Chapter 5: "Revelations"

10.4K 168 5
                                    


Maddie's POV

Ansakit malaman na mahal nya pala si Jho. Tama nga ang hinala ko.

"Mahal kita Bea. Hindi ko alam kung paano at bakit pero isang bagay lang ang alam ko. Mahal kita kahit na ano ka pa. Mahal kita kahit... may mahal ka ng iba. Please Bea. Kahit na wala akong puwang dyan sa puso mo, hayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahaal ko." sabi ko sa kanya. Kahit na medyo may tama na ako dahil sa alak alam ko parin kung ano ang mga sinasabi ko.

"P-pero ayokong paasahin ka Mads. Ayokong madamay kap-"

"No Bei. I'm willing to wait for you. Even it takes a million years." seryoso kong sabi sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at tumitig diretso sa mga mata ko. Bahid lamang ng lungkot ang nakita ko sa magaganda nyang mga mata.

"Mads. I'm sorry. But I'm willing also to wait for Jho, even it takes forever." sabi nya at iniwan na akong mag-isang nakaupo sa maputing buhangin ng beach na'to.

Naiyak nalang ako dahil sa sobrang sakit na nadarama ko. Hindi ko kayang makita si Bea na nahihirapan... kaya kahit namasakit sa akin. Kahit na hindi ako sanay na nagpapatalo nalang ng basta basta ay pipilitin kong palayain sya. Kasi ganon ko sya kamahal.

Bea's POV

Wala na akong ibang nagawa kung ang iwan sya doon. Hindi ko alam kung paano sya haharapin. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko para patahanin sya lalo na't ako ang dahilan ng pag-iyak nya.

Bakit ba hindi ko sya kayang mahalin? Bakit ang tanga ko para saktan sya eh minahal lang naman nya ako?

Siguro nga ito na talaga ang tamang pagkakataon para itama ang lahat. Ito na siguro ang oras para malaman ni Jho ang lahat. Ang nararamdaman ko para sa kanya. Di ko na iisip pa ang sasabihin ng iba, basta ang alam ko mahal ko sya at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Maraming salamat Maddie dahil ikaw ang naging dahilan ng pagkakaroon ko ng lakas ng loob para umamin din.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa kwarto namin ni Maddie. Kinuha ko ang isang maliit na kahon kung saan nakalagay ang pinakaiingat-ingatan kong kwintas. Mula pa ito sa lola ko na ipinamana nya kay Mommy. Bata palang ako ay nasa akin na ito at sabi ni Mommy ay ibigay ko raw ito sa taong sa tingin ko ay mamahalin ko ng panghabambuhay.

Bumalik na ako sa baba at sa paglalakad ko ay nakita ko ang kapatid ni Jho.

"Ja? Alam mo ba kung nasaan ang ate mo?" tanong ko sa kanya na busy sa iniinom nyang beer.

"Nandooonnn sa may garden ng hotel." sabi nya tinuro-turo pa kung saan banda. May tama narin ata ito eh.

"Jaja. Don't drink too much ok? Ubusin mo nalang yan at matulog kana pagtapos." sita ko sa kanya. Bilang nakatatanda dapat ako ang magpatnubay sa mga batang tulad nya.

"Ok po." sagot naman nya at nagthumbs-up pa.

I think susunod naman sya sa sinabi ko. Di naman matigas ang ulo nya eh at pinagkakatiwalaan ko rin sya. Naglakad na ako papunta sa may garden ng hotel. Napasulyap ako sa lugar kung saan ko kanina iniwan si Maddie pero wala na sya doon. Medyo nag-aalala na tuloy ako sa kanya.

Nagpalinga-linga ako para hanalin sya pero hindi sya makita ng mga mata ko. Siguro nasa room na sya. Siguro nga.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko at sa bawat paghakbang ko ay sya namang pagbilis ng kanog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam pero hindi kaba ang nararamdaman ko kundi takot.

Nang makarating na ako sa garden ay may mangilan ngilan akong taong nakita. Nagpatuloy lang ko sa paghahanap hanggang sa may naaninagan akong babaeng nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. Nasa may likuran sya banda ng fountain nakatayo. Alam ko kung kanino ang likod na yon at hindi ako pwedeng magkamali. Si Jho iyon.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now