Lies

7.4K 152 4
                                    

Bea's POV

Ilang araw narin ang lumipas since umalis si Jho sa team.

Mula noon wala na akong nabalitaan sa kanya.

Alam ko naman na umiiwas rin sya sa akin, kasi yung mga kateam ko natatawagan at tinatawagan nya...

Peri ako hindi. Nakakainis nga lang kasi parang wala kaming pinagsamahan.

Dati naman kaming magkaibigan... Pero nasira nalang ng nung nafall ako sa kanya... pero nafall naman sya sa iba. 💔

Meron kaminh training ngayon kaya halos bugbog na bugbog na ang katawan ko.

At mamaya ay may class pa ako. Haayyss. Sobrang kapagod.

"Ok team! Pahinga na tayo." sabi ni ate ly.

Agad naman akong naglakad papunta sa gym bag ko at tinignan ang phone ko.

Nagbabakasakaling may tinext sya. Charrrr.

"Bei? May class kapa? Gala tayo?" pang-aaya nila ate amy sa akin kasama sina ponggay, deanna, jia, therese, ate ella liit, ate den at ate ly.

"Sorry guys. Can't come eh. I have classes pa." sagot ko naman at kinuha na ang gym bag ko.

"Ahh ganun ba? Gusto lang sana namin makasama ang one and only BEI namin. Hahahaha" sabi naman ni ate amy. At nagtawanan naman sila.

"Owwww. Sweet nyo naman." at nag group hug kami.

"Siguro next time nalang po. Libre ko kayo lunch." suggestion ko sa kanila.

"Yyeeehhheeyyy! Sabi mo yan aahhh." parang batang sabi naman ni ate ella at nagtatatalon-talon pa sya.

"Besh talaga. Kapag libre at pagkain lakas ng pandinig." sapaw naman ni ate den. And we all laugh just like a teenagers.

Dumiretso na agad ako sa classroom ko matapos ko magshower.

Sa pagmamadali ko ay halos malaglag na ang mga gamit at libro na hawak ko. Buti nalang at wala pa ang prof namin.

Pagkaupo ko ay agad kong binuklat ang libro ko para magreview.

Mahirap na at baka wala akong maisagot sa quiz namin ngayon. Hahahaha.
Syempre hindi porket player ako... kami ay special treatment kami.

I'm going to start reviewing na sana nang marinig ko ang mga classmates ko na nagdadaldalan sa likod.

Ayaw ko man makinig ay hindi ko maiwasang macurious sa pinag-uusapan nila.

"Beh.... Nabalitaan nyo na ba... yung tungkol kay Jhoana Maraguinot?" - girl 1

"Oo beh. Grabe. Akala ko nga friends lang sila ni Marci eh. Boyfriend nya na pala." - girl 2

"Oo nga eh... at hindi lang yon beh. Last week pa pala sila umalis papunta sa U.S." - girl 1

"Ay naku beh. Huli ka na sa balita. Di mo ba alam. Halos kalat na sa buong University na engage na sila. Pagkakaalam ko nga malapit na silang ikasal eh." - girl 2

Sa sobrang inis ko sa mga narinig ko ay padabog kong isinara ang libro ko at lumipat ng ibang pwesto.

Panong hindi ko agad nalaman ang mga bagay na ito? Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong alam?

Halos hindi ako nakapagsagot ng maayos sa quiz namin kanina.

Hindi ako makapagfocus at yung kaninang pinag-usapan lang nung mga babae kanina ang paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko.

Nang makauwi ako sa dorm ay di ko lubos maisip kung paano ko tatanggapin ang mga narinig ko mula sa kanila.

"Paano na to Aly.. Kalat na sa buong university ang balita. Paano na? Pano kapag nalaman 'to ni Bea?" dinig ko ang mga boses nila kahit na nandito lang ako sa likod ng pinto at nagtatago.

"Hanggat kaya natin. Pipilitin natin na hindi ito malaman ni Bea. Kaya walang mag-sasabi sa kanya." sagot ni ate ly.



"So?.....

Hanggang kailan nyo pa ako balak na pagmukhaing tanga? Ha mga ATE?"

At gulat na gulat sila ng makita nila akong pumasok mula sa loob.

"B-bei..? ... K-kanina ka pa ba dyan?" manginig nginig na tanong sa akin ni ate ly.

"Bea. Listen to me. It's not like what you thi-."

"So ano ang dapat kong isipin? Ha ate den?!.... Na isipin ko nalang na HINDI totoo na last week pa pala sila umalis at ikakasal narin sila at ako lang ang tanging tao na mukhang tanga kasi ako lang ang walang alam sa palabas nato?....

Yun ba ang gusto nyong isipin ko?!!...

Akala ko mapagkakatiwalaan ko kayo..... pero hindi pala. Kasi mga manloloko kayong lahat."

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko at hindi ko na napigilan ang mga paa kong tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Hindi kayang sikmurain ang katotohanan na ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra ay sila pang tatraydor sa akin.

Kaya pala sa tuwing tatanungin ko sila tungkol kay Jho ay agad silang nagchrchange topic at kapag alam nila na nasa paligid nila ako ay agad nilang tinatago ang phone nila at hindi mapakali.

Kahit na gusto ng utak ko na pagdudahan sila ng mga panahon na iyon ay hindi ko ginawa.

Kasi sabi ko sa sarili ko ay pamilya tayo, kaya kailangan nating magtiwala sa isa't-isa.

Pero mukhang ako lang ata ang tangang nagpapaniwala sa bagay na yon.

Akala ko pagpunta ko sa dorm ay masasabi ko sa kanila na.

Mga ate. Umalis na pala si Jho? Nabalitaan nyo na po ba? Paanong hindi NATIN to nalaman.

Pero salamat sa kanila at mas nalaman ko ng maaga na na alam na pala nila ang lahat. Ang mahirap nga lang ay ako lang pala ang TANGANG WALANG ALAM.


A/N

Thank you po dahil #86 na tayo sa fanfiction.

Salamat po sa patuloy nyong pagbabasa.

Asahan nyo po na pagbubutihan ko pa ang pagsusulat.

Good day. 😄

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now