I'll Set You Free

7.7K 151 14
                                    








Maddie's POV

Hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Bea dito sa dorm.

Ilang beses narin namin syang tinatawagan pero hindi nya sinasagot.

Kahapon pinuntahan ko sya sa bahay nila pero hindi nya ako nilabas, miskina ang mga magulang nya ay walang idea sa mga nangyayari.

Di naman namin sya masisisi kung galit sya sa amin.

Niloko namin sya.... pero para naman ito sa ikabubuti ng lahat.

I try to dial bea's number.
Nagbabakasakali lang na sasagutin nya.
Nung mga nakaraan kasi laging nakapatay ang phone nya.

*ring

*ring

*ring

"Hello." sagot sa kabilang linya pero bakas sa boses nya ang pagngarag na parang galing lang sa pag-iyak.

"Hello. Bea? Si Maddie to." sagot ko.

*hindi sya sumagot

"Ahhmm. Bea. I know na galit ka sa amin. Pero makinig ka sana sa paliwanag namin sayo. Hindi namin intensyon na lokohin ka."

"Di nyo intensyon na lokohin ako?! What the f*ck Maddie!! Pinagkaisahan nyo ako!! At hindi rin ako naniniwala na hindi nyo sinasadya kasi may UTAK kayo!" galit nyang sabi at binabaan ako.

Sinubukan ko ulit syang tawagan pero out of coverage na.

Galit parin talaga sya sa amin...

Ayoko makitang nagkakaganito sya. Ang sakit sa puso na makitang nahihirapan ang taong mahal ko.

Kahit na hindi ko pa sobrang close ang Mommy ni Bea ay wala na akong choice kundi ang tawagan sya.

"Hello. Good afyernoon po?" alanganing bati ko sa mama nya.

"Oh iha. Napatawag ka?."

"Ahhmm. Nag-aalala lang po kasi kami kay Bea. Pinatayan nya po kasi kami ng phone nya eh."

"Alam mo. Nag-aalala na nga rin ako sa anak kung yon eh. Buong linggo na syang nagkukulong sa kwarto nya. At kapag lalabas naman sya ay namumugto ang mata nya."

"Sorry po talaga Mrs. De Leon." pagpapahingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Don't be so formal my daughter Maddie. Hindi kna iba sa amin. Pero sana maayos nyo na kung ano man yung problema nyo, bago mahuli ang lahat." paglilitanya nya.

"Salamat po talaga tita. I will do my best para maayos po 'tong gusot na ginawa namin." sagot ko sa kanya.

"Sana nga.... Ay! Wait! Lumabas si Bea ng kwarto nya.

Bea? Where are you going?

*sa park lang po. Need some time... and space.

Ahhh. Ganun ba? Sige. Ingat ka.

*sige po mom. Alis na ako. I'll be back soon. Bye.

Maddie. I think it's your time to talk to Bea. Sundan mo na sya."

I just came back to reality nalang nung nagsalita si tita.

"S-sige po tita. I'll go ahead na." pagpapaalam ko.

"Ok sige. Bilisan mo. Bye"

"Bye po. Thank you."

Agad akong lumabas at bumaba ng kwarto ko. Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin si Ate Den na galing rin sa kwarto nila.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now