I Can't Lose You

8K 164 10
                                    

Bea's POV

Nang sinubukan kong habulin si Maddie ay hindi ko na agad sya nakita.

Dumiretso ako sa dorm kasi baka doon sya pumunta. Pero nang tignan ko sya sa loob ay wala raw. Hindi pa daw bumabalik.

Agad akong nag-isip kung saan sya posibleng pumunta pero wala akong maisip.

Nagpasya akong bumalik sa dorm at maggagabi na ay wala parin sya.

"Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa? Abay parang kanina lang ay si Maddie ang habol ng habol sayo?" tanong ni ate mich.

"Kasi... A-ano kasi eh. .. .ahhmm." di talaga ako makapagsalita ng maayos.

Lahat sila na nandito ngayon ay nakikinig sa usapan namin kaya ang medyo makakailang lang.

"Kasi ano?... Antagal naman masyado pang pabitin." inis ng sabi ni ate ella.

"Kasi nakipaghiwalay na sya sa akin kanina eh." malungkot kong sabi.

Bigla nalang ako nakaramdam ng sunod sunod na batok mula sa kanila.

"Di mo ba alam kung ano ang mga sinakripisyo ng babae nayon para sayo?! Aaiisshh." singhal ni ate ella at hihirit pa sana ng isa pero nakaiwas na ako.

"Alam ko po. Pero di ko lang po talaga napaghandaan. Ang bilis po kasi ng mga pangyayari eh." pagpapaliwanag ko.

Nagkwentuhan nalang kami all the time habang hinihintay ko si Maddie.

Nakapagsorry narin sila sa akin at nalaman ko narin ang reasons kung bakit sila naglihim sa akin.

Ang tanga ko kasi hindi ko sila hinayaang magpaliwanag. Inuna ko ang galit ko sa kanila kesa sa pagtitiwala.

Nang pumatak na ang 9 pm ay nagsiakyatan na sa kanya kanya nilang kwarto ang iba at kami nalang ni ate ly at ate den ang natira sa baba.

"Ano bea? Di ka pa ba matutulog? Baka umuwi yun sa kanila." sabi ni ate ly. Habang chinecheck ang mga gamit pati narin ang pagkakasara ng mga bintana at pinto.

"Hindi po muna. Hihintayin ko parin sya." sabi ko.

"Ok. Matutulog na kami. Wag kang magpupuyat may training pa bukas." sabi naman ni ate den.

"Ok po mga ate." at nagpaalam sila sa akin na aakyat na sila sa kwarto nila.

Naghantay pa ako ng isang oras pero di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Nagising nalang ako sa mga mahihinang tapik sa balikat at pisngi ko.

"Bei. Gising."
"Bea. Wake up"

Nang imulat ko ang aking mata ay agad akong napatayo at niyakap sya.

"Sorry Maddie kung masyado akong naging rude sayo. Sorry kung hindi inisip kung ano yung mararamdaman mo. Sorry...." panghihingi ko ng tawad sa kanya.

"Ssshhhhhh. Tahan na." pag-aalo nya sa akin pero ramdam ko ang coldness sa boses nya.

"Pagbigyan mo naman ako Maddie please.... 😭😢" pagmamakaawa ko.

"Wag tayo dito mag-usap." at naglakad sya paakyat sa rooftop. Sinundan ko lang sya ng tingin habang ang mga paa ko naman ay kusang sumusunod sa kanya.

Napahinto nalang ako ng bigla syang tumigil sa kalagitnaan ng paglalakad dito sa rooftop.

"Bea. Alam mo ba na wala akong ibang tao na minahal ng ganito kundi ikaw." seryoso nyang sabi pero nakatalikod sya sa akin.

Hindi ako makasagot sa mga sinabi nya. Kasi totoo naman talaga....

"Di mo ba alam yung mga bagay na nirisk ko kahit wala akong kasiguraduhan na mamahalin mo rin ako?"

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now