Chapter 3: "Double Date or Clash of Jealous"

13.3K 213 2
                                    

Bea's POV

We're now watching Train to Busan. Ang daming tao nanonood ngayon. Puro tilian at mga sigaw lang ang naririnig ko sa apat na sulok ng sinehan na'to. Isa pa sa kinaiinis ko ay ang dalawang katabi ko. Grabe kung makakapit 'tong si Jho sa braso ni Marci. Tsskk! Enjoy na enjoy naman ng kumag na'to yung pagkapit sa kanya ni Jho. 

"AAAHHHH!!! Takbooo!!!" sigaw ni Maddie habang sobrang higpit ng kapit sa braso ko. Pero wala akong pakialam sa mga sigaw ng mga tao dito sa loob. Ni hindi nga ako nakapanood ng maayos kasi binabantayan ko yung kamay ng Marci. Mahirap na baka saan pa mapadpad. 

Natapos nalang namin yung movie ng hindi manlang ako nag-enjoy. Siguro papanoorin ko nalang ulit 'to next time. 

"Grabiieee! Ang ganda ng movie! Nag-enjoy ako sobra!! " sabi ni Maddie pagkalabas ng sinehan. 

"Tsskk! Di halata... enjoy mo nga yung-" narinig kong bulong sa kawalan ni Jho. Katabi ko kasi sila ng Marci. 

"What was that Jho?" tanong ko. Tila nagulat naman sya sa biglang pagsulpot ko. 

"H-huh? Ahhh... sabi ko nakakaiyak yung ending. Huhuhu." pagpapalusot nya. Hindi kaya yun yung narinig ko. Hayysstt. Hayaan mo na nga. 

Naglakad-lakad nalang kami at halos malibot na namin ang buong mall. Napagkasunduan muna namin na kumain kasi medyo pagabi na pala. Natagalan kasi kami konti sa panonood ng Train to Busan. Share nalang kami sa iisang table, kahit na medyo naiinis ako sa Marci na'to mas ok nayun. Kaysa naman masolo nya si Jho diba?

Katabi ko sa kanan si Maddie at kaharap ko naman si Jho na busy sa cellphone nya, at katabi nya naman si Marci. 

"Jho? What do you want to order?" tanong sa kanya ni Marci. 

"Kahit ano nalang. Ayy! Same nalang pala ng sayo." sagot nya pero hindi manlang sya hinarap ni Jho kasi busy parin sya sa kakatype sa phone nya. Tumayo naman na sya at pumunta na sa counter. Buti nga sayo! BLLEEEEHH!!

"Ikaw Mads? Anung gusto mo? Ako na oorder." tanong ko sa kanya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang paglingon sa amin ni Jho. Ano bang problema nya? Kapag kakausapin ko si Maddie tsaka nya lang ako lilingunin.

"Kung anong sayo ganon nalang din ang akin. Pero gusto ko sana ng ice cream." abot tenga nyang sabi sa akin. Actually kanina nya pa sinabi sa akin na gusto nya talaga ng ice cream. HAHAHAHA. Same with me. 

"Ok. Wait for me." at umalis na ako. Nakita ko naman si Marci na naghihintay parin sa inoorder nya.

Sa kabila nalang ako pumila kasi mas mabilis ang service doon. Halos sabay lang kami na nakarating sa table namin. Pero hindi parin kami nagpapansinan. Inasikaso nya ang kakainin nila ni Jho at ako naman ang nag-ayos ng amin ni Mads. Matapos ko syang asikasuhin ay bumalik na ako sa upuan ko. 

Pagkaupo ko ay napansin kong may mali kay Jho kasi mag-uumpisa na kaming kumain pero sya ay tinititigan nya lang ang pagkain nya. Walang ano-ano ay kinuha ko ang pagkain nya na binigay ni Marci at pinagpalit ang akin. 

"You don't need to do that Bei." sabi nya. Napansin naman nung dalawa ang ginawa ko at tinignan lang nila KAMI.

"Nope. Iyo na yan. Alam KO naman na hindi ka kumakain ng CARBONARA eh, lalo na kung may MUSHROOM. Buti nalang talaga at kasama mo ako. Baka na-allergy kapa sa pagkain na'to!" pagpaparinig ko sa ugok na kasama nya. Allergic kasi si Jho sa mushrooms. 

  "S-sorry Jho. I didn't know that you're allergic in mushrooms." pagpapaumanhin nya kay Jho. Tsskk! Parang may magagawa naman yung sorry nya kung nakain 'to ni Jho? Pasalamat sya at kaibigan sya ni Jho, kundi kanina pa'to nakatikim ng power punch. Ayoko pa naman sa lahat ay yung mga taong tatanga-tanga. 

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now