Ansunget

8.8K 143 3
                                    


Ang hirap makaramdam ng selos para sa isang taong hindi mo naman pagmamay-ari.

----------------------

Jho's POV

"Here we are guys!!" sabi ni Ate Ly.

Agad na kaming bumaba at kinuha ang mga gamit namin.

Ngayon na kasi ang araw na lilipat kami sa dorm.

Pagkalabas ko ng sasakyan namin ay agad kong nakita si Bea na kinukuha ang gamit niya.

Hahakbang palang ako palapit sa kanya ng biglang kumapit sa braso nya si Maddie.

Nang matapos nilang kunin ang gamit nila ay agad na silang pumasok sa loob. Habang ako?.... Pinapanood lang sila na naglalambingan.

Ang sarap nilang hagisan ng granada para maghiwalay! Mga letche. Hanggang dito maglalandian parin!

BWIIISSEEETTT!.

"Yow. Chill ka lang."

"Oh fck! You gave me a heart attack!" pagsusungit ko kay Aly.
"Alam mo kasi Jho... Kung gusto mo silang hagisan ng granada gawin mo. Wag mo lang i-drawing." then she smirks.

"P-pano mo nalaman?" halos bulong kong sabi.

"Pasalamat ka nga at ako lang ang nakarinig eh. Hahahahahaha" at tinap pa yung likod ko.

"Siguro ngayon ang lungkot mo. Pero sure ako na mamaya... Magiging masaya kana ulit. At magpapasalamat ka sa akin sa huli." sabi nya bago umalis.

Pinanood ko lang sya na naglalakad palayo.

"SUMUNOD KANA SA LOOB! YOU STILL HAVE 3 MINUTES!" sigaw nya sa akin at tumakbo na sya papasok sa loob.

Halos mataranta kong kinuha yung gamit ko at nagkandaugagang pumasok sa loob.

Pagdating ko sa loob ay agad kong nakita si Ate Ly na nakatayo sa harap ng mga kateam namin.

"Now we're all here. Time to announce kung sino ang mga magkakasama sa kwarto nila." nakita ko na ang iba sa mga kateam ko ay naghawak hawak ng kamay.

Natawa lang ako ng bahagya kasi ang cute nilang tignan. Pati ba naman sa ganito may unity parin. 

Hinantay ko nalang na marinig yung pangalan ko.

Ang dami kasi namin eh. Tsaka by pair lang pala yung mga magkaroommates.

Di naman ako naexcite kasi out of 100 meron lang ata akong 1 percent chance na maging roommate si Bea.

And for sure sila pa ang magkasama ni Maddie. Tskkkk!!

Sa sobrang busy ko sa paglalagay dito sa sulok ng gamit ko ay di ko namalayan na tapos na pala si Ate Ly na pagsasalita.

"Sht! Hala. Diko natinig kung sinong partner ko. Ghhhaaad." pabulong ko sa sarili ko at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin si Ate aly.

Halos lahat sila ay nakita kong nagsiakyatan na. Huhhbhhuhhhyh.

"Hoy! Ano? Tutunganga ka na lang ba dyan?" biglang singit ng epal na nasa likod ko.

Sino naman kaya to? Sana hindi sya ang maging roommate ko. Sa tono palang ng pananalita nya baka di ko sya matantya eh.

"Anu namang pak-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Bea na nakatayo sa harap ko at walang emosyon na nakaharap sa akin.

"May sinasabi ka?" masungit nyang tanong.

"W-wala"

"Yun naman pala eh. Bakit di ka pa kumikilos? Oh baka naman gusto mong buhatin pa kita paakyat?" sabi nya at nagcrossed arms pa.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now