Chapter 4: "Out Of Town"

13.5K 216 4
                                    

Bea's POV

Nakakainis kasi late na ako nakauwi kagabi. Ang dami kasi naming school stuffs na tinapos. Hayyst. Grabe ang buhay ng isang estusyante. Napakahirap pero hindi ako susuko! 💪

Time check; 7:48 am. Medyo maaga pa. Di ko nga alam kung bakit ang aga kong nagising pero parang ang ganda ng tulog ko. Hehehe.

Flashback...

Sa sobrang pagod ko ay binagsak ko nalang ang katawan ko sa higaan. Parang di ko na kayang igalaw ang buong katawan ko. Aarrhgg!! 😡😡

Patulog na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko.

"Aarrgg! Magpatulog naman kayo!!" inis na sabi ko habang inaabot ang cellphone ko na nasa table katabi ng kama ko.

Tamad na tamad kong idibilat ang mata ko at nakita ko sa caller ID na si Jho pala ang tumatawag.

Para naman akong nabuhayan ng dugo sa kung sino ang nakita kong tumatawag sa akin ngayon. Umupo ako sa kama ko at kinusot-kusot ang mata ko.

Nananaghinip ba ako? Di nga? Si Jho tumatawag?

Sinagot ko na agad ang tawag pero hindi muna ako nagsalita. Hinantay kong magsalita ang nasa kabilang linya.

"H-hello. Bea?" finally she speaks.

"Yes. Jho." ikinalma ko muna ang sarili ko. Di lang talaga ako makapaniwala na tumatawag sya ngayon. Ilang linggo nya narin akong hindi pinapansin simula nung kinausap ko sya at nagpunta kami sa mall.

"Ahhmm. Pinapatanong ni Mom kung free ka daw ba this long week end. Gusto ka sana nya... namin na isama sa Boracay." tanong nya. Sa tingin ko hindi pa nga talaga kami ok. Simula ng dumating si Maddie nilalayuan nya na ako. Tapos lagi nya ng kasama yung ugok na Marci na yon.

"Ahh. Sige. Pakisabi nalang kay Tita na sasama ako." walang ganang tugon ko.

"A-ahh. Ok. By-" magpapaalam na sana sya pero pinigilan ko sya.

"Wait Jho... Ahhm. Can we talk? Kahit dalawang minuto lang." nangangapa kong tanong sa kanya. Parang wala kasi sya sa mood na makipag-usap. Hindi naman sya tumugon kaya nagsalita nalang ako dirediretso. Sayang ang dalawang minuto ko.

"First of all. I wanna say sorry kung may nagawa man akong mali. Sorry kung nagakit ka kasi simula ng dumating si Maddie hindi na kita nakakausap. I didn't mean to hurt you. Sana mapatawad mo ako. Kasi ako kahit na hindi mo ako pinapansin at lagi mo nalang kasama yung panget na Marci nayun hindi naman ako nagalit sayo. It's so unfair lang kasi ako iniintindi ko yung nararamdaman mo pero yung nararamdaman ko parang hindi mo man lang kinoconsider. Hindi sa panunumbat pero parang binalewala mo narin yung ilang taong nating pagkakaibigan. Simula lang ng nakasama mo yang Marci na yan hindi mo na ako pinansin. Yung totoo Jho? Kailangan ko pa bang umasa na magkakaayos tayo? Kasi sa isang pagkakaibigan hindi lang dapat ang isa ang marunong umintindi........ Jho? Are you still there?" durediretso kong sabi. Di ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga bagay nayon. Basta ang alam ko lang, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko.

"Jho ano ba?! Magsalita ka naman!" naiirita ko ng sabi. Sa dinamirami ng sinabi ko no comment lang sya?

"Ahahahahahahahahahahahaha. Ano bang pinagsasasabi mo Bea? Nagseselos kaba kay MARCI? HAHAHAHA. I can't believe! Ang isang Bea De Leon ay nagseselos kay Marci Bacalla. Hahahaha." pang-aasar nya. Ok na para sa akin na marinig ang pagtawa nya bago manlang ako matulog.

"He. He. He. Ok. Matutulog na ako. Matulog kana rin. Bye!" magsasalita na sana ulit sya pero pinatayan ko na sya ng phone.

Ayoko ng palawakin pa ang usapan namin kasi for sure aasarin nya lang ako. Siguro kakausapin ko nalang sya bukas pag-alis namin papuntang Boracay.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now