ko sa bag para tignan kung anong oras na.

Wala naman na akong susunod na klase kaya uuwi ako ng maaga sa dorm mamaya. Wala na kasi akong ibang gagawin eh.

Ibabalik ko na sana ulit sa bag yung phone ko pero biglang may tumawag.

Then I saw sa caller id na si Marci lang pala.

"Hello. Marci." bungad ko.

"Hello Jho. May lakad ka mamaya?" tanong nya.

"Mamaya? Wala naman." sagot ko at ininom na ang natitira kong gatorade.

"Kain tayo sa labas. Kasama ko si Ericka." pang-aaya nya.

You know what readers???? May napapansin akong kakaiba dyan kay besh kong si Ericka ehh.

Ayoko naman isipin.... pero... parang may gusto sya kay Marci.
And its weird kasi pagpinsan sila. But I think bagay silang dalawa. May chemistry eh.. Isang pasaway at isang strict. Hahahaha.

But you know guys.... Napapansin ko na kay Ericka lang sya nagkakaganyan. Knowing Marci na sobrang maalalahanin at showee. Pero kapag kay Ericka hindi sya masyadong nagsasalita tapos para syang mabait then transforming into strikto ganun.

Hehehe. Shurehhh. Masyado na akong madaldal. ✌✌😜😜

"Ahhhhh. Cge! Cge! Mamaya." sagot ko.

"Ok. Daanan ka nalang namin dyan. Anung oras ba tapos nyo?" then my narinig ako na nagsalita.

"Hey Marci. Mamaya na yan. Magkikita naman kayo nyan mamaya ng princess mo eh."

"Loko lumayas ka dito!!" rinig kong sagot ni Marci sa kausap nya.

"Sige! Isusumbong kita kay commander Ericka!! WHAHAHAHAHA!!" ganti nung kaasaran nya.

Hehehehehehe. Commander Ericka pala ahhh. Hahahahaha.

"Hoy Marciiii!! Ikaw ahh. May di ka sinasabi sa akin ahh." mahina kong sabi kasi baka marinig nung iba.

"Manahimik ka nga dyan Jho. Baka mawala pa libre mo. Hahahaha." pang-aasar nya sa akin kaya napataas agad kilay ko.

"Ahhhh. Ganon? SIGE! ISUSUMBONG RIN KITA SA COMMANDER ERICKA MO. WHAHAHAHA." at naopen up nanaman yung topic kanina.

"Tse Jhoana Maraguinot. Wag mo nga akong ipagtulakan sa iba. Sayo lang kaya ako, at ikaw lang rin ang susunurin ko. I LOVE YOU BYYEEEE!" at bigla nya nalang inend yung call.

Feeling ko bigla nalang namula ng sobra yung mukha ko. Kaya agad akong yumuko at nung kalaunan ay napalingon ako kasi parang kanina pa may nakatingin sa akin at nagulat ako ng mapalingon kasi nahuli ko si Bea na nakatingin sa akin na para bang galit na ewan. Di ko maexplain.

Agan naman syang umiwas ng tingin at kinausap si.... maddie

"Babe. Gusto mo imassage kita? For sure masakit na katawan mo babe eh." sabi nya pero sapat na para marinig ko na ilang hakbang lang ang layo sa kanila.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now